5
"Frei!"
Tinakbo ko ang distansya sa amin ni Frei patungo sa kanyang higaan. Bakit hindi 'to gumagalaw? Natuluyan na ba ito? Napangiti naman ako sa loob-loob ko. Kung saka-sakali baka mapapunta sa akin 'tong unit niya. Ang saya-saya. Umayos na ako ng tayo at akmang aalis na. Papabayaan ko nalang 'tong si Frei para pag deads na, e baka yumaman pa ako. Lol! Paalis na ako nang may umungol. Ay hala! Ang bastos naman neto. Kahit tulog e kahalayan parin ang nasa utak, tingnan mo, umuungol pa. Haha!
"Hmm... Y-yona." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. Nagulat ako kasi sobrang putla niya. Kinapa ko ang noo niya at muntik na akong mapasigaw dahil sa init niya! Chos. OA! Pero totoo, mainit siya! Sa english, he's hot! Joke ulit. Napaisip ako kung anong gagawin. Syet, e mahina pa naman ako sa science. Kinuha ko na ang cellphone ko at tinext si Isha, atleast yun, may alam kahit papano sa mga ganitong paggamot-gamot dahil nagtatrabaho yun sa clinic e. Anong trabaho niya? Syempre janitress. Hahaha charot!
Mabilis naman siyang nagreply. Sabi niya, punasan ko daw ang buong katawan ng maligamgam na tubig. Pinagpawisan naman ako sa reply niya. Ibig sabihin, pati yung ano, pupunasan ko? Yung ano, yung abs naman! Mahalay na naman mga utak niyo e. Lol.
Tumayo na ako para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Pupunasan ko nalang siya. Nakakaawa naman.
"Frei, dito ka lang ha? Kukuha lang ako ng tubig at gamot mo na rin. Ang hot mo kasi, e. Hihihi."
Paalis na talaga ako pero hinawakan niya ang kamay ko. Syet! Anong balak nito? Gagawin niya ba yung iniisip ko? Kasi kung oo, go lang! Sino ako para tumanggi? Haha! Ang dugyot ko mag-isip.
"Yo-yo--" sabi niya.
"Ano? Wala akong dalang yoyo dito. Gusto mo bang maglaro?" Sagot ko.
"D-don't leave. Please. Yona. I need you." Naguluhan naman ako. Ako ba ang sinasabi niyang Yona? E diba Shaleigne ang pangalan ko? Pinalitan niya ba ang NSO ko nang di ko nalalaman?
"Rihonna, please." Sabi niya. Ngayon, umiiyak na siya. "R--rihon--na" sabi niya habang humihikbi. Naawa naman ako sa kanya. May pinagdadaanan nga talaga ang mokong. I caressed his hair na parang bata. Pinunasan ko ang kanyang mga luha.
"Frei, hindi ako si Rihonna pero wag kang mag-alala. Dito lang ako." Natahimik naman na siya nun. Baka nakatulog na. Hindi ko alam kung anong pag-iinarte ito ni Digong pero nakakaawa talaga siya. Kaya, matapos ang pagmomonologue ko kuno ay bumaba na ako para kumuha ng pampunas ko sa kanya. Grabe naman kasi sa kwarto ni Frei, sabog kung sabog ang aircon. E, I'm just a pretty girl lang naman from baryo-baryo, na giniginaw din minsan. Charot! Umakyat na ako agad pagkakuha ko ng mga kakailanganin sa operasyon--lol! Umakyat na ako para punasan si Frei. Pinakain ko na din siya ng mainit na lugaw na niluto ko kanina para naman magkalaman ang tiyan niya. Pero nagtataka lang ako kung bakit sinasabi ng mga matatanda na bawal uminom ng gamot pag walang laman ang tiyan. Hindi ba laman yung bituka, liver at kung ano pang mga organs? Chos. Okay, may namatay na naman na joke. Lol.
Tatayo na sana ako para matulog na din sa sarili kong kwarto pero napagdesisyunan kong bantayan na muna siya. Baka pagka hindi ko tinignan e, matigok na talaga yan. So ang labas, matutulog ako sa kanyang couch.
"Why are you here? Get out." Frei whispered. Tamo 'to. May sakit na't lahat lahat, napakasungit padin. Hindi ba obvious na inaalagaan ko siya?
"Magnanakaw ako. Kaso puro walang kwentang bagay lang naman ang nandito kaya aalis nalang ako." Sabi ko saka ko siya inirapan.
"Don't!" Sabi naman niya na ikinanuot ng napakaangas kong noo. "I mean, you know.. I, uhm, I'm sick. I just need your company."
Mas lalong nangunot ang aking noo sa sinabi niya. Did he just said he needs my company? Aba'y gago ba siya? Wala naman akong natatandaang nagpatayo ako ng kumpanya ah?

YOU ARE READING
Drifting Downstream
Narrativa generaleThere are two boats sailing in the ocean--one sails away, the other sails towards the first--and when they're nearly closed, the ocean began to drift in two. They had it once, but their's almost.