CHAPTER SEVEN

1.8K 56 4
                                    

" I'M INLOVE WITH YOU'RE  EX "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER SEVEN

" My goodness! Will you take away the phone from your mouth your freaking me out." Inis na  sita  ni Jullianne  sa  pinsan niya.

Pero para kay CJ na matagal-tagal ding  hindi nakita ang pinsan  ay hindi niya  inalintana ang pagkainis  nito  bagkus ay nagpatuloy  siya.

" Hay naku Ms Aguillar  kung nagmana  ka sa kasungitan  ng mga masusungit  tatanda  kang  dalaga. By the way high way  of  Baguio  City may pupuntahan tayo este  ikaw pala. Just be ready at dadaanan  kita  diyan  kila  grandma Rene." Bagkus ay  masayang aniya nito.

" Ikaw Crystalline  Jamellah Santiago ano  na namang  kababalaghan iyang naiisip mo ha? Naku  kilabutan ka  nga sa mga pinaggagawa mo." Kung sa iba'y iisipin nilang  nag-aaway ang dalawa pero para sa kanila ay  biro lang ang lahat.

" Kung ako sa iyo miss Aguillar mas maigi  pang magbihis ka  na at bibiyahe  tayo patungo ng Laoag kasama natin si baby." Masayang sagot  nito.

" Aba'y  ikaw ha baka nakakalimutan mo ng halos hindi pa umiinit ang puwet ko dito kila  Lola Rene aba'y  gusto  mo namang dalhin ako kung saan - saan." Muli ay aniya ni CJ.

" Tsk! Ano  pa nga ba  dalian  m---"

" Just  bring some clothes or gown  dahil  may party tayong dadalawin  today." Tugon  ni CJ.

" Baka naman puweding umuwi muna---"

" Alam mo insan na best friend  ko hindi mo na kailangang  umuwi  ng nueva Ecija para lang magpaalam kina tita at tito  dahil may cellphone ka  naman. Aba'y mamaya niyan matatagalan na naman tayong  magkita." Pangungunsensiya pa ni CJ.

Muli ay  pamumutol ni CJ kay Jullianna kaya naman imbes na salungatin pa ito ng dalaga ay  sumang-ayun na lamang.

" Naku ikaw  talaga Misis Santiago kapag makapangonsensiya ka  wagas. Ano ba kasing mayroon at kailangan pa nating  nagtungo  sa Laoag para magkita?" Pag-iinis-inisan  pang sagot ng dalaga.

" Huwag mo ng alamin besty ang mahalaga at importante ay  pumayag ka na. See you later." Tugon  din ng nasa kabilang banda saka nawala sa linya.

" Ang babaing  ito talaga oo nasa harapan lang kita  malamang  sa  malamang baka  nasapak  na kitang  talaga." Nakangiwing bulong ni Jullianne matapos siyang pagbagsakan ng linya ng pinsan  niyang best friend din niya.

Ilang sandali pa ay tahimik  na rin siyang gumayak  para kahit anong oras siya daanan ng pinsan niya ay nakahanda na siya.

Samantala sa tahanan ng mga Reviera  sa Laoag, busy lahat ang mga tao dahil bukod sa  darating ang mag-asawang Lenny  at Agosto o  ang mga magulang ng namayapang  si  kernel Reviera ay  sa unang  pagkakataon ay  darating din ang tagapagmana  ng pamilya na si Surgeon Johnson Ramirez Reviera o mas pamilyar sa Johnson Ramirez. Ang formal na pagdeklara ng mag-asawa sa mga tao na ang tagapagmana  ng namayapang mambabatas ay  walang iba kundi ang surgeon na si  Johnson.

" Maligayang pagbabalik po Don Agosto, Donya Lenny." Masayang salubong ng mga tao sa mag-asawa ng sa wakas ay tumigil ang van  na sinakyan ng mag-asawa.

" Maraming salamat sa inyong lahat dahil kahit matagal kaming nawala, sa kabila  ng mga kasalanan  ni ... ng anak namin ay  nandiyan pa rin kayo para salubungin kami ng naaayon sa  inyong mga damdamin." Mangiyak-iyak  na aniya ng Don.

" Ilang  taon  na rin pong namayapa si kernel Reviera. Sa  lahat ng mga kasalanan niya'y  napagbayaran na niyang lahat. Kasalanan man pero ang buhay niya'y sobra-sobra ng kabayaran kaya kung  maaari ay  kalimutan na natin ang lahat ng makapanibago tayong lahat ng buhay." Saad  naman ng isang may edad na lalaki.

I'M INLOVE WITH YOUR EX BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon