Bianca's POV
Makeup? Check
Dress? Check
Hair? Check
Gamit? CheckPaulit-ulit kong tinitignan ang mga gamit ko. At kanina ko pa tinitignan yung sarili ko sa salamin. Baka kasi kumalat yung makeup ko o kaya nagulo ang buhok ko. Syempre makakaharap ko ang mga kaibigan ni kuya. Kailangan maayos.
"Hey Bianca! Hindi ka pa ba tapos dyan. Late na tayo!"-hindi kaya masyadong excited si kuya? Anong oras pa lang eh. Binuksan ko na yung pinto at bumungad saakin si kuya na nakasimangot, nginitian ko lang sya.
"Ano? Let's go na kuya."-nauna na akong bumaba at pumunta sa kotse ni kuya. Sumakay na rin si kuya at sinimulan ng paandarin ang makina.
Huminto kami sa tapat ng malaking bahay. Lalabas na sana ako ng bigla akonh pigilan ni kuya. Napalingon ako sakanya na may pagtataka.
"Huwag kang magulo mamaya. Huwag ka ring lalayo kay Vince."-pagbibilin ni kuya. Napa-ikot ang mata ko dahil sa mga sinabi ni kuya. Ano ako? 10 years old? Tss si kuya talaga, tumango lang ako at tuluyan ng lumabas.
Nakita ko ring lumabas si kuya. Sumabay na ako sakanya papasok. Nasa gate pa lang rinig na ang malakas na tugtug. Grabe! Mukhang mage-enjoy ako dito! Pagkapasok namin, sumalubong agad saamin si kuya Vince. Ang gwapo nya talaga. Wait, huwag nyong isipin na crush o may gusto ako kay kuya Vince. Gwapo naman talaga sya eh. Kahit dalawang taon ang agwat namin hindi dumaan sa isip ko na magkagusto sakanya.
"Hi Bianca."-bungad na bati ni kuya Vince.
"Hello kuya."-todo ngiting bati ko sakanya. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. May kaibigan pala sila kuya na nagpapa-party dahil birthday. Marami ng nagsisimulang sumayaw sa dance floor, at umiinom.
"Tara na sa loob. Kanina pa kayo hinihintay ni Charmaine sa loob."-pag-aaya saamin ni kuya Vince. Pagkapasok namin sa loob may nakita akong babaeng nakatalikod. Likod pa lang mukhang maganda na.
"Hey Charmaine."-tawag ni kuya dun sa babae. Humarap naman yung babae. Tama nga ako, maganda sya, mukhang mabait din.
"Hello Bryan, hey Vince."-mukha syang anghel lalo na pagngumi-ngiti. Damn! Nakakatomboy! "Buti nakarating ka, Bryan?"
"Ako pa, syempre pupunta ako. Happy birthday!"-bati sakanya ni kuya. Ah sya pala yung may birthday. Pero parang hangin lang ako dito ah. Ni-hindi man lang ako pinapansin.
"Thank you."-saad nya na nakangiti. Napalingon naman saakin si ate Charmaine at nangunot-noo. "Wait, sino sya?"-ayon buti na lang napansin nya na ako.
"Huh? My sister, Bianca. Remember?"-pagpapakilala saakin ni kuya. Wait, anong remember? Nagkakilala na ba kami nito?
"Oh I remember her. O my god! Ang laki ng pinagbago mo. Two years kasi kitang hindi nakita simula ng napunta akong Canada. I miss you Bianca! Nice to see you again!"-saad nya at niyakap ako. Wait, naguguluhan ako. Again? So nagkita na kami dati? Pero bakit wala akong matandaan na nagkita o nagkakilala kami.
"Ahm Charmaine, ililibot ko lang saglit si Bianca dito."-hay buti naman. Hindi ko kasi maintindihan eh. Wala akong maalala na nagkakilala kami. "Halika na Bianca."-aya saakin ni kuya Vince, tumango lang ako.
"Bro, kapag nagkulit yang kapatid ko pinapayagan kitang batukan yan."-napatingin ako ng masama kay kuya. Grabe ang sweet nya talaga. Nagsimula na kaming maglakad ni kuya Vince papunta sa isang bakanteng table.
"Dito ka lang kukuha ako ng iinumin natin."-kahit medyo nainis ako nakangiting tumango ako kay kuya Vince. Ano ba tingin nila saakin? Bata na magpapasaway? Paano ako mage-enjoy kung gina-ganito nila ako?
Habang naghihintay kay kuya Vince bigla ako nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Kaya dali-dali akong tumayo at hinanap ang CR. At buti na lang nahanap ko agad. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung mga nangyari kanina. Matagal na pala akong kilala ni ate Charmaine. Pero bakit ako hindi? Inalis ko na lang sa isip ko lahat ng yan. Naghugas na ako at lumabas. Ngunit sa hindi inaasahan, biglang may bumangga saakin.
"Sorry miss. Are you okay?"-bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses na yun. Dahan-dahan kong nilingon kung saan nanggaling yung boses. Nang tuluyan ko na syang malingon nakita ko ang napaka-pamilyar na mukha.
Bigla namang sumakit ang ulo ko kaya agad akong napasandal sa pader. May biglang nag-flashback sa utak ko kapareho rin sa nangyari ngayon. Pero malabo ang itsura ng tao. Teka? Ano 'tong mga 'to? Sapo-sapo ko lang ang ulo ko. Parang may sinasabi yung lalaki pero hindi ko marinig. Ilang minuto rin nawala yung sakit ng ulo ko. Ano yung mga nakita ko? Hindi ko maipaliwanag. At bakit parang nangyari na 'to dati. Ugh! Ang gulo!
End of Chapter
YOU ARE READING
You Stole My Heart [On-going]
Teen FictionYou didn't notice that... . . . . . . . . . . . . . You stole my heart ============== Hi guys! This is my first story in wattpad. Please support this. Thankyouall! Date Started: 1/4/18 Date Finished:__________