Sorry for the late update. Enjoy reading~
●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•
"Ay tanga ko!" Sigaw ni shell nung nasa kotse nya na kami. Anyare dito?
"Shell, matagal ko nang alam na tanga ka. Pero bakit mo pa sinisigaw?" Inirapan lang ako
"Kasi naman. Nakalimutan ko. Di nga pala pinapapasok pag walang ID" sabay hampas nya ng kamay nya sa bag nya.
"Weh? Waaaah maganda yun! Tara iuwi mo na ko" yes! Makakatulog na ko ng marangal---
"Don't worry. May plano ko" sabay smirk
Mabilis naman kaming nakarating sa school nila. Saka andaming tao sa labas. Siguro nakalimutan dalin yung mga ID nila whahahaa mga tanga pala nagaaral dito eh whahahaa
Ano naman kaya plano nito?
"Baba bilis" bumaba naman ako at bumaba narin sya hawak ang bag nya
"Kunin mo to" kinuha ko naman yung ID nya.
"Anong gagawin ko dito?"
"Pasok ka"
"Huh?"
"Ang sabi ko. Pasok ka na sa loob" huh?! Siraulo ba to? Pano kung malaman ng guard na hindi ako nag nasa ID na to? Mapahiya pa ko, ayoko!
"Hala. Ayoko~"
"Sige na. Saka di naman chinicheck ng guard yung ID at mukha nung nakasuot ng ID eh! Keri yan! Pasok na~" lakas din nito eh no?
Isusugal ko ba buhay ko dito?
"Oh? Pagkatapos? Anong nang gagawin? Pano kapapasok dun? Eh na sa akin na ID mo?"
"Hayst. Syempre iabot mo sakin sa may gate. Lusot mo lang dun ako na bahala" hay nako~ pag ito hindi gumagana sasapakin ko to mamaya.
"Papasok na ko?"
"Oo sige. Wait ko dito sa butas ah?" Sabay alis nya. Nagaabang na ng ID dun.
Hayy sana magawa ko to
Sinuot ko na yung ID at pumila na para pumasok sa gate. Chinicheck lang yung bag at tama sya, hindi nga chinicheck yung mukha ng may suot ng ID. Dahil don mabilis akong nakapasok.
Yes!
Pagkapasok ko ay hinanap ko ang butas na sinasabi nya. Nakita ko naman agad yung kuminkinang nyang suot. Nilusot ko don at lumayo ng unti.
Wala pang 20 seconds ay nakapasok na rin sya na may ngiti sa labi. Kala mo nanalo sa lotto eh no?
"Let's go?"
"Wait. Hawakan mo mukha mo" nagtataka naman nyang hinawakan whahahaa
"Why?"
"Ang kapal talaga ng mukha mo no? Whahahaa"
"Whahahaa baliw! Tara na nga!"
Sumunod lang ako sa kaniya at pumunta kami sa gym nila. Anong gagawin namin dito?
"Oh? Nagtataka ka na naman whahahaa syempre kaya kita dinala dito ay dahil dito laging namamalagi ang hearttrob ng campus namin"
Siguraduhin nya lang.
15 mins na kami dito pero wala naman mahagip ang naggagandahan kong mga mata ang sinasabi nya eh. Gwapo pa yung driver namin.
"Tsk. Wala pa ata sya! Nakalimutan ko, lagi nga palang late ang mga yun. Tara na nga labas na muna tayo" sumunod lang ako sa kaniya.
Kabababa ko lang ng hagdan ng biglang may humigit sakin.
Waaaah
San ako dadalhin nito?!
Hila hila lang nila akong dalawa hanggang sa pumasok kami sa isang room. Pinaupo nila ako sa upuan at mabilis na minake up-an. Pag ako lang pangit dito isusumpa ko tong mga to.
Tagal tagal kong nagmake - up kanina tas papatungan lang nila. Bastusan?
Pagkatapos ay sinuot na nila sakin ang WEDDING DRESS?! ano to?! Wedding booth?!
Langya!
Hila hila nila ako palabas ng room at pagkalabas namin ay sobrang daming studyante na naghihintay ata sa biktima nila.
Sad to say, nabiktima nila ako
"Sorry miss, nakablack ka kasi eh" sabi nung isang nakahawak sakin.
Umakyat kami sa mini stage at may inakyat din silang lalaki na nakasuot din pangkasal.
Ano to? Partner ko?
Baba na sana ako ng biglang napako sa paa ko sa kinatatayuan ko. Pano ba naman ang gwapo ng groom ko. Teka, lalaki ba to? Eh parang mukha pang babae sakin to eh!
Nang mapatingin sya sakin ay inirapan lang ako.
Wow! Just Wow!
Di ko namalayan na nasa "You may now kiss the bride" fudge! Ready na nga ako sa honeymoon eh! Whahahaa
T-teka
Papalapit na sya ng papalapit sakin. Kala ko ikiss na ako ng tumungo sya para makita ang mukha ko, kaso "Wag kang assuming. Gagawin ko lang to nang matapos na tong kalokohan na to" ang sasabihin nya.
Biglang bumagsak ang balikat ko sa sinabi nya. Baba na sana ako ng hilahin nya ang braso ko at mabilis akong hinalikan sa labi.
Waaaah
Smack lang yun pero feel na feel ko pa yung lips nya sa lips ko.
Waaah langya! Yung First Kiss ko kinuha ng stranger!