"Bilis na deal samahan mo na ko!"
"Ayoko nga. Ang kulit naman nito eh. Imbis na matutulog lang ako dito maghapon" sabay irap ko sa kaniya. Pano ba naman kasi pupunta punta pa sa foundation day ng school nila, di nalang manahimik sa bahay nila.
"Eh kasi naman eh, please~ promise hahanap kita ng boylet dun! Whahahaa" eh?
"Boylet ka dyan!"
"Oo nga kaya please lang samahan mo na ko~ maggala gala ka kasi para makalimutan mo na yang crush mong si stephen--"
"Correction, E.X. crush!"
"Ay whahahaa oo na oo na! Basta samahan mo ko~" hayst ano pa ba magagawa ko? Alam ko naman na di ako titigilan nito.
"Oo na! Oo na! Umuwi ka na sa inyo, sunduin mo ko ah? Anong oras nga pala yun?"
"9 o'clock"
"Sige 8:45 dapat nandito kana ah"
"Yes na yes deal! Sige na bye~ paganda ka. Madaming boylet dun!"
"Hayst ewan ko sayo loka loka ka"
Umuwi na rin sya para makapag ayos. Pano ba naman kasi 5 palang ng umaga sinisira na pinto ng kwarto ko makapasok lang sya. Tas ayon, guguluhin lang ako at pipiliting sumama sa school nila. Ayoko naman kasi talagang sumama napilitan lang ako.
6:30 na pala?
Hayst. Imbis na matutulog pa ko eh. Yan tuloy maliligo na ko. Ang lamig lamig pa naman bwisit.
Nang matapos akong maligo ay naghanap na ako ng masusuot ko. Dahil alam kong aabutin ako ng 9 o'clock sa pagpili ng susuotin ko, nag jeans nalang ako at tshirt na black. All black lang whahahaa ganto lang kasi talaga ako manamit.
8:40 nang dumating na si shell.
"Tara na"
•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●
Hi Stalkers!
This is my first story, so please support 'THANKS FOR SAVING ME'
Chapter 2?
I'll post it tomorrow~Enjoy!