SO CLOSE

58 1 0
                                    

SO CLOSE...

TIME

I was left speechless and dumbfounded.

What the hell did happen?

I was wrapped in the big arms of Hassle. Spell awkward right now.

He's my ex but i'm still mingling with him this close. His smell. Oh my god, i feel like I wanted to kiss him right at this moment. Bakit ba kailangan niya akong yakapin ng ganito kahigpit? Kamusta naman ang mga ovaries ko nito? Naghaharlem shake na naman. God!

Ang hirap kasi sa kanya masiyado siyang paasa. Paasa to the highest level na masasaktan lang naman ako sa huli. Pero ako na si tanga parang umaasa na naman ulit. Walang kadala dala. Pesteng puso ito naghuhurementado na naman. Kailangan ko na talagang iuntog ang sarili ko sa Great Wall of China ng matauhan na ako.

Inayos ko ang sarili ko at pinilit na kumalas sa kanya. Hahayaan ko na naman bang mahulog ang sarili kung muli? Of course, hindi.

"Hassle, bitawan mo nga ako kung ayaw mong mag eskandalo ako rito. Harassment itong ginagawa mong ito. Nanghahatak ka na lang bigla papupunta dito sa abandonadong classroom. Ano bang problema mo sakin? Sa weekend na nga lang natin gawin yung critique paper. Pag ako nakita ni Ivan na kasama ka, madidisapoint yun." Ang mahabang litanya ko habang pinipilit na kumalas sa kanya. Syet! Sobrang lakas niya. Hindi ako makawala.

"At ako ba hindi madidisappoint?" Halos ramdam ko yung hinanakit sa boses niya. Ang galing niya talagang mang uto ah. As if siya, si Hassle Daven Araneta masasaktan? Isaksak niyo na sa utak niyo ang salitang, imposible.

"Ano bang ipinaglalaban mo Hassle ah? Gagawin na nga natin yun sa weekend di ba?" Ang tanging nasabi ko na lang. Nanghihina na talaga ako sa mga bisig niya. Bwiset naman itong sistema ko parang kandila. Unti unting natutunaw na lang. Where was the wall i already built between us? Natibag na lamang ng walang kalaban laban. Yung depensa ko sa kanya parang jelly na lang talaga na natunaw agad agad. Powtek!

"Bakit ba ganyan ka Time? Alam mo naman na ikaw yung pinaglalaban ko diba? Ang manhid mo Time. Ang manhid manhid mo!" Ramdam ko na parang paiyak na yung boses niya. Ano na naman bang kalokohan itong pinagsasabi niya?

"Masiyado kang paasa Hassle. Let go of me, please." Ang halos pag mamakaawa ko na sa kanya. Ramdam ko naman yung unti unti niyang pagkalas ng pagkakahawak sa akin. For what it feels like forever ay binitawan niya rin ako. Palagi niya na lang talagang pinapagod itong puso at isipan ko. I'm so tired of hoping and assuming na magkakabalikan pa talaga kami. Sawang sawa at pagod na pagod na ako.

"Kung yan talaga ang gusto mo Time, hahayaan kita at lalayuan. Pero tandaan mo hinding hindi kita bibitawan." Halos nawindang na naman ang sistema ko sa dineklara niya. What? Ironic. Hahayaan niya ako pero di niya ako bibitawan? Problema niya?

Halos hindi ko pa nga naaabsorb yung sinabi niya nawala na siya sa paningin ko at iniwan akong nakatulala dito sa abandonadong silid. Alam ko sa sarili ko, talo na naman ako. Mahal ko na naman siya ulit. Feelings that comeback were feelings that never really left. I feel like I'm imprisoned to love him for the rest of my life. At alam ko sa sarili ko na talo talaga ako sa larong ito. I will never win. Never.

-----------------------------

Maghapon na naman akong wala sa sarili ko dahil sa insidenteng iyon na kasama si Hassle. Magpahanggang ngayon ukupado niya talaga yung pag iisip ko. Tongina naman eh.

Nasaan na yung wishlist ko na mag move on na? Nawala na lang yata na parang bula.

"Hoy Time sali ka nga ng Volleyball ngayong intramurals. Di ba magaling ka don. Fourth year na tayo baka madiscover yang talent mo diyan at tsaka last year mo na at baka last playing year mo na rin siguro ito." Nagulat na lang ako ng biglang magsalita si Aya sa tabi ko. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa gym ng unibersidad namin at manonood sana ng open try out sa volleyball ng aming college. Each college kasi kailangang magpa try out para may representative ang aming school para sa mga interschool sports competition.

They need this to screen the best. At ako talaga ang napagdiskitahan ni Aya ha. Lintek naman, ayaw ko ng limelight kaya hindi ako magtatangka na mag try out diyan. Never.

"Since kulang naman yung College of Arts and Sciences ng isa sa list of mag tratry out, ikaw na lang kaya ang isabak namin Time. Sige na please. Pag hindi ka magpapalista ibig sabihin hindi ka pa nakakamove on sa ex mo." Ang biglang bigla na lang na panghahamon ni Xylice sa akin. What the heck? Ano bang lintek na pumasok sa utak nila at hinamon na lang ako ng ganito.

Too much blackmail. Kung sana pwede ko na lang sila takbuhan agad, lalayo at lalayo na lang ako dito agad agad.

"You guys are mean. Kaibigan niyo ako tapos ipapahiya niyo ako diyan." I just replied helplessly. Paano nangyari ito na pinagkaisahan nila ako ng ganito lang kadali? I really felt so helpless.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marrying My Ex (On-Going Series)Where stories live. Discover now