CHAPTER TWO

4K 82 2
                                    

" I'M  INLOVE WITH YOUR EX "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER TWO

" Anak  saan ba ang lakad  mo? Aba'y halos kadarating  mo lang ah." Maang  na tanong  ni Mark Joseph  sa anak o  kay Jamellah.

" May pupuntahan kami ni bff  mommy. Dadaanan ko siya kina  lola Rene." Sagot  naman  ng dalaga saka lumapit sa mga magulang na nasa sala  at humalik sa  noo  ng mga ito.

" Huwag na naman kayong maging  ang mommy ninyo na kaskasera.  I know  your bff  iha  parang ang tiyuhin ni'yo  lang." Bilin  pa ni MJ na nakatawa  dahil  pinanlalakihan siya nito ng  mata.

" Opo  daddy  don't worry  po my twin sister  will be the only heir of mommy  in being reckless." Nakatawa na ring tugon ng dalaga saka mabilis na  lumabas dahil siya naman  ang binalingan  ng ina.

Speaking of their  beloved mother, she's  one of a kind, she has a soft heart. According  to their both grandparents,  marami ng natulungan ang mga magulang  nila. Minsan  pa nga at hinding - hindi niya makakalimutan  ang  kaikuwento  ng grandpa B nila.

" Your dad love you mom so much.  Dumating sila sa  puntong  isinakripisyo  ng daddy  ninyo ang sarili para sa mommy ninyo. Pero  God  has  a better plan  for them dahil nawala man ang mommy ninyo sa  piling niya for almost eight  years dahil sa aksidente ay  hindi nagawa ng daddy  ni'yo  ng ibang tao o babae. He remained  faithful  to your mom." Madalas  ngang ikuwento  ng kanilang mapagmahal  na abuelo sa kanila.

" Sana  may kagaya pa si  daddy sa mundo na magmamahal  sa akin ng  totoo." Bulong  ng dalaga while driving patungo sa tahanan ng lola Rene at lolo Art nila.

Ang hindi niya alam pagkaalis niya ay naligo  sa  kurot  ang daddy  nila. Dahil  sa pangangantiyaw  nito ay  nauwi ito sa harutan which they really appreciated.  Mahigit tatlong dekada  na  ang  mga  magulang  niya bilang  mag-asawa pero kahit tumatanda  na  ang  mga  ito ay  parang nasa  younger years pa rin.

Samantala, pagkatapos pa lamang ng assembly  meeting nila ng hapon na iyun  ay bumalik na agad si  Johnson  sa Mcdo stand kung saan niya iniwan ang tatlong bata. Nang  umagang nakita niya ang mga ito  ay  halos hindi  niya  makilala  ang mga bata, pero  ng oras na iyun ay kay  ganda ng pagmasdan ang  hitsura nila.

" Kuya  Johnson!" Salubong ng mga ito na mabilis  ding yumakap sa kanya.

" Heto  na po kuya ang sukli ng perang iniwan mo kaninang umaga. Dinala  ko po kasi  sila sa boarding at doon sila naligo kaya nakatipid ako sa pera." Agad  ding sabi ng babaing pinagkatiwalaan niya na asikasuin ang mga batang  palaboy.

" Maraming salamat  miss Cariaga. Anyway kumain na ba kayo? Kung  hindi mag-order na ulit tayo dito. May pupuntahan  tayo after  meal." Sagot  ng  binatang doctor.

Para namang  naalarma  ang mga bata sa narinig  na hindi  nalingid  kay  Johnson  kaya muli  siyang nagsalita.

" Huwag kayong mag-aalala dahil dadalhin ko kayo sa  orphanage. Doon  muna kayo habang wala pa tayong ibang pagpipilian kung ano ang dapat nating  gawin. Puwera na lamang kung may mga magulang kayong tatlo na maghahanap  sa  inyo. Pero sa ngayon  kain  na muna tayo para pagdating natin  doon ay  mamahinga na kayo." Pampapalubag  loob ng binata sa mga ito.

Para namang  nabunutan ng tinik sa  lalamunan ang mga ito.

" Ang totoo po niyan kuya  ay  hindi  naman kami  magkakapatid, hindi rin kami magkakadugo, at higit  sa  lahat hindi namin alam kung nasaan  ang mga  magulang  namin. Nagkikita-kita  lamang po kami sa bayan. Mga  kagaya ko silang nakatakas sa ampunan mula sa  sunog. Ako  pala si Mayo at ako ang panganay sa aming  tatlo, sampung  taon na po ako, siya si  Zaldy walong taong-gulang,  at siya si  Edel anim na po siya. Himala  po na nabuhay siya dahil sabi niya hindi niya alam kung paano siya nakalabas  basta  ang  alam niya ay nasa kalsada na siya. Kaya ako na po ang nakikiusap sa  inyo kuya kung  sa  ampunan na pinanggalingan  namin  mo kami dadalhin ay  huwag na po." Mahabang pahayag ni Mayo na agad sinigundahan  ng bunso  sa  kanila.

I'M INLOVE WITH YOUR EX BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon