Pagkauwi ko ay nagonline ako. Para naman malaman ko kung inaccept nya ko.
Nang maopen ko ang notification ko ay sya agad ang nakita ko.
'Xiao Lu accepted your friend request'
WAAAAAAAHHH!!!!!!
Oh my ghad oh my ghad!
Inaccept nya ba talaga ako?
Inopen ko ang messages ko at may message din ako galing sa kaniya.
• Xiao Lu
'Meet me in Starbucks at 8 pm'Huh? Meet? Magkikita kami? Lah~ bakit?
Habang iniisip ko kung bakit ay di ko mapigilang mapangiti.Gusto nya kaya ako?
Bakit nya ko imemeet?
Kailangan maganda ako bukas.
Waaah kinikilig ako~
Pagpasok ko kinabukasan ay may ngiti sa aking labi. Whahahaa good na good kasi ang morning ko. Magmemeet kami mamaya.
Dumaan muna ako sa locker ko para kunin yung isa kong notebook.
Pagkabukas ko ay may nakita akong sobre na color red.
San naman galing to?
Saka kanino?
• Stephen
'Meet me in Starbucks at 8 pm'Lah! Ano to? Ano na naman trip nun sa buhay?! Hayst bahala sya. Saka teka, parehas na parehas sila ng message sakin ni luhan ah. Sa starbucks din?
Sinara ko na rin ako locker ko at tinapon ang sobre.
Bahala sya.
Pagkapasok ko ng room ay nakita ko agad sya na nakangiti sakin.
Eww
Hayy nawawala na ang ngiti sa labi ko nung nakita ko sya. Deal kaya mo yan. Isipin mo na hindi mo sya nakikita at hindi sya nageexist sa mundo.
Yah tama.
"Nabasa mo ba yung message ko?"
"Hindi"
"See you later" see you later mo mukha mo! Imeet mo sarili mo.
After ng klase namin ay tinawagan ko agad si shell para dumaan sa bahay. Kailangan ko ng tulong nya.
"Waaah oh my gosh! Baka naman gusto ka niya at magdidate kayo. Alam mo bang starbucks ang favorite tambayan nya?"
"Ah kaya siguro dun nya ko imemeet. Waaah kinkabahan ako. Ano naman gagawin namin don?"
"Di ko din alam deal. Pero maganda kung magaayos ka."
Hinanapan nya ko ng susuotin at yun nga ang sinuot ko. Dress lang naman na blue tas off shoulder. Tas heels na 3 inches. Slight na make up then okay na.
Sabi kasi nila. Di ko na kailangan ng masyadong make up kasi maganda na naman ako kahit walang make up. Sabi rin nila mukha akong barbie.
7:30 na ko umalis sa bahay. Hinatid ako ni shell sa starbucks. Nakarating na kami ng 7:50, medyo traffic kasi at medyo malayo sa bahay ang starbucks.
"Fudge! Ang gwapo talaga ni lulu! Bagay kayo alam mo yun?!" Weh? Di nga? Whahahaa
Nasa loob pa kami ng kotse nya at sinisilip nya pa si luhan na mukhang naiinip nang naghihintay sa AKIN. whahahahaa
"Sige na. Labas na. Baka umuusok na ilong nun. Ayaw pa naman nun ng late. Saka, bahala ka nang umuwi ah? Gagawin ko pa kasi yung thesis ko"
"Ah sige. Salamat ulit."
"Anong salamat? Ikwento mo sakin yan pag nagkita tayo ah"
"S-sige"
Naglakad na ako papasok sa starbucks. Kaso nawala ang ngiti ko ng makita ko sa stephen na katabi lang ng table ni luhan.