6Its been two weeks since the "I will help you" encounter namin ni Frei pero ganun parin naman ang nangyayari sa mundo. Si Duterte parin ang presidente ng Pilipinas, unkabogable parin si Vice Ganda, di parin naghihiwalay si Erwan at Anne, pinag-aagawan parin nila Alex, Zoey at Darsy si Liam sa The One that Got Away, nandito parin ako sa unit ni Frei, masungit at masarap parin naman siya at siyempre, ang pinakahindi magbabago sa lahat ay maganda parin naman ako. Minsan nakakasawa na ang cycle ng life. Wala na bang bago? Like, magkaroon naman sana ng exposure si Fhim, ganern?
Inilibot ko ang aking mga mata sa unit. Alas otso palang pero tapos ko na lahat ng gawain. Wala nang mga gamit na nakakalat, sobrang kintab nadin ng sahig. Nakaayos na ng mabuti ang mga appliances kaya wala na akong problema. Tapos na din akong maglaba ng mga damit namin ni Frei kahapon at sobra talaga akong nag-enjoy maglaba ng mga brief at boxers niya. Ambango, e!
Biglang kumalam ang sikmura ko kaya napagdesisyunan kong magluto na lang ng almusal namin. Binuksan ko ang fridge at napagtantong wala na pala kaming stock ng pagkain. Kailangan ko nang mag-grocery mamaya. Kinuha ko na lamang ang tatlong piraso ng patatas saka pinrito. Nag-poach din ako ng eggs para everybody cute.
Mabilis ko namang ang pagluluto dahil bukod sa maganda ako, kamag-anak ko pa si Chef Boy Logro. Charot! Napatingin ako sa kwarto ni Frei. Hindi pa ba 'yun gising?
'Malamang! Boba ka? Hindi pa nga lumalabas, diba?' Sagot ng aking napakatalinong brains.
'Brains talaga? As in, with s talaga? Tsk. Boba, pucha.'
Sa sobrang asar ko, nilabas ko ang cellphone ko at nagsulat sa 'Reminders'. Nilagay ko lang naman na i-remind niya akong tanggalin ang utak ko mamaya nang matigil na sa pambabara. Nag-alarm na din ako para siguradong maalala ko. But for now, kailangan ko muna ito.
'Shunga! Ikinakahiya kong naging parte ako ng katawan mong 'di naman maganda.' Pagsabat nito. Napairap nalang ako.
Kinatok ko na si Frei at inayang kumain. Hindi naman na siya nagreklamo nang ginising ko siya kasi nga, why would he, diba? Swerte niya nga ako 'yung una niyang nakikita sa paggising niya sa umaga. Like, come on! I'm so gorgeous by Taylor Swift kaya.
"What's for breakfast?" Tanong niya habang humihikab pa. Ang sexy, lang.
"Poached eggs and fried potato." Confident kong sagot.
"What kind of breakfast is that?!" He exclaimed.
Ano na namang problema niya sa pagkaing hinanda ko, aber?
"Edi food. Pero wait, alam mo ba kung ano talaga ang potato?" Tanong ko habang tumataas-baba pa ang kilay.
"Make sure that's senseful or else I'll kill you." Banta niya.
"Ang OA mo ha! Pero kasi, yung potato, kapag hindi itim 'to, edi potato!" Sabi ko sabay tawa.
Nakita ko naman siyang napatampal ng kaniyang noo, habang ako ay tawa nang tawa parin talaga. Bukod talaga sa ang ganda ko, ang galing ko pang magjoke.
Nang mapansin kong seryoso parin si Frei ay sinimulan ko na lang ding kumain. Baka mamaya, totohanin niya pa 'yung sinabi niyang papatayin niya ako, edi nagluksa ang sambayanang Pilipino, diba?
"Frei." Tawag ko.
Naalala kong wala na pala kaming stock ng pagkain.
"What?!" Sigaw niya.
"Galit agad? Sasabihin ko lang naman na wala na tayong stock ng pagkain at kailangan ko nang mag-grocery. Pahingi ako ng pera, kbye." Sagot ko.
Napaisip naman siya sa sinabi ko at hindi ko alam kung bakit nag-iisip pa siya. Nalaman niya na ba na lagi ko siyang kinukupitan pag naggo-grocery ako? Syet. I'm so doomed.
![](https://img.wattpad.com/cover/134404140-288-k484116.jpg)
YOU ARE READING
Drifting Downstream
General FictionThere are two boats sailing in the ocean--one sails away, the other sails towards the first--and when they're nearly closed, the ocean began to drift in two. They had it once, but their's almost.