Bianca's POV
"Ayos ka lang ba Bianca? May masakit ba sayo? Gusto mo ng tubig?"-sunod-sunod na tanong nung lalaki at mababakas sa mukha nya ang pag-aalala. Teka, paano nya nalaman ang pangalan ko? Wala akong matandaan na sinabi ko ang pangalan ko sakanya.
"Hey, sumagot ka. May nararamdaman ka bang iba?"-hindi ko masagot ang mga tanong nya dahil tulala lang akong nakatingin sa mukha nya. Parang nakilala ko na sya pero hindi ko matandaan kung saan.
"Bakit ayaw mong sumagot? Damn! Dadalhin kita sa hospital."-nabalik lang ako sa ulirat ng hawakan nya ang kamay ko. Agad ko namang binawi yun na ikanahinto nya. Bakit ba sobra syang nag-aalala?
"Ah okay na ako. Hindi mo na ako kailangang dalhin sa hospital. Salamat na lang."-nakita kong napabuntong hininga sya.
"Good."-tila parang nabunutan sya ng tinik sa dibdib nya. "Sorry dahil nabangga kita."-sinseradong paghingi nya ng sorry.
"Okay lang yun, kasalan ko rin hindi ako tumingin sa daan."-nakangiting saad ko. Mukha naman syang mabait.
"By the way, I'm Kurt."-nilahad nya yung kamay. Walang pagdadalawang isip na tinanggap ko yun.
"I'm Bianca."-nakangiting nakipag-shake hands ako kay Kurt.
"Nice to meet you, Bianca."-nakangiting saad ni Kurt.
"Nice to meet you too."-hinintay kong bitawan nya yung kamay ko pero hindi nya pa rin binitawan. "Uhm, Kurt."
"What?"-nagtatakang tanong nya.
"My hand, please."-saad ko sabay tingin sa kamay ko na hanggang ngayon hindi nya pa rin binibitawan.
"Sorry."tumango lang ako.
"Okay lang. Pwede bang magtanong?"-itatanong ko kung nagkakilala na kami dati kasi napaka-pamilyar ng pangalan nya, yung mukha, pati na rin yung boses.
"Oo naman. Ano ba itatanong mo?"-mas lalo syang guma-gwapo pagnakangiti.
"Nagkakilala na ba tayo dati?"-tanong ko sakanya na ikinawala ng ngiti nya. Bakit? May nasabi ba akong mali? "Napaka-pamilyar mo kasi. I think nakilala na kita pero hindi ko matandaan kung saan at kung kailan."-dagdag ko pa.
"Sa tingin ko, hindi pa tayo nagkakilala, ngayon pa lang. Uhm I have to go. Baka kasi hinahanap na ako ng mga kaibigan ko."-nakaramdam naman ako ng pagka-disappoint. Pero hindi ko pinahalata.
"Ah ganun ba? O sige."-saad ko.
"Okay, sana magkita pa tayo sa susunod."-napangiti naman ako sa sinabi nya.
Sana nga. Sana sa susunod makausap kita ng matagal.
~*~
Kurt POV
Kahit ayaw ko pang umalis sa harap nya, umalis pa rin ako. Alam kong nandito si Bryan nakita ko magkasama sila ni Charmaine. Pero hindi ko inakalang kasama niya si Bianca. Nang makita ko sya kanina, gusto ko syang yakapin at halikan. Ang sakit lang dahil hindi nya ako naaalala. Pero kasalanan ko naman kung bakit di nya ako maaalala.
"Sorry, pre."-napatingin ako dun sa nakabangga saakin.
"Blake?"-tanong ko napalingon din sya.
"Anong ginagawa mo dito?"-napaka-cold nyang saad, as I expected. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Wala akong mabasa. Blanko.
"Bakit masama na bang pumunta sa birthday ng kaibigan ko?"-nanatili lang akong kalmado. Nakita kong kumuyom ang mga kamay nya. Naging handa naman ako, baka bigla nya na lang akong suntukin. Naghari naman ang katahimikan sa aming dalawa. Wala ng nagsalita pa saamin.
"Kuya!"-napalingon kami pareho kay Bianca. Nagulat naman sya ng makita ako.
"Kurt?"-tinignan ko si Blake na ang sama ng tingin saakin. "Magkakilala pala kayo ni kuya?"-dagdag pa ni Bianca.
"Let's go, Bianca."-nakatitig lang ako kay Blake na ang sama ng tingin saakin.
"Huh? Saan tayo pupunta?"-nagtatakang tanong ni Bianca.
"Uuwi na tayo."-ayaw talaga nila akong mapalapit kay Bianca.
"Pero----"-hindi na natuloy ang sasabihin ni Bianca ng hilain sya ng kuya nya palayo.
Malaki pa rin ang galit nya saakin. Naiintindihan ko naman sya. May kasalanan ako sa kapatid nya. Pero sana mapatawad nya na ako.
End of Chapter
YOU ARE READING
You Stole My Heart [On-going]
Teen FictionYou didn't notice that... . . . . . . . . . . . . . You stole my heart ============== Hi guys! This is my first story in wattpad. Please support this. Thankyouall! Date Started: 1/4/18 Date Finished:__________