FRIENDZONE AND HIDDEN FEELINGS?

227 2 0
  • Dedicated to Christy Palma
                                    

FRIENDZONE AND HIDDEN FEELINGS?!.

IVAN

Bakit ba ganito yung nararamdaman ko?

Ang sakit sakit.

Feeling ko sinasaksak yung puso ko.

Kahit ako naman yung pinili ni Time na maghatid sa kanya ramdam ko parin na parang iniwan niya ang puso niya kay Hassle.

Wala naman akong karapatan sa kanya dahil hindi kami, pero bakit ang sakit?

Gusto kong sabihin na mahal ko siya pero takot ako.

Labis ang takot ko na kung ipagtatapat ko itong nararamdaman ko masisira lang yung pagkakaibigan namin.

Too much friendzone.

Mahal ko siya ngunit hindi ko man lang masabi at maparamdam sa kanya.

She's so near, yet so far.

Parang mababaliw na ako sa kaiisip kung paano ko ba maipagtatapat itong nararamdaman ko sa kanya.

Parang sasabog na itong puso ko tuwing nakikita ko kung paano niya titigan yung ex niya.

Masama bang mahalin siya ng palihim?

If this will be the worst thing I could do, well I'm damn willing to trade everything just have her in every second that passes by.

Sobrang mahal ko lang itong babaeng nasa tabi ko ngayon.

Bakit ba kasi si Hassle pa rin? Sinaktan na siya ng gagong yun, ngunit siya pa din? Bakit ba sobrang hirap turuan nitong puso niya sa akin na lang sana umibig?

"Okay ka lang, Iv'z?" Pukaw niya sa nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.

The deafening silence kills me.

Kasalukuyan akong nagdadrive patungong Marix's Plains Sbd. sa QC.

I'm bringing her home, but I know, I'm taking her away from the love of her life. How ironic?

"Pag ikaw naman kasama ko lahat magiging okay."

I smiled as I uttered those words, but deep inside this smile meant bitterness and sadness.

Pagdating sa kanya, imposibleng maging okay na lang ako palagi. Ang hirap! Dahil sa totoo hindi ako magiging okay kung alam ko na kahit anong gawin ko, si Hassle pa din ang nakatatak diyan sa puso niya.

At paano ba naman ako magiging okay kung tuwing siya kasama ko lalo lang lumalalim itong nararamdaman ko sa kanya.

Na sa tuwing sasabihin ko pa lang pangalan niya parang lalo lang akong nahuhulog. Nahuhulog sa banging malalim na kung saan napakahirap nang umahon. Baliw na siguro ako. Pero mali bang mahalin ang babaeng ito sa tabi ko?

Bakit ba kasi ganito epekto niya sakin?

NP: Passenger Seat by Stephen Speaks

"Hmmmm? Ang lalim ng iniisip mo ah. Baka hindi ko na yan masisid?" Nakangiting tanong niya habang humarap at tumitig sakin.

Pasamantalang tinigil ko ang kotse at nagpark sa gilid ng daan.

"May tanong ako, pero wag ka sanang magagalit ha?"

Tiningnan ko siya ng mabuti, trying to memorize every detail of her beautiful face.

Bahala na si Batman!!! Kailangang sabihin ko to sa kanya. Lalo lang akong mahihirapan pag kinimkim ko itong mga tumatakbo sa utak ko.

"Tungkol saan naman Iv'z? Tungkol sa rookie draft kanina? You seemed worried about it. Sisiw lang yun sayo. Kahit siguro hindi ka mag-effort, ikaw na magiging team captain ng ating  University Football Team, eh. The great and handsome Lim of the College of Engineering."

Marrying My Ex (On-Going Series)Where stories live. Discover now