Special Chapter ♥♥♥ ~

473 17 6
                                    

~Wala po itong kinalaman sa mga previous chapters. Special Chapter lang po ito. Thanks! ~

--------------------------

December 23 nang gabi. Nasa Hungry Hound+Kitchen restaurant ang couple na sina Anne at Erwan, Teddy at Jhazmine, Vice at Karylle. Dito kasi nila gagawin ang Christmas Party na sila-sila lang ng mga Showtime host with their partners. Si Anne ang nagpresentang dito nalang sa Resto gawin ang party nila dahil pagmamay-ari naman ito ni Erwan and para sila Erwan nalang din ang magprepare ng food nila as well. Actually, dapat ay sina Anne at Erwan with Teddy and Jhaz lang dapat ang busy sa mga oras na ‘to pero nagpresentang tumulong si Karylle kaya no choice si Vice kundi samahan ang girlfriend niya. Oo, GIRLFRIEND NIYA.

Abalang nag-aayos ng mesa sina Teddy at K habang si Vice naman ay hinaharot lang ang girlfriend na si K. Patuloy lang ito sa pag-back hug sa jowa niya kahit na sinasaway na siya nito.

Vice..ano ba. Ang harot mo. Mamaya ka na nga mangulit dyan, tulungan mo nalang kami ni Teddy para matapos na agad ‘to..” sweet na sabi ni K sa boyfriend na nakaback-hug sa kanya.

Ehhhh..” sabi lang ni Vice saka yumakap pa nang mas mahigpit.

Oo nga Vice, edi kung tinulungan mo na kami Kuys, kanina pa natapos ‘to at baka nga hindi lang hug ang magawa niyo ni K e. Baka nakabuo narin kayo sa sobrang haba ng oras.. hahaha!” pang-aasar naman ni Teddy.

Dumampot naman si Vice ng tissue at nilukot ito saka ibinato kay Teddy. “Sira!!” tumawa lang naman si Teddy sa ginawa niya. “Ehh kasi nga.. kung sa Valkyrie natin ‘to ginawa, uupo at paparty nalang tayo. Hindi na natin kailangan magprepare ng ganito. Sila na bahala dun. May mga staffs naman yun..” sabi ulit ni Vice.

Kaya nga hindi tayo dun e. Because this is the main purpose of this gathering. Yung tayo lang ang magpeprepare ng lahat.” Biglang singit naman ni Anne na lumabas mula sa kitchen na may dalang pagkain. “Hayy nako Viceral. Hindi ka naman kasi pinilit na tumulong dito.” Dagdag ulit ni Anne sabay lapag ng mga dalang food sa table. “Kaya since andito kana, tumulong kana dahil wala karing choice.” Saka niya pinanlakihan ng mata si Vice. Bumelat lang naman sa kanya si Vice. “Teddyboy, tara sa kitchcen. Nagpapatulong si Erwan para ilabas yung food dito e. May-inaasikaso pa kasi kami ni Jhaz. K, paki-tapos nalang to ha.

Sure..sige sige..” sagot naman ni K. And with that ay bumalik na nga si Anne sa kusina kasama ni Teddy.

Tumalikod naman si Karylle at hinarap ang boyfriend. She wrapped her arms around his neck. “ayan kasi.. ang harot mo.” Nagpout lang naman si Vice sa sinabi niya. “Baby kasi, eto yung pinili nila kasi ito yung mas okay. I mean, mas makakapagbonding nga tayong mga host kapag ganito e. Look at them, diba kahit busy-busy’han sila ang saya nila tignan dun sa may kitchen..” sabi ni K sabay ngumuso sa may part nung kitchen. Napatingin din naman si Vice dito. “plus.. kaya ako nagpresenta na tumulong kasi alam kong tutulong ka din dahil andito ako. Sinadya ko yun para kahit sa ganito man lang makapag-bonding pa tayo. Bukas and the next day, I know we’re both busy, kaya ito nalang yung possible chance na magkasama tayo before Christmas. Kaya sige na.” hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Vice. “Let’s just make the most out of it okay?” tumango naman si Vice. “okay, Mr. Viceral?” tanong niya ulit.

Nagnod naman si Vice. “Okay.” Sabi nya pero parang wala parin sa mood ang itchura kaya hinalikan naman siya ni Karylle sa lips. Napangiti naman si Vice.

What If | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon