Kuya Alejandro

431 13 2
                                    

-----------------------

>>Previously…

Nasa Gramercy sila ngayon kasama sina Archie at Buern para isagawa ang plano. Medyo madilim at maingay doon kaya doon nila naisip na pumunta. Friend din naman nila ang may-ari na sina Tim Yap at Raymond.

Nagpatuloy pa ang inuman nila pero hindi naman sila ganon ka-late umuwi at hindi rin sila ganon ka-wasted. Tamang inom lang. Gaya nga ng ineexpect nila ay unti-unti nang nagiging usap-usapan sa mga social media ang pictures na planadong ipinakalat ni Vice.

-----

Nakauwi na sina Vice at kasalukuyan naman syang nakahiga na ngayon. Halos patulog narin sya nang biglang tumunog ang phone nya signaling for a message.

>>Text Message

From: Ms. Z;

            “Vice, I know you know something. I respect your decision not to tell me about what’s happening. Nakakabilib na hindi ka nagsalita about sa issue ni K. Thank you. I appreciate you for that. May you continue to respect and protect my daughter as your friend. Good night  dear.”

Bago magreply si Vice ay bigla nya namang naalala ang naging usapan nila Ms. Z sa phone kanina.

>>Flashback

On the other hand ay nasa loob na si Vice ng sasakyan nya pero hindi parin ito umaalis sa parking. He was now making a call.

Matapos ang maiksing usapan nila ni Liz ay ini-start na ni Vice ang sasakyan. Hindi pa man sya tuluyang nakakaalis ay nagring nanaman ito signaling for a call. He immediately stop the car and answered the call.

--Phone Rings

>> Ms. Z. Calling..

“Yes.. Hello. Good afternoon po Ms. Z…” bungad ni Vice dito.

Oh.. Hi Vice…good afternoon..” sagot din naman ni Ms. Z sa bati nya.

Napatawag po kayo? May problema po ba?” mahinahong tanong ni Vice.

Uhh..sakin actually wala…I just wanna ask you something..

Po? Ano ho yun?? Kinakabahan naman po ako Ms. Z..” pabirong sagot naman ni Vice.

Hahahaha.. ikaw talaga.. No Vice, don’t be. Wala naman ito..” natawang sabi naman ni Ms. Z.

Ah.. ehh ano po ba yun?” medyo stern na tanong ni Vice.

It’s about K. The issue between them…and you, I guess. As a mother, concern lang ako sa anak ko. I know ayaw nya kaming ma-involve dito but I can’t take na hindi nya ito sinasabi samin. Ikaw ang napili kong tanungin about dito dahil alam kong may alam ka…and that you want me to know about the things K is facing through right now..”  bakas sa boses ni Ms. Z ang pagka-concern.

Uhmmm.. kasi po Ms. Z… sa ngayon po, wala po ako sa tamang posisyon… I mean.. hindi po ata ako ang tamang tao para magsalita o magkwento sa inyo ng mga bagay tungkol sa tanong niyo.” Vice clears his throat then continued. “Alam ko pong nasangkot na naman ako sa issue nila. E noon pa man po kasi, pinag-iinitan nako nyang soon-to-be son-in-law nyo. Napadaan lang naman po talaga kami ni Billy doon e. May alam man po ako sa mga nangyari o nangyayari.. mas mabuti parin po sigurong manahimik nalang ako. If K chose not to tell you, who am I, diba po? Nirerespeto ko po yung decision ni K na wag munang sabihin sa inyo.. nakikita ko naman pong kaya nya pa eh. Pero promise ko po sa inyo, kapag hindi na nya talaga kaya yung mga kinakaharap nya…ako na po mismo ang hihingi nang tulong mula sa inyo. Sa ngayon po, siguro hayaan nalang po muna natin sya, hanggang sa dumating yung araw na sya na mismo ang magsalita tungkol dun. Pasensya na po Ms. Z. I respect you as much as I respect your daughter..” mahabang paliwanag naman ni Vice.

What If | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon