Chapter 7

1K 32 4
                                    


Kim Fajardo

Pagbigyan mo na sana ako

Di naman ako tulad ng inaakala mo

Di naman ako gwapo

Wala ring auto

At kayang ibigay lang ay ang puso ko

Kaya wag mo n asana kong itaboy

Kase di naman ako, fuckboy

Di naman ako fuck----

"Aray!"

"Kanina pa ako nagdodoorbell ayaw mong buksan buti na lang may bellboy na dumaan at nakahiram ako ng room card tapos madadatnan kong nagcoconcert ka lang pala?!" Bulyaw ko kay Ara. Bwiset to kulang na lang sirain ko yung pinto ng hotel room namin

"Tinawagan mo sana ako Kimang noh? Utak kasi gamitin e! Sakit nun ha!" Aba't sumasagot pa to ha. Akmang babatukan ko sana ulit.

"O, o! Ano ba kasi yun at parang bumalik ka agad dito na parang taeng tae na, teka nga natatae ka ba?" Umupo ako sa kama at humarap sakanya

"Gago hinde! Ano kase diba naalala mo nung nilasing natin si Baldo dahil ayaw niyang magkwento satin? Yung last week, Vic"

"Oh tapos?"

"Alam ko na kung bakit ganun siya kaapektado sa sinabi ni Lazaro."

"Feeling ko nga rin may malalim na rason yun. Impossible naman na ganun ganun na lang mawawala ang feelings niya diba?"

"Feelings agad agad? Crush lang yun ha"

"Tanga ka ba or tanga? FEELINGS na yun. Love na nga yata e. Alam mo naman kung paano nahumaling yang si Baldo kay Dennise kahit nung binabasa niya pa sa...ano nga yun?"

"Wattpad. Pero kase iba yung sa libro at sa totoong buhay Vic"

"Anong iba Kimang? Wala naman pinagkaiba ang mga kinikilos ni Baldo diba? Mukha na nga yung stalker sa kakaabang kay Dennise dun sa condo tower nila. Pati sa starbucks sinusundan tapos iniistalk sa social media accounts. Oh alin ba dun ang hindi mo pa matatawag na baliw?"

I looked at her intently kung totoo ba sinasabi niya and she looked at me too. "Umabot na siya sa ganun?" Paanong hindi ko alam 'to? Bakit hindi na nagsasabi si Bal tungkol sa mga bagay na ganito? Ang alam ko lang yung stalk pero akala ko sa social media accounts lang.

"Nahuli ko siya minsan iniistalk yung twitter account ni Dennise nung nasa breakfast club kame. Pabalik pa lang ako galing CR tapos bigla niyang tinago nung ginulat ko siya. Nagtanong ako kung ano yung tinitingnan niya at seryosong seryoso siya pero wala lang daw yun. Pero syempre tiningnan ko muna yun bago ko siya ginulat kase for sure idedeny niya yun" Mahabang kwento ni Vic

"Kaya Kimang, hindi lang simpleng crush yun noh. Kase kung crush, mababaw lang naman yun diba so hindi naman niya itatanggi pero wala e. Tinanggi niya. Denial talaga ng sobra. So, it's something deep"

Napaisip ako ng bahagya sa sinabi ni Vic. Posible kayang nahulog na siya kay Lazaro? "Pero kung malalim na nga nararamdaman niya bakit nag-iba ang timpla niya dun? Dahil lang sa sinabi ni Dennise? Imposible naman ata" Tanong ni Vic sakin kaya napatingin ako sakanya

"Naalala mo ba na yun din ang sinabi sakanya ni the person who must not be name? Kaya naisip ko baka...siguro nasaktan siya kase kung malalim na nga nararamdaman niya kay Lazaro baka natakot siyang mangyari ulit ang lahat"

Hindi mababaw na tao si Alyssa. Alam ko naman na may malalim siyang rason sa lahat ng desisyon niya. Sino ba kasing ginagago niya na nagbalik siya dito dahil gusto lang niyang tulungan parents niya sa business? May ultimatum naman sakanya si Tito kung kelan dapat siyang bumalik ng bansa para sa lahat ng ito. Bestfriend niya ako simula pa yata fetus kame kaya mismo hininga nito alam koi big sabihin. Nasa parehong estado kame ng buhay pero sadyang mas mayaman ang mga Valdez pero hindi mapagmataas yang si Bal. Hindi rin naman kase ganun ang pagpapalaki samin.

"Iba parin talaga ang epekto ng nakaraan" Tama si Ara. Iba parin ang epekto ng nakaraan kay Alyssa.

"We should help her para mawala yung takot niyang yun" Napatingin ako kay Ara na nasa may veranda na ngayon kaya lumbas na rin ako at tanaw na tanaw naming sinusundan ni Lazaro si Baldo pero mukhang nagtatalo yung dalawa

"Bakit ba never kong nakitang nasa peaceful na sitwasyon yang dalawang yan?"

"Kaya nga tutulungan natin" I looked at Vic when she said that. We smiled at each other agreeing to the plan.

Napatingin kame ulit ng may narinig kameng sigaw. Kitang kita naming na natapilok si Lazaro at halatang halata na pigil sa emosyon si Alyssa.

"1...2...3" Just 3 counts at lalapit din yan annnnnd see? Hindi nga ako nagkamali "and I think Dennise still has effect on her"

"This won't be hard for us" Nakasmirk na sabi ni Ara.

"Mukha nga. Tara sakanila looks like papunta silang villa ni Baldo" Nasa hotel room siya nung nakaraan pero ayaw na niya daw dun. Binabangungot siya. If I know dahil siguro amoy na amoy niya pabango ni Lazaro sa bedsheets niya Hahaha

Victonara Salas Galang

Ay galit ka ba author sa pangalan ko at kailangan buong buo? Baka mahawa readers nyan Hahaha Vic or Ara na lang. O pwede ring yours para I can call you mine? HAHAHA Iba talaga pag gwapo weew

Eto na nga at nakadungaw na nga kami sa villa ni Alyssa. Mukha kameng magnanakaw pero ako for sure na hinde kaya si Kim lang ang pasado sa standards ng mga goons Hahaha Nasa loob kase sila ni Dennise at kitang kita sa pwesto namin. Dinig rin namin ang usapan nila.

"Aray! Dahan dahan naman Valdez" Mukhang mataray tong si Dennise at alam naman nating allergic si Ly sa mga ganyan. Nakakahawa daw ng kabadtripan Hahaha

"S—sor-sorry...ayan masakit pa ba?" Nakatingin lang si Ly sa icepack na nilalagay niya sa paa ni Dennise. Nakatitig lang si Dennise kay Ly. Siguro napansin nung isa na hindi sumagot si Dennise kaya iniangat niya ang tingin niya rito.

"Hey, masakit pa ba?"

"A-aah o-oo ay hinde ano me-medjo na lang" Sagot ni Dennise sabay iwas tingin. Aba at nauutal pa siya ha mukhang may patutunguhan tong mission namin MWAHAHA ay shit tunog tawang demonyo ba? Okay lang yan gwapo naman hahaha

"Tara, alis na tayo" Bulong sakin ni Kim. Habang hila hila ako palayo sa villa. I just gave her a puzzled look nung makalayo na kame.

"Let's give them time. Eventually they would...themselves will know the way"

"So hahayaan na lang natin sila?" E akala ko naman may mission kameng maging kupido nung dalawa.

"We're here whenever she needs us and stalking them doesn't count in our mission"

Tama nga naman. Wala naman siguro sa job description ng kupido ang stalking diba? Pabalik na kame ng hotel ng may nakita akong...tirik na tirik ang araw pero nanlamig tila ang buong katawan ko na parang November 1 ngayon. Shit! multo-- "Multo ng nakaraan"

"She's back?" Tama ka, Kim. She's back.



A/N:

Aly and Den has a progress already. Atleast, yung pagkatapilok ni Den shut them both off right? But who is "Multo ng Nakaraan" Who is back? Is she going to ruin the present with the horrible past? We'll find out!

PS. This Chapter 6 and 7 update is my way of greeting yall Merry Christmas and Happy New Year! All the love folks xoxo

When Two Worlds Meet (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon