Chapter 2

5 1 0
                                    

Bianca's POV



Kinabukasan, tanghali na ako nagising dahil inabot ako ng umaga bago nakatulog dahil pa rin dun sa tumawag saakin kagabi. Hanggang nga sa pagmulat ko yun agad ang naisip ko kaya hindi muna ako bumangon. Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ko yung tumawag saakin kagabi. Bumangon lang ako ng makaramdam ako ng gutom.

Nang pagbaba ko, nadatnan ko si kuya pati na rin si kuya Vince na nanunuod lang ng basketball. Himala, wala atang gimik ngayon.

"Hi kuya Vince!"-bati ko kay kuya Vince.

"Hello."-nakangiting bati nya. Ang gwapo talaga ni kuya Vince.

"Good morning ku----"-agad naputol ang sasabihin ko at hindi natuloy sa paglapit kaila kuya ng pahintuin nya ako.

"Wag ka nga munang lumapit saamin. Maghilamos ka muna."-pagtataboy saakin ni kuya.

"Si kuya talaga. Naghilamos na kaya ako."-pagsisinungaling ko.

"Naghilamos? Eh may tuyong laway ka pa oh."-nanlaki naman ang mga mata ko at dali-daling nagpunta sa banyo.

Waahh! Nakakahiya kay kuya  Vince. Narinig ko naman silang nagtatawanan. Ugh! Bwiset kasing lalaking yun eh! Dahil sakanya nakalimutan ko ng maghilamos. Kung hindi nya ako pinag-isip hindi ako nawala huwisyo.

Pagkadating ko sa CR agad akong tumingin sa salamin. Napasimangot na lang ako ng wala akong nakitang tuyong laway. Loko talaga si kuya. Kahit wala namang tuyong laway naghilamos pa rin ako at nagsipilyo na rin para naman makalapit na ako kaila kuya Vince. Pagkatapos kong magayos bumalik na ulit ako kaila kuya.

"Anong oras ka nga pala pupunta sa party mamaya?"-narinig kong tanong ni kuya Vince.

"Anong party yan? Pwedeng sumama?"-tanong ko.

"Su---"-nahinto ang sasabihin ni kuya Vince ng biglang magsalita si kuya at napatayo.

"No! Hindi ka pwedeng sumama."maoturidad na saad ni kuya.

"But, why?"-napatayo na rin ako.

"Basta hindi pwede. Wala kang kakilala dun at mao-OP ka lang."-napaiwas ng tingin si kuya.

"Eh nandyan naman si kuya Vince. Sige na kuya! Wala naman akong gagawin mamaya."-nag-puppy eyes pa ako para pumayag si kuya.

"Pero---"-hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ni kuya dahil sumabat ako agad.

"Sige ka, kapag hindi mo ako sinama ako magisa pupunta sa club."-pagbabanta ko. Alam ko namang hindi ako matitiis ni kuya.

"Subukan mo Bianca."-pinanlakihan pa ako ni kuya ng mata.

"Talagang susubukan ko kapag hindi mo ako isinama."-humalukipkip pa ako. Nakita kong kumuyom ang mga kamay ni kuya. Halatang tinitiis nya lang na wag magalit.

"Ehem!"-nakalimutan ko nandito pala si Kuya Vince. "Pre, payagan mo na si Bianca. Wag kang mag-alala ako bahala sakanya."-saad mi kuya Vince. Yiiee! Ang bait talaga ni kuya Vince. Napatingin naman ako kay kuya.

"Fine."-napabuntong hininga si kuya ng sabihin nya yun. Yehey!

"Yes! Thank you kuya! The best ka talaga!"-saad ko at napayakap ako kay kuya. Sabi ko na nga ba hindi nya ako matitiis.

"Okay, basta wag kang lalayo kay Vince."-saad ni kuya, tumango lang ako. Excited naman ako nagtungo sa kwarto para maghanda ng susuotin. Ngayon lang ako makakasama kay kuya. Excited na talaga ako.





End of Chapter

You Stole My Heart [On-going]Where stories live. Discover now