Chapter 1

15 3 1
                                    

Ezra's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari kahapon.

Iyon ang pinaka-unang beses na nakakita ako ng patay. Napakademonyo naman ng gumawa ng karumal dumal na pangyayari na iyon. Hindi na naawa, kung may rason man siya ay hindi niya pa rin dapat ginawa iyon.

May pasok nanaman, natatakot ako dahil sa pangyayaring iyon, hindi na sana ulit mangyari pa.

Pero ang talagang nagpakilabot sa akin ay ang nakasulat.

Death is near

Section A.

Oo, iyon ang pangalan ng section namin.

Nakasabay kong pumasok sa classroom sina Ashley at Kyla dahil nauna na si Jessa na lumoob.

Si Kyla at Jennifer ang mga ka-seatmate ko, nasa kanan ko si Jennifer at sa kaliwa naman si Kyla.

Walang nagbalak na tumayo o maglakad-lakad man lang sa classroom ngayon kahit wala pa namang teacher. Hindi pa ata sila naka-move on sa pangyayari kahapon maski ako.

"Sayang naman yung principal, ang bait bait pa naman nya" mahinang pagsabi sa akin ni Kyla.

"Kaya nga eh" si Jennifer na lang ang nagsalita dahil hindi ako makapagsalita ng maayos ngayon.

Nagring na ang bell kaya lunch na.

Kasama ko na ngayon sina Jessa at Ashley na naglulunch dito sa cafeteria.

"Sino kayang pumatay sa principal?" pagsisimula ni Ashley sa usapan.

"Sa tingin mo kilala namin?" natatawang sagot ni Jessa. "Basta sana kasing bait niya ang papalit."

"Pero hindi nyo ba napansin yung nakasulat sa tabi nya?" ako naman ngayon ang nagsalita.

"Hindi ko nga alam eh pero natatakot talaga ako, a-" napatigil sa pagsasalita si Jessa nang magring ang bell. "Uhmm... B-balik na lang tayo sa classroom."

Bumalik na kami sa classroom namin at ang next subject namin ay Math na si Teacher Lea ang magtuturo.

Kagaya kanina ay tahimik pa rin kami, walang kumikibo.

Maya-maya lang ay dumating na si Teacher Lea na ikinaayos naman ng pag-upo ng lahat.

"Good afternoon."

"Good afternoon Ma'am"

"Pinasign nyo ba sa mga parents or guardians niyo ang mga wavers na binigay ko sa inyo." oo nga pala may binigay siya sa aming wavers na ipinapaalam kami sa mga parents namin na 7:00 pm daw ang dismissal dahil lahat kami ay kailangang itutor sa Math.

"Yes Ma'am" sagot naming lahat.

Wala namang atang nakalimot.

Medyo excited ako dahil ngayon ko lang maranasan ang madismiss ng 7:00 pm pero at the ame time natatakot.

Ang ipinagtataka ko, bakit kailangang ganoon kalate, eh may bukas pa naman.

Nandito lang kami ngayon sa classroom namin, hinihintay si Teacher Lea dahil kinakausap niya pa sa baba ang mga guard ng school.

Mayroong six floors sa building na ito at nasa third floor ang classroom namin. Marami ring CCTV dito at may lima kaming guards.

Kaming section na lang ang nandito sa school dahil mga 4:00 - 5:30 pm ang mga dismissal ng ibang sections.

Nakasilip ako sa bintana habang pinagmamasdan si Teacher Lea na naglalakad papasok na sa main entrance.

Tapos na siyang makipag-usap sa guard.

DespairWhere stories live. Discover now