Chapter 3

11 1 0
                                        

3

"What the hell, Milton?" Shouted Fhim. He is really nice, unlike this bastard in front of me. He is one hopeless asshole.

Nasaktan ako sa sinabi niya, oo pero hindi ko pinakita. Matatag ako. Ngayon palang pinakita niya na ang sungay niya sa'kin. Pero ako, hindi pa. Hindi pa niya ako kilala.

"What? Why do you keep on bringing girls here? I don't need them. I only need her." He said, at maya-maya pa, he is already crying. Napakababaw naman ng lalaking 'to. I tsk-ed.

"And you, woman! How much did he gave you? I can triple it. Just leave me alone." Ano bang problema ng lalaking ito? Parang pasan ang mundo, e. Hay! Mga mayayaman nga naman. Marami ngang pera, andami naman plot twist sa buhay. Daig pa plot twist ng mga korean novelas e. Napaka-complicated. Ang sakit sa bangs!

"Binigay niya sakin lahat ng kayamanan niyo. Sige nga, triplehin mo nga 'yun. Kapag nagawa mo, aalis ako." Sabi ko. Gulat namang napatingin sa akin si Fhim. Haha, ang cute niya lang. Ang sarap iuwi. I just gave him a wink, at tiningnan siya ng "Don't-worry-I-can-handle-this" look. Ang pretty ko lang.

"Leave. I don't want to see you." Sabi niya, at dahil makulit kami ni Fhim, di kami umalis.

"Do I really have to repeat myself twice?"

"Hindi naman. Mga 1.5 times lang, pwede." I replied.

"LEAVE!"

"Edi leave, 'to naman. Ang init ng ulo. Diyan ka na nga."

Umalis kami ni Fhim sa kwarto niya at pagkasarang pagkasara ng pintuan, humagalpak na naman siya ng tawa. Binatukan ko nga.

"What's that for?!" Sabi niya. Hindi pa ba halata? Siyempre, nababaliw na siya kaya kailangan kong pigilan hangga't maaari.

"Para bumalik ka na sa katinuan mo, gago!"

Umayos naman siya.

"Shaleigne, he may not be so nice--"

"Definitely not." I agreed. He just glared at me so I signaled him to continue.

"As I've said, he may not be so nice now, but I know he still is. Pagpasensyahan mo sana siya, Shaleigne. Don't ever lose patience with him. At huwag mo siyang iiwan. Okay?"

Tumango-tango naman ako bilang sagot. Hindi ko nalang tinanong si Fhim kung bakit nagkakaganyan si Frei kasi masyado nang personal yun. Alam ko namang mabait yang si Frei, e. Konting push lang. Lol.

"So, I have to go na. I have something to do pa, e. Maiwan na kita?"

"Sige, ingat."

"Thanks, goodnight."

Pagkaalis ni Fhim, di ko na alam kung anong gagawin ko. Ay! Alam ko pala. Maglilinis ako. Pero ang napakalaking tanong ngayon ay, Saan ako magsisimula? Jusko! E, parang kahit buong gabi pa akong maglinis dito e di parin malilinis. Parang gusto nito e isang taong general cleaning ang mangyayari. Nakakaletse.

Ilang oras na akong naglilinis. Tiningnan ko ang wall clock at nakita kong alas-onse na pala. Nagdinner naman na ako kanina bago pumunta kaya di na ako gutom. E, si Frei kaya? Kumain na kaya ang mokong na 'yun? Anyways highways, bumibigat na rin ang mga talukap ng mata ko. Kaya napagdesisyunan ko nalang matulog. Maglilinis nalang ulit ako bukas.

Naalimpungatan ako nang may narinig akong tumunog. Ang aga namang mambulabog kung sino man 'yun. Kinapa ko ang cellphone kong bulok sa may side table. Yes! You read it right. May side table na ako. Personal maid ako ng isang Dorchsner, remember? So ayun nga, nagtext lang pala sina Raffy at Isha.

Raffy: Hayop kang gaga ka! Kakalbuhin kita kapag nagkita tayo. Pinaghintay mo ako dun! Di tuloy kami nagkita 'nung ka-chat ko. Shit ka!

Isha: Hoy babae! Kailan mo balak umuwi? Wala ka talagang kadala-dala.

Natawa ako sa ni Raffy. Sabi ko na nga ba e, hindi natuloy ang date niya. Well, its good narin. Ampangit kasi talaga nung foreigner, no offense. At si Isha, speking of, di ko pa pala nasasabi sa kanya na may trabaho na ako. For sure, matutuwa iyon! Di ko na sila ni-reply-an kasi wala naman akong load. So, sinubukan ko nalang matulog ulit. Kaso, di na ako dinalaw ng antok. Napagdesisyunan kong bumaba nalang at magprepare ng breakfast nung mokong. Masarap naman akong magluto kaya di naman siguro siya magrereklamo. At kung di niya man magustuhan, masarap naman ako. Kung gusto niya, ako nalang ang almusalin niya. Hahaha! Ang landi ko. Broken na broken na nga yung tao, e. Pero kasi, di ko talaga maide-deny na mas gwapo pa siya kay Fhim. Okaym enough for that.

Tinapos ko muna ang morning rituals ko, saka ako bumaba. Alas singko palang naman kaya baka tulog pa ang dragon. Pagkababa ko, tahimik pa nga ang paligid. Tiningnan ko ang laman ng refrigirator niya, at in fairness ulit, madami siyang stock. I decided na egg, hams and bacons nalang ang lutuin ko. Kumain na rin ako bago pa siya magising. Baka kasi kapag gising na siya, beastmode parin siya at paalisin ako. Well, di ako aalis hangga't di sinasabi ni Fhim. Worse, baka di ako pakainin ni Frei. Kawawa naman ang maganda kong intestines.

Pagpatak ng alas sais, bumaba na si Frei. At hindi na ako nagtaka kung umagang-umaga palang, e beastmode na siya.

"Why are you still here?! Did I not tell you to leave?!"

"And good morning to you too, Frei." Biglang nagdilim ang tingin niya nung sinabi ko yun, well ano bang bago?

"Don't call me that!" Huh? Ano bang tinawag ko sa kanya? E diba pangalan niya yun?

"Okay, Digong."

"What the hell is Digong?!" Bakit ba siya nakasigaw lagi? Nakakabingi, ah!

"E ayaw mong tinatawag ka sa pangalan mo, edi Digong nalang. Para identical kayo ng presidente natin. O diba? Masaya?"

Hindi na niya ako pinansin after at wala akong pakialam. Naglinis nalang ulit ako, nang mabawasbawasan naman ang masamang hangin sa bahay. Minsan ay napapatingin ako sa kanya pero irap lang ang tapat nito. Hindi ba siya nahihilo? Irap siya ng irap, parang tanga.

"Umamin ka nga, Frei--este Digong. Bading ka ba?" Hindi ko na napigilang tanungin.

"Don't talk to me." He said as if talking to me is the most ridiculous thing ever.

"Edi wag. 'Pag ako, hindi mo napigilang kausapin, mapapahiya ka sakin."

"And why would I do that?" Sabi niya.

"You just did." Sagot ko with smile pa! Hah! Akala niya ha. Nilampasan niya lang ako at dumiretso sa kwarto niya.

I looked at his back and for the nth time, I feel my heart beating erratically. Ano ba, heart? Bakit ka ganyan?

Tumigil siya at dahan-dahang tinapunan ako ng tingin,

"Who are you, really, Shaleigne?"

Drifting DownstreamWhere stories live. Discover now