Chapter 4

1K 38 1
                                    

After Three Days

"Where are you Alyssa Valdez?!!!!" Si Kim yun. I switched on my phone and saktong sakto siya ang tumawag. Kakarating ko lang sa Misibis Bay. For sure nandito na si Lara kase kahapon dapat ang flight namin.

"Chill Kimang! Hahaha" I cant help but laugh for sure naging histerical sila.

"Dont Chill Kimang me Bal! Nag-aalala kame at hello may flight ka daw kahapon pero di ka sumipot!" I hang up the call and sent a message instead Hahahaha

To: Kimang
I am here in the place where I should be Bal and please, dont worry ;)

Naglakad na ako papasok sa Hotel. I asked the desk na wag sabihin sa team muna na andito ako. Pumasok na ako sa room ko at naligo muna. After nun, I checked my email. Andun kase ang schedule for today and saktong may meeting ng 1 pm.

"12:50 na." I saw sa clock kaya nag-ayos na ako at 20 minutes pass 1 ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa conference hall.

"As for the photoshoot, I'd like everyone to meet Arthur Cang he will be-----" Naputol ang sasabihin ni Marge pagpasok ko. I saw her shocking face and napansin din pala ng lahat kaya sinundan nila ang tingin ni Marge sakin. I continued my way to my seat.

"Miss Ly." Buti naman nagsalita si Lara Hahaha Halatang gulat lang din e.

I smiled at her bago ako humarap kay Marge. "Please continue." Okay na ang facial expression niya pero yung tingin niya na nagsasabing Humanda ka sakin look. I mentally chuckled and I nodded as my response. So, she continued talking.

After an hour tapos na ang final review presentation ng lahat. So, I believe na magsasalita na ako Hahaha

"Have you checked the forecast tomorrow and in the coming days?" I looked at Marge and gave me a look.

"What? It aint summer guys. We need to make sure and confirm the possibility." I rested my body sa chair ko.

"I'll give you a report on that." Marge was a bit shocked with my question. I feel like hindi nila natingnan ang side na yun.

"Lara." I looked at her. I know she searched about it by the time I asked the question. Ganun siya kaya laging maasahan yan.

"Ah, Miss Ly. 80% Chance of raining mamaya and tomorrow. Although bumaba ng 40% the days after tomorrow." She looked at me then Marge.

"Perhaps a contingency plan is what I need, Marge." I looked at her. After a few clarifications and questions I had to adjourn this.

"Any additions? Ikaw, Marge?" She said none na rin. Pagod na yata sa kakasalita. Sakit kaya sa panga yung ganun Hahaha

"I guess none. Meeting adjourn."

I stood up and biglang lumapit si Marge. "Ly, saan ka galing?" Bigla akong napatingin sakanya. Napakafirm ng boses niya kase. Wala sa mood makipagbiruan to. "Can we talk it over lunch? Im really hungry"

Lumabas na kame at dumiretso sa restaurant ng hotel. Sariwang hangin! Open kase ang dining kaya dama mo ang pagkanatural ng paligid.

"You really love this kind of ambiance but it took your mom a business conference, a conflict schedule and a lot of pleading for you to be here." Napaharap ako kay Marge. Well, tama naman siya but I also love making myself busy. Its my way na maramdaman ko na may halaga naman ako sa mundo. I smiled at her.

"I also love working....I dont know but I always love to make myself busy and I'm cool with it." Kumuha na ako ng food and si Marge rin. Umupo na kame may dulo malapit sa dagat. Magkaharap kame ang I started eating. Sobrang gutom ako dahil kagabi ang huli kong kain. Pero if you consider coffee as a meal then I had breakfast naman.

"Parang si Ella yata ang kaharap ko ngayon."

"Shashap! (Shut up!)" Tumawa lang siya. Atleast okay na mood niya noh? Hahaha

Kumain lang ako ng kumain. I had two plates and I feel like sasabog na yata ako.

"So,since you're done and now you better answer my question" I looked at her. She's serious I can say that.

"Saan ka galing?" She looked at me straight in eye. Grabe naman to. Lakas maka-hotseat pero I managed I smile which made her forehead creased. I chuckled.

"Sa Manila." I simply said

"I used my car to go here. I've been on the road for 3 days because I didnt dared to drive at night." Mukha kaseng di niya tatanggapin ang sagot ko kanina kaya I had to explain.

"Next time---" I cut her off "I know, Marge but it was my way of telling my mom not to do things or make ways for me." She just sighed. I know na alam niyang tama ako.

Lumapit samin si Lara. Napatingin si Marge sakanya. Kumunot pa ang noo ha.

"Yes Lara?" Ako na kumausap sakanya

"Miss Ly, may meeting po kayo with Ms. Laura." Humarap siya ng tingin sakin.

"Laura? Laura Lehmann?" Takang tanong ni Marge.

Laura is one of the ambassadors ng E. Matagal na rin to samin kase gustong gusto siya ni Mom and we're good friends. Nakasama ko rin kase siya sa London dati for a few months. Halos 3 years siyang wala sa E kaya hindi kilala ni Marge to. This year, mentor na lang siya dahil ayaw na rin siyang ipastress ni Mom and dahil na rin merong bagong mukha ang line.  Hindi ko parin naman namimeet yun tsaka ang dinig ko is wala parin daw rito yun pero she'll be here of course kase siya naman magdadala ng event na 'to.

Sasagot na sana si Lara ng bigla akong nagsalita. "Yes Marge. Laura Lehmann. And Lara, mauna ka na. I'll be there in a minute." Nagnod lang si Lara bago umalis. Tatayo na sana ako ng biglang hawakan ni Marge ang kamay ko.

"You'll know her later but for now I have a meeting. Thanks for the lunch, Marge." Umalis na rin ako. Hindi pa kasi niya nameet kase kanina lang ako nakatanggap ng message kay Mom na si Laura ang kasama ko dahil sa ngalan ng fashion parang mas anak pa siya ng nanay ko. Bukas may dinner ang buong team, doon palang siya ipapakilala.

----

After series of meetings with different teams umakyat na ako sa kwarto ko. I am so drained. Siguro dulot na rin ng mahabang biyahe.

Natulog na ako. Walang palit-palit ng damit. Pagod nga kase. Pabalik na ako ng hotel pero feel ko nga muna magpahangin saglit sa may tabing dagat.

Why?! WHY DO YOU HAVE TO FUCKING LEAVE ME?!

"Hallah? Shit ano yun?"

FUCK YOU! I HATE YOU! I HATE YOU SO MUCH!!!

"Shit! May multo ba dito?!"

Binilisan ko na ang lakad ko ng makarinig ako ng iyak bigla akong napatigil

*sobs *sobs *sobs I--still l-love y-o-uu why?

Hinanap ko ang tunog nung iyak ng babae. Oo babae halata naman anuba

Nang makalapit na ako, babaeng umiiyak na may hawak ng bote ng alak ang nakita ko kaya nilapitan ko na.

"Miss? Okay ka lang ba?" Bigla naman akong napasapak sa sarili ko. Malamang Alyssa hinde! Kita mo na nga oh!

Kaso hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa mga buhok na nakatakip. Hinawi ko at bigla akong napaatras...

TANGINA! SIYA BA TALAGA TO?!!


------

A/N:

1. Baka nagtataka kayo bakit anyan si Margarita kay Aly pwes malalaman niyo rin sa susunod na chapters HAHAHA

2. Sinong lasenggang broken ang nakita ni Aly? ABANGAN!

3. Mahal ko kayo guys at sana continue reading! 💙💙

When Two Worlds Meet (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon