" I'M INLOVE WITH YOUR EX "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER SIX
***
" Anong nangyayari sa iyo doctor Ramirez? I trust you alot na kahit wala ako'y ikaw ang isa sa pinagkakatiwalaan ko pero ano bang nangyayari sa iyo." Tanong ng isa ring doctor na general director ng St. James Hospital kung saan ilang taon na ring naging tahanan ng binata. Dito siya nag OJT at dito rin siya nagkatrabaho.
Hindi naman nakasagot ang binata dahil sa isang iglap ay lumubog ang mundo niya.
" Alam mo Johnson kung may problema ka huwag mong idaan sa pagmumukmok. Hahayaan mo bang sirain ng problema ang buhay mo? You've gone so far by your own feet so please don't waste it just like that." Muli ay aniya ng doctor.
" Ewan ko doc pero parang pasan ko ang mundo. Iyun bang gusto kung itago ang sarili ko sa karamihan para wala na akong makita pa. Ang sabi ko kaya ko ito dahil I'm strong man pero hindi pala dahil bigla na lang akong tinamad na humarap sa hamon ng buhay." Sagot ng binata na hindi makatingin ng maayos sa kausap.
" Our companions asking already lalo na ang seniors natin dito sa hospital, alam ko ang hirap at dedication mo sa iyong trabaho kaya ako na Johnson ang nakikiusap sa iyo na ibalik mo na ang dating ikaw. Ang masigla, palakaibigan, makataong Johnson na kakilala namin. " Pakiusap ng General Director ng St James Hospital.
Isa lamang ito sa mga taong nakapaligid sa binata na sumubok o ang kausapin siya. Numerouno na ang kanyang mahal na ina, hindi ito nagkulang ng payo sa kanya. Kung nakakabingi nga lamang ang mga paulit - ulit na sinasabi ng mga ito ay nabingi na siya sa loob ng ilang buwan na pananahimik niya lalo ng hindi na siya pumapasok sa trabaho.
" Maaasahan ko bang papasok ka na Johnson?" Muli ay untag ng doctor sa napatahimik na binatang si Johnson.
" Yes doctor I will. Tomorrow morning I'll be here to resume my pending works." May finalidad na sagot ng binata.
Akala ng lahat ay maayos na ang buhay ng binata dahil muli itong pumasok at sa tulong ng mga nakapalibot dito ay naging tuloy-tuloy din ang pagpasok nito sa trabaho.
Lumipas din ang ilang linggo o mas tamang sabihin na dalawang buwan at dalawang linggo ang nakalipas ng pumutok ang balitang muling gumulo sa buhay niya.
" Anong nangyayari inay? May hindi ba ako nalalaman?" Tanong ng binata sa kanyang ina ng nadatnan niya ito na namumutla isang tanghali na umuwi siya para magtanghalian.
Pero imbes na sagutin nito ang tanong niya'y parang may sarili itong mundo na nagsalita mag-isa.
" Nagwakas din ang kahayupan ng demonyo. Parusa na iyan ng langit sa iyo. Mabuti naman at isa ka sa namatay ng mabawasan ang mga addict sa lipunan." Sambit nito na may galit na nakabalatay sa mukha patunay lamang ang pag- ismid nito.
Kaya naman nilapitan ito ng binata at hinawakan sa magkabilang balikat saka muling nagtanong.
" Wala akong maunawaan sa sinasabi mo inay. Baka naman maaaring ipaliwanag mo kung no ang nangyayari sa iyo." Tuloy ay parang tatay na sermon ni Johnson sa ina.
" Siguro nga ay dapat mo na ring malaman anak dahil alam kung karapatan mo iyan. Itinago ko ang lahat para hindi mo na sana alamin pa ang lahat lalo nakamulatan mong isa kang mahirap na tao, itinaguyod kitang mag-isa kahit na alam kung mahal ang pagpapaaral pero namana mo ang talino ng hayop mong ama. Dahil kahit bali-baliktarin pa ang mundo dugo pa rin ng hinayupak na drug addict na iyun ang nanalaytay sa katawan mo." Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang kanyang ina ng gano'n tungkol sa kanyang pinagmulan. Pero nagtataka pa rin siya kung sinu ang taong tinutukoy nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/130035816-288-k720635.jpg)
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH YOUR EX BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )
Ficción GeneralLoving someone who's inlove with someone else