Stick Around

590 14 4
                                    

-----------------------

>>Previously…

Karylle smiled. “You never asked me to stay..” sabi nya at umiling-iling. Tuluyan na nyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Before she could finally get out of the car, she looked straight at Yael and waved him goodbye. Yael did the same. He lifted his hand and showed a single wave with a weak smile on his face. And with that, tuluyan nang lumabas si KArylle pero before she took a step nagsalita ulit si Yael. “Thank you.” hindi siya nakatingin kay Karylle pero narinig parin naman ito ni K. Finally, naglakad na si Karylle papunta sa sasakyan nya na nakapark lang sa di kalayuan.

Habang naglalakad sya ay tila lumalabo ang paningin nya sa mga ilaw ng sasakyan na dumadaan along the way dahil sa mga luhang nagsisimula nang pumatak sa mga mata niya. Ngayon nya lang kasi naitodo ang luha nya simula nung magkausap sila ni Yael kanina. Nagpipigil lang kasi siya ng luha kanina kaya ganon nalang ang patuloy na pagdaloy nang mga ito ngayon. Sinusubukan nya naman itong punasan habang naglalakad sya papunta sa kotse nya.

She went inside her car, dumuko at umiyak muna ng mahina. “Ma’am, okay lang po ba kayo?” concern na tanong ng driver niya.

She lifted up her head, showed a weak smile and nodded to her driver. Nagpunas rin sya nang luha at huminga ng malalim. “tara napo Manong...”

San po tayo Mam?” tanong ulit ni Manong driver habang nakatingin kay Karylle through the rearview mirror.

Sa bahay ko po…” sagot ni Karylle sabay tingin sa labas ng bintana.

-----

On the other hand..

Paglabas ni Karylle sa sasakyan niya ay napatunganga nalang si Yael. Pilit niyang iniisip kung totoo nga ba ang mga nangyari kani-kanina lang. Hindi parin kasi ito nagsi-sink in sa kanya. Patuloy lang na nagfa-flash back sa utak niya yung mga salitang sinabi ni Karylle, yung expression ng mukha niya habang sinasabi ang mga yun, yung bawat luha na nakikita nyang bumabagsak sa mukha ni Karylle at kung paano siya tignan at ngitian nito kahit alam nyang nasasaktan siya. Ipinatong nya ang ulo nya sa may steering wheel. This time ay hindi na nya natiis, tuluyan nang tumulo ang luha nya na kanina nya pa pinipigil na tumulo. Ayaw niya kasing magmukhang mahina sa harap ni Karylle. This time, wala na siyang nagawa para pigilan ang mga ito. Hinayaan nya na lang na dumaloy ‘to kasabay ng mga memories nung nangyari kanina at nung mga oras na masaya sila na magkasama noon. Hindi niya rin lubos na maisip kung bakit sila humantong sa ganoon sitwasyon, pero alam nyang kasalanan niya. It didn’t took him long to stop crying, tamang paglalabas lang sakit ng loob ang iniyak niya. Inayos niya ang sarili niya at inabot ang phone niya. He was now starting to make a call.

--Dialing

>>Calling Karylle..

Hindi naman umabot sa ilang rings ay sinagot naman ito agad ni K.

hello..” mahinahong sagot ni Karylle na halatang kagagaling lang sa iyak dahil sa boses niyang parang medyo barado ang ilong.

K…” kalmadong sabi rin ni Yael. Hindi naman sumagot si K kaya nagpatuloy si Yael. “K.. hindi na ba talaga natin ‘to maayos?” may pagsusumamo sa boses niya. Habang nakatingin sa bintana ng sasakyan sa side niya.

Hindi naman agad nagsalita si Karylle from the other line. “……….still. You never asked me to stay.” Tanging nasabi lang ni Karylle at puro katahimikan na ang sumunod.

What If | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon