Change Your Mind ~

380 17 18
                                    

-----------------------

>>Previously…

Bigla namang nagsalita si Jugs on the other side of the table, causing them to talk about another topic. “K.. kamusta pala yung sa inyo ni Yael.. nagkausap na ba kayo nung pumunta sya sa Showtime last week?

Napatigil naman si Karylle sa pagkain, inikot nya naman ang paningin nya sa mga kasamahan pati na kay Vice na nakatingin lang din sa kanya gaya ng iba. She sip on her glass of drink and took a deep breath. Napaayos din ito ng upo at she also placed her hands under the table para hindi nila makitang nate-tense sya. Before she say a word, she looked around to check kung sila-sila lang ba ang nandoon.

Napansin din naman ni Vice medyo na-tense si Karylle kaya pasimple nyang ibinaba ang isa nyang kamay and put it on top of K’s hand. Parang gusto nyang sabihin na nakasuporta ito sa kanya. Tinignan naman nya si Karylle at nagsmile nang bahagya dito.

oo nga Karylle. Parang hindi ko naman kayo nakitang nagkausap ni Yael when he went to the show last time. Did both of you talked already? Did you fixed it?” pahabol na tanong ni Kuya Kim.

Mabilis namang tinignan ni Karylle si Vice at nagsmile din sya dito. Agad din namang ibinaling ni Kurba ang tingin nya sa mga kasama. She again, took another deep breath. “Uhmmmmm….” Buwelo ni Karylle. “guys….” Tipid na sabi nya ulit na umagaw sa atensyon nilang lahat. “Guys…what if…hi…hindi na ako ikasal?” nauutal na sabi ni nya.

Lalo namang hinigpitan ni Vice ang hawak sa kamay nya. Yung iba naman ay nagulat sa sinabi nya kaya hindi agad sila naka-react.

Huh?

Why? We know there’s something wrong..pero…

Medyo may alam naman si Billy kaya sya na ang sumubok na tanungin ng medyo malapit na tanong si Karylle. “We’ll support you whatever happens.. pero would you mind telling us why? Is it you or him?

Napatingin naman si Karylle kay Billy dahil sa tanong nito. She showed a weak smile. Before she could say another word, bigla namang nagsalita ulit si Kuya Kim. “K… are you sure you want to talk about this now..

Oo nga girl.. we won’t pressure you.. kung hindi ka pa open na pag-usapan, we understand..” dagdag pa ni Anne na halatang worried din sa kanya.

Nagsmile naman ulit si K. “Yes..” then she nodded. “.. if not now, when?” saka nya tinignan ang mga kasama nya. “Saka kung hindi ko ipapaalam sa inyo, para narin akong nagsinungaling sa inyo.. anyway, in due time, malalaman narin naman ng tao e, at masasapubliko narin. Ayoko lang na sa iba nyo pa malaman..kaya… maybe, it’s time for me to share something. And I hope, na hindi nyoko iwan because of this…” nagsmile na naman sya. Smile na halatang fake. Kasi hindi umabot sa mga mata nya.

No… that’s not gonna happen..” sagot naman sa kanya ni Billy with a small smile.


“And will never be.
” Dagdag pa ni Vice na mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay nya under the table.

Thank you guys.. pero like what I’ve said, maybe it’s time for me to open up things sa inyo…siguro hindi naman na lingid sa kaalaman ninyo na things are not really doing good between me and him.” Sagot naman ni K. “Why and how?” she took a deep breath, “Siguro, sasabihin ko nalang sa inyo when the right time comes. Sana, kung ano man yung maging decision ko, hindi magbago ang tingin nyo sa akin.

What If | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon