Chapter 12~ Accidentally ShowLyza'z POV
Hayyysst sa wakas natapos narin ang 2nd subject ko sa umaga, mahina talaga ako sa Math eh.
9:45am na, so 1:00pm pa ang class ko. Kaya nagtungo muna ako sa Library para magresearch sa Report ko bukas.
Habang naglalakad ako sa loob ng Library patungo sa mga Science Book ay may biglang sumalubong na dalawang babae.
Sila yung mga nakatabi ko noon sa Gym nung panoorin namin ang practice nila Jerom.
Ang didilim ng mukha nila. WTF?
"Ikaw si Lyza Venedic diba?" Tanung ni Yellow hair. Aba, Full name ko talaga?.
"Obvious ba girl! Eh sya lang naman yung malanding lumapit kay Jerom kahapon ah." Sabi naman nung maikli ang hair.
"Anung kailangan nyo sakin?" Tanung ko.
Lumapit sakin si Yellow hair at tinulak ako sa kaliwang bisig kaya napaatras ako.
"Hoy Landi! Sa susunod wag ka ng lalapit pa kay Jerom! Dahil hindi lang kami ang makakalaban mo! Hindi mo ba kilala yang nilalandi mo ha?"
Huminto muna sya at lumingon sa kasama nya sandali saka hinarap ako.
"Sya ang pinakasikat sa School nato kaya dapat alam mo ang lugar mo."
"Marami kaming mga fans nya pero wala pang nangahas na yakapin sya." Sabi ni Ikli hair.
Teka! Mga tanga ba ito, si Jerom kaya ang yumakap sakin.
"Isa pa, ang mga kagaya ni Jerom ay hindi nababagay sa isang katulad mo. Nababagay lang sya sa isang Queen Bee at yun ay walang iba kundi si Miss Olive Lee" sabi ni Yellow hair.
Pero nagulat ako sa huling sinabi nya. Queen bee si Olive?
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ayus lang na ibash nila ako pero hindi ko talaga nagustuhan yung sinabi nilang si Jerom ay nababagay lang kay Olive.
Ngayon alam kona na Famous pala sila dito sa school.
"Hoy! Bat dika makapagsalita jan!?" Sabi ni ikli hair.
Binigyan ko sila ng mataray na tingin.
"Wala kayong paki kung lumapit man ako sakanya!" Mataray kong sabi.
Hindi ako nerd dito, at lalong hindi ako dapat magpapatalo sakanila.
"Aba! May pataray taray pa sya? Bakit? Anu ka ba ni Jerom at hindi ka namin pakikialaman?"
"Girlfriend nya"
Napalingon ako sa likod ko na kung saan may nagsalitang babae. At nagulat ako nung makita ko kung sinu yon.
.
.
Si Olive? "Kung wala kayong magandang sasabihin, magsilayas kayo!" Sabi pa nya habang sa mga babae nakatingin."Pasensya na Miss Olive" sabi nung dalawa at nagsilayas na.
"Hindi ka ba nila sinaktan?" Tanung nya sakin at umiling naman ako.
"Halika" hinawakan nya yung kamay ko at hinatak ako palabas dito sa Library.
Really? Pinagtanggol nya ako doon sa dalawa? At teka! Sinabi nya doon sa dalawa na girlfriend ako ni Jerom? O M G.
Ang bait nya, kaya naman hindi nakakapagtaka na nainlove dito si Jerom.
Nakakainggit sya, Maganda na mabait pa. Pero maganda naman ako at mabait ah. Hihihihihihi.
Nandito na kami sa Cafeteria at pinagtitinginan kami ng mga tao. Lunch break na kasi eh, kaya marami ng tao.
Pero pag nakatingin si Olive sakanila, umiiwas naman ng tingin.
BINABASA MO ANG
I Love You Whatever you are
RomanceSi Lyza ay isang Seniorita sa kanilang Hacienda, ipinagmamalaki sya ng kanyang ina ngunit hindi inaasahang nainlove sya sa isang Hardinero na si Jerom. At sakabila ng pagmamahalan nila ay bigla silang sinubok ng isang trahedya. Namatay si Jerom. Hin...