Lyra POV
"Ate where are you going??" Tanong ko sa babaeng kakatapos lang mag-arrange ng gamit niya sa kwarto na ngayon ay tinatahak na ang daan palabas nito.
She stopped and faced me. "I'll find our sister. Kanina pa yun hindi nagpapakita dito. Baka napano na yun." Sagot niya at biglaan na lang bumukas ang pinto sabay labas dito. Sumara ang pinto kagaya ng pagkakabukas nito.
I heaved habang naga-arrange ng gamit ko sa drawer. Naiwanan namin si Shea kanina dahil sa ginawa niya sa stadium. She insisted kasi na mag-stay daw muna kami ng ilang minutes sa loob para raw matulungan niya yung girl na nag-collapse.
Well duh!! Of course tumutol kami ni ate Alena sa idea, Alpha kaya yun!! We don't want to involve ourselves sa kanila para iwas exposure. Kaya, nang hindi sumang-ayon si Shea sa pagtutol namin, no choice si ate Alena but to force her na palabasin. She used her ability para mag mukhang normal lang na kinaladkad siya ni ate pero no, it was against her disposition na lumabas ng stadium. So nang makalabas na, ayun, bigla na lang namin siyang iniwan kasi ate Alena says so.
Nang matapos ko na ang gawain ko sa paglalagay ng damit sa drawer, napagpasyahan kong maligo. Inisa-isa kong tinanggal ang mga nakakabit sa mukha't katawan ko na siyang dahilan kung bakit ako panget sa paningin ng iba.
Halos isang oras ko din yun ginawa noh!! Pati fake skin ko sa buong katawan ko, tinanggal ko. After ng removal, lumabas ako ng room ko at pinasok ko na ang banyo..
Agarang binuksan ko ang shower sa loob ng shower room. Rumaragasa sa buong katawan ko ang maligamgam na likidong lumalabas sa shower hose at ninamnam ko ito.
Ahh.. Ang sarap sa pakiramdam. Biglang gumaan ang katawan ko nang matanggal ko ang bawat prosthetics sa aking mukha at katawan. Na-miss ko yung feeling na ganito, walang tinatago. Napakasarap sa pakiramdam ang malayang pagdampi at pagtakbo ng tubig sa buo kong katawan na walang kahit anong sagabal sa paggapang nito sa akin. Hinayaan ko muna ang sarili kong namnamin ang sarap ng tubig ng ilang minuto. Pwede ko namang suotin yung prosthetics ko kasi waterproof yun at dikit na dikit kung kumapit sa katawan. Pero gusto kong maligo ulit nang hindi siya ginagamit. Naeenjoy ko kasi ang maligo nang walang kahit ano sa katawan ko, even lingeries.
Nang masatisfy, agad akong nagsabon, nagshampoo, nagtoothbrush, at kung anu-ano pa bago ako lumabas ng shower room. I wrapped myself in towel then I headed towards my room to get dressed. I chose plain yellow T-shirt which is just way bigger than my size, then a jersey shorts that eats my thigh up.
I know I'm boring. Pero napakapresko kaya ng mga damit na'to!! Ang fresh ng feeling ko ngayon kasi bagong ligo pa ako, ang gaan pa ng katawan ko. Wala kasing nakakabit eh.
Lumabas ako ng kwarto ko at dumungaw sa may bintana ng dorm. Tinitingnan ko ang labas kung saan maraming mga estudyante ang gumagala-gala ngayon sa grounds.
Punta dito, punta doon. Maingay. Masaya. Isang larawan ng normal na paaralan. Isang masayang araw para sa isang buhay na buhay na paaralan.
Kahit na marami parin ang nababaguhan sa paligid dahil kakaiba ito sa mga institusyong nasa mortal realms ay makikita mo rin silang masaya sa kinaroroonan nila ngayon. Ngiting hindi matutumbasan ng kahit na anong salapi sa buong mundo. Ang pakiramdam ng pagiging malaya kung sino ka at kung ano ang mga kaya mong gawin.
Pero para saming tatlo, kahit nandito kami sa mundong nararapat para samin, hindi mawala-wala sa isipan namin ang ideyang kakaiba parin kami sa lahat ng kakaiba.
Its funny to think na you're in a school of weirdness which eventually bagay talaga sa katayuan namin ngayon but the feeling that you don't even belong to that place ay nandun parin.
YOU ARE READING
Fates
FantasiThe Fates weaves the destinies of every living thing in the universe. They are considered the Prime Immortals because they dominated the power to decide how an individual lives, how he/she survives, and when will he/she be vanished in the world. Ev...