Chapter 2

7 1 0
                                    

2

Parang nabingi ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Ganun-ganun lang? Kung alam ko lang na ganun lang pala kadaling makapasok ng trabaho dito, edi sana pala noon pa ako nag-apply dito.

"Ano po?" Paninigurado ko.

"Do I really have to repeat myself twice? Bingi ka ba?" Shucks! Ano ba yan. Kahit parang nakaka-offend yung sinabi niya e wala naman akong naramdamang konting hiya, instead, I want to do him. Chos!

"Hindi naman po. Maganda ako, pero di ako bingi. Naninigurado lang." Tugon ko. He seems amused by my words, though.

"Quite arrogant you are, huh? What's your name?"

"I am Shaleigne Keene Pascual. 21 years young, from Tondo--"

"Okay, okay I get it." He cut me off. "So, which one do you prefer to be called? Shaleigne? Or Keene?"

"You can call me yours, sir."

Humagalpak naman ng tawa si sir habang ako, naguguluhan. Nang makita niya 'yung reaksiyon ko, mas lalo pa siyang tumawa. At mas lalong nangunot ang noo ko.

"How about i-share mo yung happiness mo sa'kin, sir?" Sabi ko, malapit na talaga akong mainis. Ano bang tinatawanan niya?

"I'm sorry, but I like you." Parang biglang naghugis heart yung mata ko sa sinabi niya. Syet! Syet! Sabi ko na nga ba e, attracted din siya sakin. Biglang nagparty-party yung paligid sa sobrang saya ko. Oh my gosh! This is it!

"Pero may girlfriend ako, and I'm afraid I can't entertain you." Agap niyang sabi.

Yung party-party sa paligid ko, biglang nawala. Parang bumagsak ang langit sa balikat ko. Feeling ko down na down na ako. Ayoko ko nang magmahal, magmamadre nalang ako!

"And about the job, you can start tonight. Pack your things right away, then come back here. Sasamahan kita sa condo ng kapatid ko kung saan ka magtatrabaho."

"Akala ko ikaw ang employer ko, sir? Bakit pupunta tayo sa condo ng kapatid mo?" Takang tanong ko. Halaa! Ibebenta niya ba ako sa kapatid niya? Oh noes! This can't be. Ano nalang ang sasabihin sa'kin ng mga magulang ko na nasa heaven na? Na bayaring babae ako. Lord, help me!

"No. Ako ang employer mo pero magtatrabaho ka para sa kapatid ko. His name's Milton Frei Dorchsner. I am Morris Fhim Dorchsner, by the way. Nice meeting you."

--

Dali-dali kong ni-pack ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagtatrabaho ko dun. Hindi na dapat ako magsayang ng marami pang oras kasi sayang ang opportunity. Once in a lifetime lang yun, e. Nag-usap kami kanina ni Fhim (I insist na tawagin siyang sir pero ayaw niya kasi hindi daw appropriate yun sa magandang tulad ko. I'm so kilig to the bones talaga!) at sinabi niya yung mga kailangan kong gawin. He didn't say much, pero kabilin-bilinan niya na huwag ko daw iiwan si Frei (di ko na din siya tatawaging sir tutal di ko naman siya employer). Nagtaka naman ako. Baby pa ba yung Frei at di dapat iniiwan? Hay, ewan. At bongga magpasahod ang Dorchsner, ha! Pasabog! Gold ba ang balat at lamang-loob ng kapatid niya at kailangan niyang pagkagastuhan ng pagkalaki-laki? Di ko na sasabihin ang amount dahil baka unahan niyo ko, kaya secret nalang muna. *evil laugh*

Pagkarating ko dun, naabutan kong nanonood si Fhim. Tumukhim ako para kunin ang atensiyon niya at nagtagumpay naman ako. He smiled at me and I feel like my whole world stops for a second. Wala na, in love na talaga ako. Pero may girlfriend kaya kahit masakit, magba-back off ako.

Kinuha niya yung mga gamit ko at iginiya ako sa kotse niya. Kinikilig naman ako kasi parang kami. Chos!

Pagkatapos ng tatlumpong minutong pagda-drive, nakarating na kami. Tiningnan ko ang building kung nasaan ang condominium ng kapatid niya at hindi na ako nagtaka kung gaano kaganda iyon. Nakikita ko lang 'tong building na 'to sa magazine, ah! Pero ngayon, I've got the chance to live in here. Ang swerte ko talaga. I love you na, life! Hehe.

"You ready?" Tanong ni Fhim na may tonong nagsasabing dapat na akong matakot. Di kaya, beast 'yung kapatid neto?

"I am born ready, Fhim." Sabi ko nalang, at iwinaksi ang mga bagay sa isip ko.

"Well, you should. Come."

Sumakay kami sa elevator at di ko maipagkakailang kinakabahan ako. Ako talaga yung tipo ng tao na di mo makikitaan ng kahit konting bakas ng pagkakaba, pero deep inside, hindi magkamayaw ang puso ko sa pagtibok. Nakita kong pinindot ni Fhim ang 36th floor at hindi ko alam kung ilang minuto kami doon.

Nakarating na kami sa unit ng kapatid ni Fhim at dire-diretso lang siyang pumasok. Sabagay, kapatid niya 'yun kaya di na nakapagtatakang welcome siya 'dun. Sumunod nalang ako sa kanya at nagulat sa itsura ng unit niya. Sabi ko na nga ba, e! Beast ang kapatid niya! Napakagulo ng unit niya na akala mo e sampung dragon ang nagdecide na gawin itong fighting ring. Lahat ng appliances, tumba!

"Dito ba naglandfall yung bagyong Yolanda noon, Fhim?" Tanong ko. Baka kung sakaling dito nga naglandfall yun, e maiintindihan ko pa.

"You're really something, Shaleigne. But to answer your question, yes. Pati yata bagyong Lawin, dito rin naglandfall, I think?" He replied that made me laugh.

Pumasok naman siya sa isang kwarto at sumunod ako.

"Here's your room."

In fairness, halos binagyo, nagka-hurricane, at nag-earthquake sa buong unit pero itong kwarto, matibay. Hindi natibag. Hinawakan ko ang dingding ng kwarto, "Sobrang strong mong kwarto ka ah. I'm proud of you."

Tumawa naman si Fhim sa sinabi ko. Bakit parang nagmumukha na akong clown dito? Tinatawanan niya ako lagi, badtrip!

"Teka, Fhim. Nasaan na ba yung kapatid mo? Baka naman di ako tanggap dito ha? Naku, baka ipabomba niya ako kapag nalaman niya nakikikwarto ako."

"Let's see."

Lumabas na kami sa kwartong iyon. Hinila niya ako sa isang kwarto na sa pagkakahula ko ay kwarto ni Frace.

"Milton?" He asked.

"Kuya." Someone whispered. And I know, that's Frei. He is sitting in the corner of the room. Looking like hell as ever. He looked up. I gasped. Bakit ganun? He looked a mess. Nakakaawa ang itsura niya, and that made me want to care for him.

Milton Frei Dorchsner. His name's very beautiful. It suits him, because he, too, is beautiful. And what I don't understand is that he somewhat make my heart cringed.

"What do you want?" He again said. His voice is as cold as ice. And I think his heart is hard as stone. No. I am sure of it. Kitang-kita sa mga mata niya.

"I want you to meet someone." Said Fhim. And finally, Frei had notice me. He looked at me as if there were recognition in his. He blinked twice. He stared at me while I held my breath. Finally, after few moments, he spoke.

"Who are you?" He said.

"Hi. I'm Shaleigne Keene Pascual. Your new personal maid." I said with pride. At least, kahit personal maid niya lang ako, maswerte parin siya. Wala na siyang mahahanap na maid na ganito kaganda.

He turned to his kuya, which is Fhim, obviously. Then his words came like thunder.

"Well, what do we have here again, kuya? Another slut?"

Drifting DownstreamWhere stories live. Discover now