Let me be the One

421 15 12
                                    

-----------------------

>>Previously…

Kayo talaga, tigilan nyo na nga yang ate nyo.” May kinuha naman si Ms. Z sa drawer nya. “Lumapit nalang kayo dito. Magpicture tayo, I’ll post it on my IG account.

Napa-pout naman ang dalawa dahil sa Mama nila.

Akala ko ba, no phones allowed? Eh bakit ikaw?” reklamo naman ni Coco.

oo nga po Ma, ang unfair naman..” sabi ni Zia pero tumabi narin sa kanila to pose.

Wag nang mareklamo. Saka bakit ba, it’s my room.. oh dali na.. 1….2….3…..smile.” at nagpicture na nga sila. Agad naman itong pinost ni Ms. Z sa IG nya.

[Instagram/Twitter]
zsazsapadilla: I miss spending my night with these three lovely ladies of mine. I love you my girls. @anakarylle, @ziaquizon, @cocoquizon. #Supportive #Supporters #MeAndtheGirls”

[A/N: NOT Real post okay? Wag nyong halughugin sa accounts nya. Thanks!]

After nang kulitan nila ay nagpasya na silang matulog. And, take note, sa iisang bed lang. So kayo na ang mag-imagine kung paano nila pinagkasya ang mga sarili nila sa bed. Anyway hindi naman ito ganoon kaliit kaya okay pa sila. Pero eto yung position nila. From L-R ha, Karylle,Coco,Zia, Ms. Z. nakadiretso nalang sila, yung tipong kapag may gumalaw mahuhulog yung dalawa nasa may dulo. Hahahahaha! Ang tipid ko ba sa space? Lol. Basta ganyan. Going back….

Tulog na ang mga kasama ni Karylle pero sya ay hindi parin makatulog at gising parin. Tanging yung ilaw lang ng lamp shade yung nagbibigay ng liwanag sa kwarto nila. Hindi parin siya makatulog kaya patuloy nya lang na nililibot ang mata nya sa bawat sulok ng kwarto at iniisip yung nangyari sa buong araw niya. Mga nangyari na nagbigay kaba sa kanya, nagpaluha, nagpasisip, nagpangiti at nagpasaya sa buong araw. Kahit kasi medyo marami syang iniisip ay nagtapos parin ang araw nya nang nakangiti sya. Lalo na kasama ang mga taong tunay na nagpapahalaga at nagmamahal sa kanya. Without her noticing ay unti-unti na pala syang nakatulog.

-----

The next day ay nagising naman si Karylle dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata nya. Nag-unat muna siya nang katawan habang nakapikit pa at nagsmile. “It’s Saturday Karylle, it’s going to be a big, fun, and fully-loaded day for you. Prepare yourself and seize it.” sabi inya sa sarili nya at nagsmile. As she opened her eyes, she saw her two annoying but lovely sisters peacefully sleeping. She smiled at the sight of them na sweet na sweet na natutulog habang nakapatong ang mga paa sa isa’t-isa. She really missed seeing them like that, first thing in the morning.

She went downstairs and found Ms. Z having her coffee. Lumapit siya dito to greet good morning and at the same time para magpaalam na uuwi na sya dahil may showtime pa and she needs to prepare. Inalok naman muna sya ng Mama nya to have breakfast and she said yes kaya sabay na silang kumain. After the breakfast ay nagpaalam na nga si K na uuwi at agad namang umalis.

-----

As what is expected, masayang natapos ang showtime sa pamumuno ni Vice. Sya kasi ang laging magulo at lagi nya ring pinagtitripan si Karylle kaya halos humakot na naman ng spot ang Showtime, specially, ang Vicerylle sa pwesto nang mga trending sa twitter mapa local or International man.

Naglalakad na si Karylle palabas ng building nang may biglang nagsalita sa may likuran nya. “Sama ka.” Na hindi nagtagal ay kasabay na nyang naglalakad.

Nilingon naman ito ni Karylle. “Are you telling me or asking me?

Natawa naman si Vice sa sagot ni Kurba. “Ewan ko. Paano ba ang atake sayo?

What If | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon