MFA 12

4.2K 59 13
                                    

SMS 12

'It's been a week since that happened. At sa nakalipas na isang linggo ay talaga namang sobrang sweet niya. Since mom died ngayon lang ulit ako naging Masaya ng ganito. Nung namatay kasi si mom, ay kasabay rin ng pagkawala ni Drake. Kaya I am super happy right now. Dahil feeling ko ay bumabalik na unti unti ang Drake na kilala ko. Sweet and gentle.

"Good morning!" sabi ko pag pasok ko ng classroom. Napatingin sila sakin na para bang tinubuan ako ng sungay. Well, I can't blame them. As I have said in the past chapters. Na naging anti-social na ako simula ng mawala siya. I only talk to my bestfriends, kaya gulat sila sa ginawa ko. Nginitian ko na lang sila at tuloy tuloy na umupo sa pwesto ko.

"Hey Crish! Good mood nanaman ah?" White.

"Of course! Who wouldn't? Maging boyfriend mo ba naman ang isang Drake Stephen Wright? Sinong hindi magiging good mood?" sabay ngiti ng wagas.

"Boyfriend? So he already asked you to be his girlfriend?" nawala naman bigla ang ngiti ko sa tanong ni Jash.

Hindi ko na nasagot yung tanong kanina ni Jash, dumating na rin kasi yung prof namin. Buong klase ay tahimik lang ako. Yung pagka hyper ko kanina nawala. Napalitan ng lungkot. Napa isip ako sa mga sinabi nila. Totoo na hindi pa niya ako tinanong non

____

After ng class ay hinila na ako nila white papuntang canteen. Pero doon kami sa may pinalasulok pumunta. Sabi ko na nga ba hindi pa tapos ang pag uusap namin kanina.

"He didn't right?" Jash. Napayuko na lang ako.

"K-kailangan pa ba y-yon?" mahina kong tanong.

She sighed." Crish. Of course. Kailangan. You need to know kung anong status niyo."

"Jash is right. You need to clear things out. Hindi natin alam kung anong nasa isip niya. Mabuti nang alam mo kung saan ka lulugar. What if mag assume ka na kayo, tapos bigla mo nalang makita na may kasama siya at kapag kinonfront mo ay sabihin niyang hindi naman kayo?" White.

"B-But--."

"Crish. This is for your own good. In a relationship, you need labels. Hindi dahil para lang may maitawag sainyo, but also to know your place. To know if you have the rights to be jealous and such. Get our point?" Jash.

"Y-yeah. But--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana ng magsalita ulit si Jash.

"No buts Crish. Did he even said that he love you?" nag iwas ako ng tingin.

"See? He didn't." Jash.

"He did."

"Yeah. He did. But when was that? "

'The time that when she's still here. The time that he still sees me as his wife's daughter'

___

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at pinag iisipan lahat ng mga sinabi nila sakin kanina. They might be right. No they are right. Tama lahat ng mga sinabi nila. Ayoko lang talagang tanggapin na maaring mangyari iyon. Pero hindi ko alam kung pano ko siya kakausapin tungkol dito.

I'm scared. What if itong meron samin ay wala naman pala? What if hindi niya ako mahal kagaya ng pag mamahal ko sa kanya? Never niya pang sinabi na mahal niya ako. Oo dati pero alam kong ang pagmamahal na iyon ay pag mamahal ng isang ama sa anak niya.

I sighed. 'What will I do? Ano ba-' hindi na natapos ang pag mumuni ko ng pumasok si Drake sa kwarto ko. Nakangiti siya habang papalapit sa akin.

"How's my beautiful princess?" tanong niya sakin at umupo sa tabi ko sa kama.

"Hmm.. good. Medyo pagod sa school but I'm good. Ikaw?" sagot ko.

I think this is not the right time. Wag muna. Gusto ko munang maging masaya. Gusto ko munang namnamin ito. Tsaka na pag ready na akong marinig ang magiging sagot niya.

"You sure you're alright? You look sad." Nag aalala niyang tanong.

"Yeah. I'm alright. Just tired." Sabay ngiti at yumakap sakanya. Gumanti rin siya ng yakap. Kaya hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.

"I love you Drake." I said. I felt him stiffened. After a few seconds ay sumagot na rin siya.

"I know. Thank you." Mahina niyang sagot.

'That's it. I got my answer.'

____

Mag isa nalang ako ngayon sa kwarto ko. Wala na rin si Drake. Pumunta na siya sa kwarto niya. Ako naman ito, tumutulo ang luha.

Nang marinig ko ang sagot niya. Hindi ko alam kung pano ko pipigilan na tumulo ang luha ko. Masakit. Tagos na tagos. Sabi ko na nga ba dapat hindi ko na sinabi iyon e. Alam ko naman kasi ang mangyayari. Masasaktan ako. Pero gusto ko talagang malaman. Wala sa plano ko na gawin iyon, pero nag bakasakali ako. Baka kasi, mali ako ng iniisip, baka mahal na niya ako. Baka nakalimot na siya kay mommy , baka, baka--.

'Shit! Shen! Tanga ka talaga. Do you think ganon kabilis niyang makakalimutan si mommy? Wag mong lokohin ang sarili mo. You saw how much he loved her. He can do anything for her. At kung ikukumpara ka sa kanya. Wala ka lang.'

"Shen. Please. Stop crying. Ayoko ng umiyak. Ayoko na." sabi ko habang patuloy parin umiiyak.

____


My Forbidden AppleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon