4
Time passed in a blur. Wala naman kasi akong masyadong ginagawa. Kung tutuusin nga, parang ako na ang may-ari ng unit na 'to. Lagi kasing nasa kwarto si Frei. Bababa lang siya kung gutom siya, at kung trip niya. Ewan ko ba sa lalaking 'yun. Di ko mafigure out. Para siyang puzzle na ang hirap buuin. At mas humirap pa kasi di naman ako nakarating sa college dahil iniwan ako agad nila nanay, kaya ang dating, hindi talaga ako marunong bumuo ng puzzle. Hehe.
Ilang linggo narin ako dito at namimiss ko na si Isha at Raffy. Hindi naman ako pwedeng umuwi dahil bukod sa di ako pwedeng umalis nang walang paalam, e wala din talaga akong pera ngayon. Hay! Ang saklap talaga ng life. Kaya heto ako ngayon, nakiki-wifi nalang, nanonood ng tv, at nakasalampak sa couch buong maghapon. Hindi na din naman kasi naiiwan ang unit na madumi kasi nandito naman na ako para maglinis. Siyempre, kapag maganda, kailangan malinis rin. Pak, ganern!
Namimiss ko na din si Fhim. Hays! Mula noong first day ko, e di na yun napadpad dito. Aba! Kinalimutan niya na agad ako, ganun? Hindi pwede! Kailangan niya akong panagutan! Charot, ang landi ko talaga mag-isip kahit kailan.
Tiningnan ko ang bessywap kong cellphone at nakita kong may text doon si bessywap kong Raffy. Ang kulit din talaga ng lahi nito 'no?
Raffy: Hoy babae! Kating-kati na akong makita yung kachat ko!
Ang landi ni Junior, leche. Pero syempre, ni-reply-an ko naman. Dahil yayamanin ang boss ko ngayon, payaman na din ang sim ko 'no! May load na. And take note, sponsored ako ni Fhim. Kasi, mahirap naman kung poor ka na lang all the time. Dapat once in a while, may pera rin.
Me: Ayoko.
Raffy: Kahit libre ko na pamasahe mo?
Me: Ay! Yun lang?
Raffy: Pati pagkain! Tapos ihahatid pa kita hanggang diyan sa condo unit ng alaga mong yummy.Agad akong napangiti sa usapan namin. Hay! Bakit ba napakadaling utuin ang kabayong 'to? Nevertheless, ako naman ang nagbebenefit so gora lang! Pak! Laban!
Nireplyan ko siya ng pagkaganda-gandang "okay". For sure, kaya ako niyaya para may panangga siya 'pag di niya type yung ka-'blind date' niya. Akala mo naman kung sinong kamukha ni Pia Wurtzbach, e yung mga level niya naman, pang-Tekla! Ang choosy niya lang!
Maya-maya, narinig kong may bumaba sa hagdan. Pagtingin ko, ang mokong pala. Himala! Lumabas siya sa kuta niya!
"Good morning, Frei!" Sabi ko but he just glared. Wala na bang gagawin 'tong lalaking 'to kundi tingnan ako ng masama?
"What's good in the morning?" Sagot niya. Whuut? Hindi pa ba ako good sa paningin niya? E, best na nga ako kung tutuusin, e. Ang clichè naman ng lalaking 'to.
"Ang beastmode mo talaga, Digong. Saan ka ba ipinaglihi ng nanay mo? Sa sama ng loob? Buti pa si Fhim, gwapo na nga, mabait pa." Nagningning ang mga mata ko pagkasabi sa pangalan ni Fhim.
Tiningnan ko si Frei at nagpacute. Baka kasi sakaling madala sa ganda ko at tuluyan nang ma-good mood. I pouted my lips with matching beautiful eyes pa 'yan ha? Pero ang walang hiya, inirapan lang ako. I heaved a deep sigh. Wala na talagang pag-asa 'to.
"Frei, pwede ba akong lumabas ngayon?"
"Pwede naman. Wag ka na nga lang bumalik." I snorted at his reply. Ang sama ng ugali ng punyaterang 'to. Wala ba itong 'good bones' man lang sa katawan?
"Kapag seryosong nagtatanong ang isang tao, seryoso din dapat ang sagot. Leche. Nakakatanga ka." Sagot ko. Sana naman ngayon e sumagot na siya nang maayos. Dahil kung hindi, lulunurin ko talaga siya sa Marianas Trench.
"Okay."
Dali-dali akong umakyat sa kwarto para mag-ayos. Gusto ko lang talagang mag-unwind ngayon. Naks! Unwind. Big word! Sabat ng isang parte ng utak ko. Napairap nalang din ako. Grabe naman ang istorya ko, pati utak ko, kontrabida e. Nakanang plot twist yan, oh!
Makalipas ng isang oras, nakarating na ako sa kitaan namin ni Raffy. Tumingin-tingin ako sa paligid at natagpuan ko na nga siya. Nakita din naman niya ako pero nakakagulat ang ginawa niya!
"Ate giiiiiiirl!" Sigaw niya at saka ako niyakap. Ang lakas ng boses niya to the point na nabasag na pati eardrums ko. Pesteng bakla 'to!
"Alam ko naman na mahirap at hampaslupa ka lang, Raffy. Pero sana iniiwan mo muna sa luma't sira-sira niyong bahay ang pagkaignorante pag nasa public place tayo, 'no! Friendly reminder lang naman." Sabi ko. Nakakahiya kasi siya.
"Eto naman! Nilalambing ka lang, e. Namiss kita!" Saka ako niyakap ulit.
"Nasaan na ba yung foreigner mong chatmate. Naku, siguraduhin mong walang mangyayaring date rape, ha?"
"Grabe ka naman! Mabait naman 'yung tao, e!" He replied.
"Wala naman akong sinabing siya ang manggagahasa. Ang iniisip ko lang naman, e kung baka masight mo palang sa malayo e tatakbo ka na't susunggaban mo agad. Mahirap na. Wala pa naman akong pang-piyansa sayo kung saka-sakali." Ani ko. Binatukan niya naman ako. Tinignan ko lang siya ng masama pero hinila niya lang ako sa kung saan. Maya-maya, nakarating kami sa isang coffee shop na sobrang ganda. Napaka-millennial ang dating kasi ang mga pangalan ng products ay nakaayon sa feelings ng costumer. Huwaw!
Naramdaman ko namang na-tense 'tong bakla sa tabi ko. Tiningnan ko kung ano ang tinitingnan niya at nakita ko ang isang matangkad at maputing lalaki na mukhang American. Tapos tiningnan ko ulit si Raffy at nakita kong naglalaway siya. Literal na naglalaway, kadiri! Lumapit na kami sa kinauupuan ng chatmate niya at tumayo naman siya't nakipagkamay.
"Mabuhay, ladies!" Sabi ni porener. Natawa naman ako kasi naalala ko yung security guard sa Pandayan Bookshop.
"Mabuhay po! Welcome to pandayan bookshop, kabalikat sa pag-aaral!" Pakanta kong sabi na ikinanuot ng noo ni Mr. Porener. Natawa naman kami ni Raffy. Tawa kami ng tawa hanggang sa makarinig kami ng tikhim. Napatingin ako sa foreigner at mukhang kating-kati na siyang malaman ang iniisip naming dalawa ni Raffy.
"Uhm, by the way, this is Shaleigne, my friend. Shaleigne, this is Denver, my boy." Pagpapakilala ni Raffy with a twist of lip bite.
Malandi! Isang napakalanding hippopotamus ang shungang ito. Sinasabi ko na nga bang kung wala ako dito, ay madadagdagan na naman ang rape scene dito sa Pinas e. Pero in fairness, may itsura naman pala itong foreigner. I checked on him from head to toe, pero napatigil ako sa gitnang parte. At pakshet! Normal na ba yung size neto? Very aroused! Parang di magkakasya ang kanyang baston sa butas ng kalawakan ng isang normal na babae, ah! Shit.
Pinaupo niya kami sa reserved seat para sa amin at pagkaupong-pagkaupo namin, nagsimula namang tumalak ng tumalak ang kaibigan ko. Wow lang! Di ba pwedeng dumaan muna siya sa shy type side? Kailangan close agad sila? Pakshet lang, no?
Lumipas lang ng ilang minuto, naburyo na agad ako. Ganun ba talaga pag alagad ni Aphrodite na Goddess of Beauty? Mabilis maburyo? Minsan nakakasakit na ng ulo ang maging stunning. Huwaw!
Napagdesisyunan kong magpaalam na para umalis. Pinayagan naman ako agad-agad ng bakla para daw masolo niya si Datu Puti. Ang shuta talaga, biniyayaan ng dakilang kalandian!
Nakarating na ako sa unit ni Frei pero nagulat ako nang makita kong walang tao.
"Frei?" Tawag ko pero walang sumasagot. Pumunta ako sa kwarto pero pagkabukas ko ng pinto, naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nabitawan ko ang hawak kong bag, at tanging tunog lang nito ang maririnig sa buong unit. Unti-unti namang bumalik mula sa pagkakagulat ang boses ko at nagawa ko nang magsalita.
"Frei!"
YOU ARE READING
Drifting Downstream
General FictionThere are two boats sailing in the ocean--one sails away, the other sails towards the first--and when they're nearly closed, the ocean began to drift in two. They had it once, but their's almost.