Maraming salamat po kay Ciellaaa sa paggawa ng book cover. Thankyou!
Bianca's POV
Ugh! Damn this hangover! Napahawak ako sa sentido ko. Grabe sobrang sakit ng ulo ko.
"Sinabi ko naman kasi sayo na wag kang magpakalasing. Oh ayan hot choco para mabawasan yang hangover mo."-inilapag ni manang Seling yung hot choco sa lamesa.
"Salamat, manang."-saad ko habang sapo-sapo pa rin yung sentido ko.
"Inomin mo 'tong gamot para mawala yang sakit ng ulo mo."-inilapag din ni manang yung gamot pati yung tubig.
Si manang Seling ang kasama ko dito sa bahay pati si kuya. Si manang Seling ang nagbabantay sa amin kapag wala sila mama at papa.
"Manang tulog pa po ba si kuya?"-tanong ko kay manang matapos inumin yung gamot.
"Maagang umalis ang kuya mo. Hindi na nga nakapag-umagahan eh. At mabuti na lang nauna kang umuwi kagabi. Kundi, lagot ka sa kuya mo. Sinabi ko na lang na tulog ka na."-paliwanag naman ni manang habang nilalagay yung almusal ko sa lamesa.
"Teka, paano po ako nakauwi? Sinong naghatid saakin?"-tanong ko kay manang na nakapagpahinto sakanya.
"Hindi mo matandaan?"-umiling lang ako. "Buti na lang may mabait na lalaki ang naghatid sayo dito."-paliwanag ni manang at pinagpatuloy nya na ang kanyang ginagawa.
"Naitanong nyo po ba yung pangalan nya?"-tanong ko ulit.
"Hindi ko naitanong kasi nagmamadali syang umalis."-saad ni manang.
"Ganun ba manang?"tumango lang sya. Nadismaya naman ako sa sinabi niya. Paano ako magso-sorry at magte-thank you? Eh hindi ko namam alam yung pangalan nya at yung itsura nya.
"At alam mo, ikaw bata ka. Mabuti na lang may damit yung kuya mo na nagkasya dun sa lalaki. Pinahiram ko muna sakanya."-kunot-noo naman akong napatingin kay manang. Bakit naman pinahiram ni manang yung damit ni kuya? "Huwag mong sabihing hindi mo alam?"-tanong saakin ni manang.
"Wala po talaga akong maalala eh."-saad ko habang pilit na inaalala yung mga nangyari kagabi. Pero wala eh. Blanko.
"Nasukahan mo kaya yung damit nung lalaki."-nanlaki naman yung mga mata ko.
What?! Edi nakakahiya! Hinatid na nga ako sinukahan ko pa?! Ano ba yang nagawa ko? Bakit kasi wala akong matandaan tungkol sa nangyari kagabi?! Teka? Paano nya nalaman 'tong address namin? Ugh! Ayoko sa lahat yung walang maalala!
Sana lang magkita kami ulit.
~*~
Tinignan ko yung oras sa cellphone. Masyado akong nalibang sa pagbabasa, alas-syete y media na pala. Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang aking pagbabasa. Natigil lang ng mag-ring yung cellphone ko. Unknown number? Siguro nagpalit ng number si kuya. Sinagot ko yun pero walang nagsasalita.
"Sino 'to?"-tanong kung dun kung sino man yung nasa kabilang linya.
"Ganyan ba yung paraan mo ng pagsabi ng hello?"-narinig kong sabi ng lalaki. Nagtaka naman ako kasi ibang boses ang narinig ko. Teka? Paano nya nalaman yung number ko.
"Sino ka ba ha? At paano mo nalaman 'tong number ko?"-tanong ko ulit.
"Ouch. Nakalimutan mo na ako agad?"-nangi-inis ba 'to? Kasi kung oo, inis na inis na ako!
"Hoy! Pwede ba wag mo akong pinagloloko! Sino ka ba talaga?!"-may pagkainis sa boses ko.
"I'm the guy who's stole your heart."-pagkatapos nyang sabihin yun binabaan nya na ako.
I'm the guy who's stole your heart
I'm the guy who's stole your heart
I'm the guy who's stole your heart
Paulit-ulit rumerehesto ang mga salitang iyan sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit, nang marinig ko yun biglang tumibok ang puso ko. At ang boses nya napaka-pamilyar. At may pakiramdam ako na gusto ko syang makilala.
End of Chapter
YOU ARE READING
You Stole My Heart [On-going]
Ficção AdolescenteYou didn't notice that... . . . . . . . . . . . . . You stole my heart ============== Hi guys! This is my first story in wattpad. Please support this. Thankyouall! Date Started: 1/4/18 Date Finished:__________