Mischievous Monday | Part II

566 10 2
                                    

-----------------------

>>Previously…

Habang nag-uusap ang magkapatid ay sakto din namang dating ng apat na magbabarkada na tila maangas ang dating na sina Yaw Ming Su (Vice), Hiwa Se Lay (Jhong), Mey Tuo (Ryan) at He Men (Vhong).” Sabi naman ng tagapagsalaysay. On cue din namang bumukas ang LED to reveal ang tinutukoy na magbabarkada na tila hunk model pa ang pwesto.

Ano, ulit pangalan ni Ryan dito?” tanong naman ni Vice sa tagapagsalaysay.

Mey Tuo…”  sagot naman ni Billy.

Ano? Mey Tuo?? Ampangit ha?! Sinong nag-isip nyan?” dagdag naman ni Vice na naka Daw ming-su look at nakabandana pa.

Ang panit panalan ko dito. Parng may tulo. Hahahahahahha!” Bulol na sabi naman ni Ryan.

Nagtawanan naman ang lahat ng nasa studio at pati na rin sila na nasa stage. “Siraulo ‘tong si Ryan. Hindi ko na nga tinuloy e. Oh e ano nang gagawin namin dito tagapagsalaysay?” natatawang sabi pa ni Vice.

Lalapitan ng apat ang dalawang magkapatid na nag-uusap. At magpapakilala sa mga ito. Basa kuys!” sabi ulit ng tagapagsalaysay.

Hi Miss, ako nga pala si He Men, teka lang tagapagsalaysay (sabay lingon sa direksyon ni Billy), bakit He Men pangalan ko kuys, bat ganon?” tanong naman ni Vhong kay Billy.

Kasi, yung original name ata nung character mo, Xi Men kaya ginawa nila He Men. Hahahahaha!”paliwanag naman ni Billy sa kanya..

Okay, okay.. (tinignan na si Anne) ulit. Ulit. Hi Miss, ako nga pala si He Men.. at may mahalaga kaming katungkulan sa inyo..” in character na tanong ni Vhong.

Okay. So  we’re looking for some liable Body Guards because we are receiving some threats.. Do you know someone?

Sakto namang sasabihin na ni He Men ang mahalagang katungkulan nila sa mga ito. Basa Kuys..” utos na naman ng tagapagsalaysay.

Uhm..kami nga ang hinahanap nyong Body Guard. Ako ang naatasang magbantay sayo, magandang binibini…” on character paring sabi ni Vhong sabay halik sa kamay ni San TAnne.

Yiiieeeekk! Okay, you’re in! But if you’re in-charged with me, then who will be in charged on my Sister, San Che?

“Yan ang isa sa mga dapat pagdesisyunan ng iyong kapatid, binibini. Kailangan nyang pumili sa dalawa kong kaibigan na narito para maging Body Guard nya…” sabi ni Vhong sabay hinila paforward sina Vice and Jhong.

Okay, Sis San TAnne, go ahead and pumili  kana sa kanila kung sino ang bet mong maging personal Body Guard..” sabi rin ni Anne sabay hinila din si K forward to face Vice and Jhong.

Bago makapili si San Che ay kailangan munang magpa-impress ng dalawa dito. Magsample kayo ng kahit ano mga Kuys.” Kwento ulit ni tagapagsalaysay.

Sumample naman si Jhong ng mga dance moves nya with matching tumbling pa. In short, literal syang nagpasikat.

Oh, Yaw Ming Su, ikaw na! Pasikat ka na daw..” sabi naman ni Jhong kay Viceral.

What If | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon