MFA 7 part 2

5.1K 43 1
                                    

7 Part 2

Nakayuko ako ngayon. Nasigawan kasi ako ni Drake. Ang ingay ko daw. Nakakatakot para siyang monster, pero mahal ko pa rin yan.

"Uhmm. Drake?"

"What!?" sigaw naman niya. Nagulat ako nang sumigaw siya.

"Uhmm.. ano k-kasi.. anong nang gagamitin ko? Wala na akong mga underwear, ano nalang ang sosootin ko?." Tanong ko.

"Bibilan na lang kita. Kaya wag ka nang ngumawa dyan." Sagot niya.

"Talaga?" lumiwanag agad ang mukha ko pag ka rinig ko doon.

"Oo, kaya tumigil ka na diyan. Bukas bibili tayo."

"Bukas pa!? Wala na akong susuotin!!" sigaw ko.

"Edi labhan mo yung mga sinuot mo nung mga nakaraang araw. Matutuyo naman agad yun e."

"Pero Drake. Wala naman akong maruming mga undies! Pinalaundry ko kahapon. Kaya malinis na lahat. Walang natira ni isa!"

"Problema ba yon. Pwede naman suotin ulit yang suot mo ngayon." mahinahong sagot niya na para bang napakadali lang ng problemang yun.

"Eewww!!! No way! Ayoko nga!" tsaka ako ngumawa ulit. "ba't kasi di ngayon?? bili na tayo ngayon."

"Tsk! Shen! Please! For the nth time! Tumigil ka muna. Mas imporatanteng malaman natin muna kung sino ang pumasok sa bahay!" sigaw niya sakin.

Tumahimik na lang ako. At napayuko ulit.

"Nagpapunta na ko ng mg pulis dito para imbistigahan ang mga nangyari." Huminga siya ng malalim. Nanatili pa rin akong tahimik. Ayoko nang mapagalitan no. nakakatakot kaya. Nagsalita ulit siya. "And one more thing. Hindi ka muna maaring matulog sa kwarto mo."

"Huh? San naman ako matutulog?" tanong ko? Dalawa lang naman ang kwarto sa bahay namin. Isa na kwarto ni Drake at isa para sakin. Alangan namang patulugin niya ako sa sofa sa sala. Aba! Di ako papayag. Swerto niya. Kahit mahal ko yan hindi ako papayag no.

"You can sleep in my room. Doon ka muna. Atleast in that way I know your safe cause you're with me."

"Huh!? Seryoso ka!? Drake!?" ako.

"Yes." Mabilis niyang tugon. "Wait. Kanina ko pa yata napapansin na Drake lang ang tawag mo sakin??" tanong niya.

'Patay! Akala ko hindi niya na mapapansin. Wew! Shen. Dali isip. Anong sasabihin ko.' "Ano ka ba uso po kaya yan. Gusto ko lang gumaya doon sa napapanood ko. Cool kaya pakinggan. parang friends lang tayo mag-usap." Paliwanag ko.

"I am not a friend Shen. I'm your Dad. Kaya dapat lang na tawagin mo akong Dad." Nakakunot niyang sabi.

'Ano bayan. Hirap naman pakiusapan tong lalaking to.' "But Drake don't you know that this will measure our relationship with each other as father daughter? Dahil nga we are super close. We already treat each other as friends, siblings and so on. So Drake let me just call you by your first name please?" pakiusap ko sa kanya. Sabay puppy face.

Napabuntong hininga na lang siya. Hah! Sabin na e. hindi niya talaga ako matitiis. "Fine. Kahit ano naman sabihin ko hahanap at hahanap ka ng dahilan para pumayag ako. And you know I can't refuse you."

Naputol ang pag-uusap naming nang biglang may kumatok sa pintuan. Tumayo agad si Drake at binuksan ang pinto.

Nang makabalik si Drake may kasama na siyang babae at lalake na tingin ko ay mga pulis. Tinignan ako ng babae at sinuri mula ulo hanggang paa. Napataas naman ako ng kilay. Ano kayang problema ng babaeng to?

"Please take a sit." Sabi ni Drake sa kanila. Umupo na sila kung saan siya nakaupo kanina. Umupo na rin si Drake sa tabi ko. "So this is my daughter Crishen." Pakilala niya sakin. Gulat at may halong pagkalito ang reaksyon nang babaeng pulis nang marinig ang sinabi niya. Pero ngumiti na rin siya ng nakarecover na siya.

"Daughter? But your too young to have kid Drake. How did that happen?"tanong ni police woman habang nakangiti pa rin sakin ng sobrang tamis.

"She's my wife's daughter Karen." Maikling sagot niya na tila naiinip. Ako naman medyo naguluhan.

"You two know each other?" tanong ko. Na bakas sa mukha ko ang pagkalito.

"Yes Crishen. Your Dad and I are friends back in college."police woman.


My Forbidden AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon