Whitney's POV
Napuno na ako sa galit kay teacher Lea.
Inambahan ko siya ng isang malakas na sampal dahil sa gigil.
Hindi naman mangyayari ang lahat nang ito kung hindi dahil sa kanya eh.
"Walang hiya ka! Ikaw ang may kasalanan nito!" malakas kong sigaw sa kaniya.
"W-whitney, hindi ako ang may kasa-"
"Baka ikaw pa ang pumapatay! Kaya mo siguro kami late ididismiss para isa-isahin kami!" dagdag ko pa.
"Hindi niyo naiintindihan" mahinang wika nito.
Bigla namang namatay ulit ang ilaw kaya napakapit ako sa balikat ni Wendy na katabi ko.
Hindi naman na sana bumalik pa ang killer.
***
Ezra's POV
Nag-off nanaman lahat ng ilaw.
Ano kayang nangyayari?
Bawat patay ng ilaw ay may naririnig kaming sigawan pwera lang sa pangalawang beses na parang walang nangyari.
Pero ang pangatlong beses ang pinakamaraming sumigaw.
Nasaan kaya ang iba, ano nang nangyari sa kanila.
Hindi kaya bawat patay ng ilaw ay may namamatay?
Shit! Ayokong mag-isip ng ganyan.
Ezra, be positive.
Nandito kami ngayon nina Ashley, Jessa, Minzy, Barbie, Billy, Renard, Francis, Christie, Kyla, at Megan sa theater kung saan nag-roroleplay ang ibang estudyante.
Magkahiwa-hiwalay kami, kaya kaninang may ilaw pa ay alam ko kung saang pwesto sila.
Kami nina Ashley at Jessa ay nagtatago sa mga upuan na nanatili kaming magkakahawak dahil madilim at wala kaming makita.
Mabuti na lang at may umiilaw na relo si Jessa kaya nakakakita kami ng kaunti.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Sino kaya iyon?
Gusto kong puntahan pero parang natatakot ako.
Parang may kutob ako.
Bigla akong nakarinig ng isang malakas na sigaw ng hindi tataas sa limang babae.
Shit! Kung kanina ay sa labas kami nakakarinig, ngayon naman dito?
"Sino iyan!?" narinig kong malakas na sigaw ni Ashley na katabi ko lang.
Nakarinig naman ako ng mga padyak ng paa na palapit ng palapit kaya nakatikom lang ang aming bibig.
Bigla namang bumukas ang ilaw kaya agad kong itinaas ang aking tingin at nakita ko ang taong nakahelmet na nasa classroom kanina, ang killer.
May hawak itong kutsilyo at hindi ko alam kung babae ba o lalaki ito dahil makapal ang damit niya at nakahelmet siya.
Natulala ako dahil malapit na niyang maambahan ng saksak si Ashley. Hindi ko alam ang aking gagawin kahit sina Jessa at Ashley. Napatay naman ang ilaw at nakarinig ako ng mabibilis na padyak ng paa.
Parang tumatakbo.
Pagkabukas ng ilaw ay wala na ang killer at iniwang nakabukas ang pinto ng theater room.
Bigla naman kaming nakarinig ng isang sigaw.
Si Kyla.
Si Kyla ang sumigaw.
Nasa harap niya ang dalawang bangkay ng aming classmates na sina Megan at Renard.
Si Megan, sinaksak ata ang kanyang kanang mata dahil nabutas ito at doon umaagos ang dugo.
Si Renard naman, parehong pareho kay Megan na sinaksak sa mata pero sa kaliwa naman ang sa kanya.
Ano bang problema ng killer sa amin?
Hindi ba siya naaawa sa aming mga inosente?
Kung may rason man siya ay hindi pa rin dapat siya pumatay.
Kailangang matigil ito, wala nang dapat mamatay, kailangan ko silang iligtas.
Pagiging positibo, iyon ang kailangan sa mga ganitong pangyayari dahil kapag wala kang ganoon, madali ka lang makukuha ng kamatayan.
Nagsiiyakan ang lahat ng nasa theater room dahil sa sinapit ng dalawa naming kaibigan.
Hindi, hindi dapat kami magpahina.
Basta ako, hinding-hindi ko bibitawan ang pinakamalakas na sandata ko, Hope.
***
Killer's POV
Shit, muntik na akong mahuli.
Kung hindi ba naman kasi tatanga tanga si ate.
Ang bobo talaga niya, walang kwenta.
Naglakad na ako papunta sa aming hiding place para hindi kami makita.
Pero pagkabukas ko ng pintuan ay nagulat ako sa aking nadatnan.
Patay na ang ibang tauhan at unti na lamang sila, mga dalawampu na lang ata sila at hindi ko makita si ate.
"Nasaan ang ate ko!" malakas ko silang sinigawan.
"H-hindi po namin alam" sagot ng isang tauhan kong babae at mabilis ko itong pinaputukan ng baril sa ulo.
"Ayoko ng sagot na 'hindi ko alam'" matigas kong sambit sa kanila.
"S-siya po ang p-pumatay sa kanila at nakalabas po siya sa school" sabay turo niya sa mga bangkay.
Walang hiya siya!
Trinaydor niya ako?
Hmp, who cares? Wala naman akong pake sa babaeng yun eh.
Sadyang tanga lang at lumabas pa, ahahaha.
"Hahaha. Lumabas? Ang tanga naman niya, hindi ba niya alam kung ano ang ginawa ko sa labas?" humahalakhak na pagkasabi ko.
Naglakad na ako papunta sa harap ng mga screens at nakikita ko ang mga nabiktima ko.
Hahaha. Umiiyak silang lahat. Kawawa naman.
Hayyy, ang boring.
Dagdagan ko pa kaya?
Hmmmmm?
Sige! Hahahahhahahahaha.
"Students, please gather at the function hall. I repeat, students please gather at the function hall. Thank you."
***
So para hindi po kayo maconfuse sa mga characters eto na po sila!
Girls.
Ezra
Jessa
Ashley
Helen
Courtney
Whitney
Wendy
Christie
Laysha
Barbie
Minzy
Kanisha
Sunshine
Margo
Megan - deads na
Jennifer
Kyla
Danny - deads na
Teacher LeaBoys
Zack
Ben - deads na
Paul
Gary
Daniel
Harry
Paolo
Hans - deads na
Terry
Billy
Gabrielle
Carlo - deads na
Jacob
Francis
Kevin
Renard - deads naSurvivors left : 29
YOU ARE READING
Despair
Mystery / ThrillerEzra, The girl that partners with hope to save her teacher and her classmates from a demon, a psycopath. Can she manage to save her friends with no help from the outside world? Sino ang makakaligtas ng buhay?