Chapter 9

1 2 2
                                    


Stephen POV

God knows. Nagsisisi ako sa nagawa ko sa kaniya dati. Nung panahon na yun naguguluhan ako sa nararamdaman sa kaniya. Oo alam ko na may gusto sya sakin.

Malalaman mo naman yun sa mga kinikilos nya. Minsan pag dadaan sya sa harap ko at ng barkada ko, ilalag nya yung ballpen nya hanggang sa gumulong na ito papunta samin.

Lagi syang sumisilay sakin.

Tuwing may laban kami ng basketball lagi syang nandon. Minsan nga kasama nya pa yung kaibigan nya. Pero ngayon sya nalang dahil balita ko ay nagtransfer ito sa kalaban ng campus namin.

Araw araw siyang gumagawa ng way para mapansin ko sya.

At hindi ko itatanggi.

Napansin ko nga sya.

Siguro buong year na yun lagi syang sumisilay sakin. Hanggang sa nasanay na akong lagi syang nandyan at maraming paandar.

One time, nung laban namin di ko sya nakita kaya nagtaka ako. Araw araw kasing present yun. Tuwing laban namin todo cheer sya sa grupo namin lalo sakin na halos marinig na hanggang sa langit ang sigaw nya sa name ko.

At gusto ko yun.

Kapag naririnig ko na sinisigaw nya pangalan ko pag may laban kami, lalo akong ginaganahan na ipanalo ang laban.

Kaso nung time na yun, wala sya.

Umpisa pa lang ng game, inililibot ko na mga mata ko para lang hanapin sya at makita ang napakalaking banner na pinageeffortan nya.

Nawala ako sa focus kahit na maganda at maayos naman ang lahat ng practice namin.

Ilang beses na akong naging MVP.

At dahil yun sa kaniya.

Kaso nung araw ng laban namin natalo ang campus namin dahil sakin.

Maraming beses na sana akong makaka shoot kaso nawawala ako sa sarili ko.

Nalaman ko na may sakit pala sya kaya wala akong NO. 1 FAN nun.

Pero okay lang basta gumaling sya.

Di ko sinasadya na maipahiya sya sa nga kaibigan ko. Di ko lang kasi maintindihan ang nararamdaman ko nun para sa kaniya.

Bumalik din kasi yung ex ko na si alexia.

Di ko rin kasi alam kung sino na ba ang mahal ko sa kanilang dalawa.

Nagsisi ako nang masabi ko yun.

Yung araw araw na supporter ko, yung NO. 1 FAN ko nawala nalang ng isang iglap.

Sobrang nakakapanibago.

Lahat naman ng makakaya ko ay ginagawa ko makapagsorry at mag confess sa kaniya na pareho kami ng nararamdaman. Pero hindi na ata pareho nung gabing imemeet ko sya sa starbucks.

May boyfriend na ba sya?

Yan ang unang tanong na gumulo sa isip ko.

Saka first time ko lang nakita yung lalaking yun.

Aaminin ko. Nagseselos ako.

Ayokong makita syang may iba syang kasamang lalaki. Gusto ko ako lang. Dahil akin sya.

And yes,

I love her.

Gagawin ko ang lahat bumalik lang sya sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Thanks For Saving MeWhere stories live. Discover now