Chapter 8

3 1 0
                                    

Waaah 1:30 na ng madaling araw hindi parin ako makatulog. Pano ba naman kasi ano ba meaning nya dun sa 'Goodluck' na yun?

Di kaya isasalvage ako ng girlfriend nya?

Waaaah ayoko pa mamatay. Marami pa kong pangarap sa buhay at isa na sya sa pangarap ko.

Matutulog na talaga ako.

After 2 hours

Waaaah ayoko na!
Bakit ba kasi tinanong nya name ko? Yan tuloy namomroblema ako.

Deal.

Deal naman kasi talaga name ko. Huhuhuhu

3:30 na pala. Pano na yan? Siguradong aantukin ako mamaya sa klase.

Si luhan kasi eh.

Matagal na rin akong nag iisip at inabot na ko ng 5:30 kaya bumangon nalang ako at naligo na. Natapos ko na mga kailangan kong gawin mga 6:30 na rin. Mabagal kasi ako kumilos.

Pumasok na ako at yes. Inaantok ako.

Di na ako dumaan sa locker ko. Dumiretcho na ko sa room namin at naupo.

Dumating na ang teacher namin at nagstart na rin ang klase. 3 hours pa naman klase namin dito.

Nung nag gugroupings kami ay sobra na antok ko. Bumabagsak na nga ulo ko pag napapapikit ako. Kaya naman napagdesisyunan kong mag CR muna. Maghihilamos ako para magising ako.

"Mam, may i go out?"

"Sure. Bilisan mo. May activity tayo"

Lumabas na ako at dumiretcho sa CR. antahimik. Naghilamos ako at nagpunas gamit ang towel ko. Yan, medyo gising na ko.

Lumabas ako ng bigla nalang may humigit sa braso ko at hinila ako sa CR ng boys?!

What the?!

Binitawan nya ako saka ko lang nakita kung sino sya.

S-Stephen?

"Ano ba?! Bakit mo ba ko hinihila?" Naiinis na talaga ako dito. Unti nalang buburahin ko na sya mundo.

Biglang naningkit yung mata nya.

"Explain" huh? Ano naman ieexplain ko sa kaniya? Nababaliw na ba sya?

"Anong ieexplain---"

"Yung kagabi" kagabi? Wala namang---

"NOW!" waaaah nagulat ako dun ah. Ano bang problema nya? Wala naman akong ginagawa ah?

"Ano ba kasi---"

"Who's that boy?"

"Ah sya ba? Hmm.. crush ko bakit?"

"Bakit? Sabi ko imeet mo ko sa starbucks then sa kaniya ka pala lalapit? Ginagawa mo ba kong tanga?"

"Wow ah! Sino ba nagsabing imemeet kita sa sinasabi mo? Sarili mo ang ginagawa mong ta----"

"Ituloy mo"

Itutuloy ko naman talaga kung di lang sya sumingit eh.

Bubuka na sana ang bibig ko ng magsalita na naman sya.

"I'm warning you"

"Para kang tanga----"

O_O

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya kong hinalikan. T-teka---

Tinutulak ko sya gamit ang buong lakas ko. Bakit nya ko hinalikan?!

"Bastos!"

Lalabas na sana ako ng hilahin na naman nya ang braso ko.

"Sino sya?"

"Ano ba?! Ano bang pake mo? Wala ka na don!"

"Isa"

"Bitawan mo nga ko!" Pilit akong kumakawala sa hawak nya.

"Dalawa"

"Ano ba stephen?! Manahimik ka na nga! Di na naman na kita ginugulo diba? Saka sino sya? Boyfriend ko sya. Masaya ka na? Bitawan mo na nga ako!" Binitawan nya naman na ako kaya mabilis na tumakbo ako pabalik sa room.

•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•●•

So ano na? Kanino kayo boto para kay Deal Stalkers? Kay Stephen ba or kay Luhan? 😅😊



Thanks For Saving MeWhere stories live. Discover now