Ezra's POV"Hi Section A"
Tumaas ang aking mga balahibo sa aking narinig.
Gusto ko nang magising, isa lang sana itong panaginip!
Nakita ko sa mga classmates ko ang alala.
Gusto ko nang umuwi, hindi pwedeng mangyari ito.
Malamang ang nagsalitang iyon ang pumatay sa aming principal.
"Bad evening students!" masayang bati niya sa amin.
Nakavoice-changer siya, ang creepy ng boses parang hindi tao.
"Hahaha. Alam kong alam niyo na ang mangyayari sa inyo sa loob ng walang kwentang school na ito. Maghanda kayo sa mga gagawin kong pasabog sa inyo."
Wika niya sa amin na nakatulala lang.
"Walang hiya ka! Bakit mo kami pinaglalaruan?!" matinding wika ni Whitney sa kanya.
"FYI seryoso ako dito at iisa-isahin ko talaga kayong papatayin." wika nito na ikinatakot ko.
"Hindi lang pala isa-isahin, kaya ko kayong pagsabayin! Nakita niyo naman ang 5guards diba?" humalakhak ito ng malademonyong tawa na nagpataas naman ng aking balahibo."Kung hindi kayo naniniwalang seryoso ako, edi tumunganga kayo, antayin niyo ako!"
"E-ezra, hi-hindi ko ito kaya, huwag mo akong iwan." pabulong na naiiyak na sabi sa akin ni Ashley.
Pangako, hindi lang ako ang makakalabas dito.
Kailangan ko silang iligtas, lahat sila.
Kailangang may kasama akong makakaalis sa lugar na ito.
Hindi lang ako.
"(yawn) Ayokong mag-aksaya ng oras, hintayin niyo na lang ako diyan ."
"Pagkabilang ko ng Sampo ay dapat nakatakbo na kayo bago kayo kunin ni kamatayan. Hahaha"
"1"
"2"
Nakalabas na ako sa room dahil malapit lang ako sa pintuan pero nakikita ko ang iba, hirap na hirap.
Puro sigawan lang ang aking naririnig.
"5"
"6"
Sa awa ng Diyos ay nakita kong nakalabas na kaming lahat kaya tumakbo kaming lahat kung saan-saan, kasama ko sina Ashley, Megan, Barbie, Minzy, Renard, Francis, Christie, Kyla, Jessa, at Billy.
Kung nasaan man ang iba.
Mag-ingat na lang kayo.
"10. See yah!"
***
Zack's POV
Tumatakbo kami ngayon sa side kung nasan ang mga lockers.
Kasama ko ngayon sina Sunshine, Carlo, Ben, Paul, Gary, at Daniel.
Si Sunshine ang nag-iisang babae dahil nahiwalay siya kaninang tumatakbo kami palabas ng classroom.
Kaninang palabas kami ay may naaninag akong isang tao galing sa bintana ng classroom.
May suot siyang helmet na tinted kaya hindi ko naaninag ang kanyang mukha.
Nakasuot rin siya ng leather na jacket. Teka, lahat ng suot niya ay leather pero ang shoes niya ay rubber.
Pero ang mas nagpakilabot sa amin ay ang hawak niyang kutsilyo.
YOU ARE READING
Despair
Mystery / ThrillerEzra, The girl that partners with hope to save her teacher and her classmates from a demon, a psycopath. Can she manage to save her friends with no help from the outside world? Sino ang makakaligtas ng buhay?