Bianca's POV
Patuloy namin tinatahak ang daan pauwi sa bahay. Hindi ko maintindihan. Bakit parang galit si kuya kay Kurt? Matagal na ba silang magkakilala? Napatingin ako kay kuya na deretso lang ang tingin sa daan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Gusto ko mang magtanong pinigilan ko na lang. Alam kong wala sa mood si kuya para sagutin ako. Kaya tahimik na lang akong tumingin sa bintana.
Ilang minuto rin, nakarating na kami sa bahay. Aakyat na sana ako ng tawagin ako ni kuya.
"Bianca, layuan mo si Kurt."-nagtataka naman akong napatingin kay kuya.
"Bakit kuya? Mukha naman syang mabait."-hindi ko na tinuloy ang pag-akayat. Napatingin sa ibang dereksyon si kuya. Parang may gusto syang sabihin, ayaw nya lang.
"Basta, huwag mo syang kakausapin. Layuan mo sya."-pagkatapos nyang sabihin yun, nilagpasan nya ako at umakyat na sya sa taas.
Naguguluhan ako, bakit naman ako pinapalayo ni kuya kay Kurt? Ano bang meron kay Kurt? At bakit parang galit na galit si kuya? Hinabol ko si kuya sa taas. Bubuksan nya na sana yung pinto ng kwarto nya ng tinawag ko sya.
"Sandali nga kuya. Matagal na ba kayong magkakilala ni Kurt? At napansin ko kanina parang galit ka sakanya. May nagawa ba syang masama sayo?"-sunod-sunod kong tanong kay kuya. Pero wala akong nakuhang sagot. Nanatili lang syang nakatayo.
"Magpahinga ka na lang Bianca."-yun lang ang sinabi nya. Bakit nya ba iniiwasan ang mga tanong ko? May tinatago ba sya saakin.
"No! Hindi ako titigil na magtanong sayo hangga't hindi mo ako sinasagot."-mababakas ang pagkainis sa boses ko.
"Pagod na ako Bianca. Bukas na lang."-saas ni kuya. Napakalamig ng pagkasabi nya nun.
"But----"-napahinto ako sa saabihin ko ng biglang nagsalita si kuya na ikinatigil ko.
"Enough! Kuya mo pa rin ako dapat sinusunod mo ako! Good night."-pagkasabi nya nun, pumasok na sya sa kwarto nya. Ngayon lang nagalit saakin si kuya. Nagsimula namang mamasa ang mga mata ko. Pumasok na rin ako sa kwarto ko.
Tumalon na ako sa kama. Tinamad na akong magpalit. Bakit ganun si kuya? Ngayon pa lang sya nagalit saakin. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Dapat pala hindi na ako nagtanong. Dahil na rii sa kaka-iyak nakatulog ako.
~*~
Blake's POV
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayoko syang isama sa party dahil alam kong may pagkakataon na magkita sila ni Kurt. Bigla naman akong na-guilty ng maaalala kong nasigawan ko si Bianca. Sa kaligitnaan ng aking pag-iisip biglang nagring ang cellphone ko. Kinuha ko yun at tinignan kung sino yung tumawag. Si Vince lang pala. Sinagot ko naman.
[Hello, Blake. Anong nangyari? Bakit bigla kayong nawala?]-Vince
"Nakausap ko si Kurt dyan kanina. At sa palagay ko nagkausap rin sila ni Bianca. Kaya umalis na kami."-paliwanag ko.
[Kamusta si Bianca?]-tanong ni Vince.
"Hindi ko alam. Nasigawan ko kasi sya kanina."-napabuntong hininga ako.
[Bakit mo ginawa yun. Para sakanya big deal na yun. Ngayon mo palang ginawa sakanya yun.]-Vince
"I know, magso-sorry na lang ako sakanya."-saad ko.
[Okay sige.]-Vince
"Sige bro."-binaba ko na yung tawag.
Napahugot ako ng malalim ng buntong hininga. Hindi ko naman sinasadya na masigawan sya. Nadala lang ako ng emosyon ko. Kaya ko lang ginawa yun dahil ayaw ko ng syang masaktan. Ayoko ng maulit yung mga nangyari sakanya noon. At bilang kuya nya poprotektahan ko sya.
End of Chapter
YOU ARE READING
You Stole My Heart [On-going]
Novela JuvenilYou didn't notice that... . . . . . . . . . . . . . You stole my heart ============== Hi guys! This is my first story in wattpad. Please support this. Thankyouall! Date Started: 1/4/18 Date Finished:__________