1
Kinuha ko ang supot na may lamang 3-in-1 na kape sa loob ng cabinet. Hay! Tatlo nalang pala ang laman nito. Sabagay, pangtatlong umaga pa ito.Saan na naman kaya ako kukuha ng pambili 'pag naubos? Ang hirap talaga maging mahirap. Buti nalang talaga maganda ako. Tsaka cute at maganda ulit. Naalala ko 'yung sinabi ng teacher ko noong grade 6 ako, sabi niya, "In life, you can't have it all."
"I have the face, but I don't have the money. I can't truly have it all, huh?"
"Ganyan na ba talaga pag namumulubi na ng tuluyan, umii-spokening dollars na?" Nagulat ako ng may nagsalita? Jusko po! Minumulto na ba ako?
"Inay naman! Huwag mo naman akong tinatakot! Magpapakabait na ako, promise!" Binatukan ako 'nung nagmumulto at letse! Muntik na akong mapasubsob. Oh my gracious face! Magasgasan na lahat, wag lang ang aking magandang mukha!
"Gaga! Maganda ka nga, tanga ka naman. Saan ka nakakita ng minumulto ng ganito kaaga?" Sabi ni Isha, ang long time bestfriend ko. Actually, nasa sinapupunan palang kami ng mga nanay namin e may connecting bonds na kami. Char!
"E bakit ka ba kasi nandito? Saan ka nakakita ng nangangapitbahay ng ganito kaaga?" Sagot ko. Aba! Hindi pwedeng tinatanga niya lang ang magandang tulad ko 'no!
"Makikikape ako." Tsaka niya hinablot yung hawak kong 3-in-1, at tinimpla. Walang hiyang babae! Akala mo may pinatago siya.
"Hoy Isha Chaile Nativididad! Sinong nagsabi sayong pwede kang makikape? Alam mo bang tatlo nalang yan?"
"Ngayon, alam ko na."
"Aba, pilosopo ka ah! Lumayas ka nga dito at nabuburyo ako, ampangit mo!"
"Wow! Feeling senyora sa malaking bahay ha! Wagas na wagas kung makapagpalayas. Parang sobrang ganda ang ambiance dito, ah."
"LAYAS!"
"Lalayas na ako! Ampangit ng bahay mo!"
At umalis na siya. Oo. Ganyan kami mag-asaran ng maldita kong kaibigan. Pero kahit ganun, maganda naman siya. Mas maganda nga lang ako ng ilang milyang layo pero maganda parin siya. Siyempre! Hindi naman ako mangangaibigan ng hindi ko kauri 'no! Yuck lang.
Umakyat na ako sa taas para maligo. Doon ako maliligo sa sarili kong banyo sa kwarto ko. May banyo naman dito sa baba pero hindi ko ginagamit kasi para sa mga bisita lang iyon. Charot ulit! Sabi ko nga, hindi ako mayaman at mas lalong wala akong sariling banyo sa kwarto. Nag-iilusyon lang ako. Pero kailan kaya ako makakaranas ng karangyaan sa buhay? Tiningnan ko ang suot ko at napagtantong sobrang hirap ko pala. Siguro, noong naghulog ng sandamakmak na gold bars at iba pang yaman ang panginoon e, nakainom din ako ng sangkatutak na sleeping pills kaya ni kusing ay wala akong nasalo. Pero siyempre, okay lang. Nasalo ko naman lahat ng kagandahan e. Hahaha, ang pretty ko talaga.
Tumunog ang napakaluma kong cellphone, na isang hulog nalang e matitigok na rin. Tiningnan ko kung ano yun at isang text ito mula kay Raffy, ang kaibigan kong horsie.
R: Te, wala ka bang gagawin ngayon? Samahan mo ako. Ngayon ko kasi kikitain yung ka-chat kong porener e. Hintayin kita sa may harap ng Sm, Fairview ha? Pumunta kang gaga ka!
Me: Di ako pwede, Rafael Abalos Jr. Maghahanap akong trabaho.
Natawa naman ako sa reply ko. For sure, puputok na naman ang butsi 'non kasi tinawag ko na naman siyang Junior. E, ayaw na ayaw niyang natatawag ng ganon. Hinintay kong magsend 'yung reply ko, pero walang hiya! Isang nananampal na, 'Message sending failed' ang nagpakita sa screen ng cellphone kong bulok. Itinago ko na lamang 'yun sa bag ko. Hayaan ko nalang maghintay ang bakulaw sakin para di matuloy yung date niya. Tutal pangit naman yung foreigner at hindi ako makakapayag na sa pangit lang mapunta ang mga kaibigan ko, 'no! May standards pa naman ako.
Natapos na akong mag-ayos sa loob ng tatlumpong minuto. Nag-powder ako konti at nag-apply ng konting liptint. Maganda naman ako kahit di ako mag-make up so why bother? Kinuha ko ang wallet kong 200 lang ang laman. Sana naman bago maubos 'to ay nakahanap na ako ng trabaho. Hay! Bahala na nga.
Lumabas na ako sa bahay at kapag minamalas ka nga naman. Nasa labas ang hari ng mga impakto sa mundo. Hindi na talaga ako tinigilan ng mokong na 'to. Hindi ko sana siya papansinin pero hinarang niya ako.
"Ang ganda mo naman ngayon! Saan ka pupunta, Shalin?"
Tingnan mo to, pati pronounciation ng pangalan ko, ampangit padin. Lahat na yata ng parte ng katawan nito pangit e.
"Sa lugar kung saan wala ka, impakto. And for your further information, hindi lang ako ngayon maganda. I am beautiful, everyday, in any way." Ani ko, saka siya nilampasan.
"Alam ko namang gusto mo ako, Shalin e. Nagpapakipot ka lang."
"Yuck! Mamuti man ang uwak, hindi kita papatulan. Kahit siguro si Dra. Vicky Belo mahihirapan sayo kung sakali mang magparetoke ka kasi wala nang lunas 'yang kapangitan mo, impakto!"
And with that, I left. Todo ngiti naman akong naglakad kaya ang mga hampaslupa kong kabarangay, naglalaway na naman. Ano pa nga bang aasahan ko? Maganda ako e.
--
Letse! Letse talaga! Matatapos na ang araw na 'to at mauubos na rin at lahat ang pera ko pero wala parin akong nahahanap ng trabaho! E kung ibenta ko nalang kaya 'tong sarili ko? Joke. Kahit naman sabihing gipit ako e, di ko naman maiisip na ibenta 'to 'no! I won't give any man their satisfaction to touch me.
Over my drop-dead, gorgeous body!
Lakad lang ako nang lakad hanggang sa mapadpad ako sa isang village. Namangha ako sa ganda ng mga bahay dito. Syet! Walang-wala ang bahay ng corrupt na barangay captain namin sa mga nakatayo dito. Magnakaw nalang kaya ako dito? Pero, ang ganda ko namang magnanakaw. Nakarating ako sa dulo ng village nang mapahinto ako. Oh my gosh! Ang ganda ng bahay na 'to. No, scratch that. Hindi ito bahay, isa itong mansyon. Oo, ganun siya kaganda. Binasa ko ang nakaukit sa gate.
'Dorchsner Residence'
Pak! Yayamanin pati apelyido. But what really caught my attention is the paper that is pasted on it. Lol. Hindi pala pasted kasi stapler naman ang ginamit nila. So, staplered? Char!
'Wanted: Personal Maid'
Hindi ko pa nababasa lahat ng qualifications pero binomba ko na ng pindot ang doorbell. Pagalit binuksan ng security guard ang gate pero nang makita niya ang maganda kong mukha ay kumalma siya. Iba na talaga ang nagagawa ng maganda. Tinanong niya kung anong kailangan ko at kating-kati na akong sabihin na pera, pero sinabi ko nalang na mag-aapply ako.
Pinapasok ako ni manong guard at mas lalo na naman akong namangha sa estruktura ng bahay. Syet! Ang swerte ko na ba't nakapasok ako dito? Pinaupo ako nung katulong pero bago siya umalis ay sinabi kong pakitawagan ang boss. Hindi ko alam kung bakit takot na takot siya nung sinabi ko 'yun pero tumalima naman siya. Nagbasa naman muna ako ng mga magazines na nakalagay sa mesa.
Pagkatapos ng ilang minuto kong paghihintay ay naramdaman kong may presensya sa harap ko kaya ibinaba ko ang binabasa ko. Tiningnan ko kung sino 'yun at parang bumaba lahat ng anghel sa lupa! Purdiyos por santo! Ang gwapo ng nilalang na ito. Napatagal yata ang titig ko sa kanya kaya hindi ako magkamayaw nang tumikhim siya.
"So, you're the applicant?" sabi niya.
Feeling ko ay wet na ako down there nung nagsalita siya kasi ang sexy ng boses niya! Syet! Ang landi ng isip ko.
Tumango ako bilang pagtugon.
Tiningnan niya ako from head to toe, at bigla naman akong nanghina sa titig niya.
After a couple of minutes ng pagtitig niya na feeling ko ay forever na, he smirked.
"You're hired."
YOU ARE READING
Drifting Downstream
General FictionThere are two boats sailing in the ocean--one sails away, the other sails towards the first--and when they're nearly closed, the ocean began to drift in two. They had it once, but their's almost.