MFA 13

2.6K 34 4
                                    

It's been a month. A month nung sinabi ko na mahal ko siya. Isang buwan na rin ng huli kaming makapag bonding na dalawa. Unti unti ay umiiwas na rin kasi ako sa kanya. Hangang masanay na ako ng wala siya. Parang natauhan narin kasi ako. Napag isip isip ko na walang mangyayari sa kung ano mang meron samin. Ako lang ang nag mamahal. Ako lang din ang nasasaktan. At sa tingin ko rin naman ay ganun din siya. Di man niya sabihin ay alam kong umiiwas din siya. Narealize nya siguro na mali ito. Na parehas lang kaming nagkakasakitan. Nag kikibuan kami at naglalambingan pero unti unti na itong nababawasan. Hindi na kagaya ng dati.


At ngayong araw na ito napag isip isip kong lumayo na ng tuluyan. Aalis na ako sa bahay. At titira nalang ako sa Auntie ko. Mas maganda na rin siguro na hindi ko siya kasama sa isang bahay para mabilis akong makapag move-on. And in the first place hindi naman akin ang bahay, since siya ang nag nag pagawa.


------------------------------

"Crish are you sure?" tanong ni Jash habang nakakunot ang noo.


"Yup! I am freaking sure guys."


"Kaya mo?" tanong naman ni pute na nakatuon parin ang tingin sa kanyang phone.


Napaisip ako sa sagot niya. Ilang beses ko ng pinag isipan to. Alam kong mahirap pero kailangan. "Kakayanin ko pute. I need this. Simula ng mahalin ko siya nakalimutan ko na ang sarili ko. Nakalimutan ko na kung ano ako. Siya nalang lagi ang iniisip ko. Sakanya nalang umiikot ang mundo ko. At unti unti ko ng sinisira ang sarili ko dahil sa lecheng pag ibig na to. " Madamdamin kong sagot.


"Good! Mabuti naman at bumalik kana rin sa katinuan mo. Tama yang naiisip mo. Mawawala din ang sakit. Kailangan mo lang ng oras para gumaling yang puso mo. At hindi mangyayari iyon kung lagi mo lang siyang makikita." Nakangiting sabi ni Jash. Masaya siya sa naging desisyon ko. Alam niya kasi kung anong sakit ang dinanas ko. Ngumiti na rin ako sa kanya pabalik.


"Gagawin mo nga ba yang plano mo? Kakayanin mo ba talaga? I know you Crish, you are not the kind of person who just give up. " singit naman ni pute. At hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa phone niya pero hindi naman ginagalaw. Prang may hinintay lang siya na kung ano sa phone niya.


"Pwede ba white, will you just please shut up!? Hindi ka nakakatulong eh. Bakit ka ba kontra ng kontra? At wag mo ng guluhin ang utak niya, nakapag decide na siya kaya wag ka ng mag pasok ng kung ano ano sa utak niya." Inis na sagot ni Jash.


"I'm not. I'm just stating that she's not the kind of girl to give up. That's how I know her. That is how we know her. Gusto ko lang din malaman kung gagawin niya ba talaga. Isa pa, siya rin ang tipo ng tao na pabago bago ng isip."


"Don't worry Pute. I know you are just concern. But don't worry. i have decided, there is no going back." Nakangiti kong saad pero alam kong napansin ni pute na medyo hindi na sigurado ang pagkakangiti ko dahil nakita ko siyang ngumisi. Napabuntong hininga nalang din si Jash.


------------------------------------------------


Nandito ako ngayon sa kwarto. Nag iimpake ng mga gamit ko. Aalis na ako ngayon. Maya maya rin ay darating na ang sundo ko na pinadala nila auntie. Hindi parin ako nakakapag paalam kay Drake. Hindi ko rin kasi alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya. No. Natatakot lang ako na makitang wala siyang pakealam, na hindi niya ako pigilan at hayaan ako sa ano mang gusto kong gawin. Napaupo ako sa kama ko. May gagawin kaya siya? Pipigilan niya kaya ako? o hahayaan nalang niya akong umalis para hindi na niya ako makita ulit. Hindi nalang siguro ako magpapa alam. itetext ko nalang siguro siya para hindi na ako masadong mahirapan.


Pababa na ako ng hagdan ng makita ko siyang paakyat. Nabigla siya ng makita niya akoat napakunot ng noo ng makita ang maletang dala dala ko.


"You're going somewhere?" nakakunot niyang tanong.



________________________________

Hello Guys! kamusta na? Pasensya na at ngayon lang ako nakapag update ulit. Naisipan kong mag update ulit dahil may mga humihingi pa ng update. actually wala na talaga akong balak na mg update. buburahin sana ito kala ko kasi wla ng nagbabasa. Pero meron pa pala.

But don't worry guys, try ko parin pong i update ito hangga't kaya. thank you po sa mga nagbabasa at sa mga nag message sakin. Sorry din sa mga typo on the spot ko kasing sinulat e. Thank you and Godbless..






My Forbidden AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon