Chapter 5

16 1 1
                                    

Ezra's POV

Nagising na ako at nakita ko rin si Helen na gising na. Nandito pa rin kami sa function hall. Tulog pa rin sina Jessa at Ashley pati na rin ang iba naming classmates.

Naalala ko ang sabi ng killer, may kukunin siya sa amin kaya agad akong nag-alala.

Kami lang ni Helen ang gising pero wala na muna akong pake sa kanya kasi hindi niya lang rin ako pinansin.

29 na lang kami rito at hinahanap ko kung sino ang nawala nang may biglang humila sa aking braso nanhg malakas kaya nahila niya ako.

"A-ano ba Helen?!" tinapal naman niya ang kanyang index finger sa aking bibig kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.

"Si Sunshine ang nawawala." sabi naman niya kaya tinignan ko ang mga classmates kong tulog at tama siya. Si Sunshine nga ang nawawala dahil hindi ko siya makita rito.

Kailangan namin siyang iligtas. Hindi na dapat kami mag-aksaya ng oras, kahit ako na lang ang maghahanap, pwede naman siguro iyon.

"Helen, dito ka na lang. Kapag may nagising sabihin mo pumunta na ako, huwag na kayong sumunod." pabulong kong utos sa kanya.

"Alam kong wala na tayong oras na mag-aksaya pero wala na ring oras na magmagaling." nagulat ako sa pagkasabi niya nun. "Sasama ako sayo." dagdag pa niya kaya tumango na lang ako at sumang-ayon sa sinabi niya.

May narinig naman kaming naghikab kaya napatingin kami sa likod at gising na pala sina Zack at Minzy. Si Margo naman ang naghikab dahil kagigising niya lang pala.

"Narinig ko ang pinag-uusapan niyo, sasama rin ako" pumunta si Zack sa harap at sinabi niya iyon. Actually kinilig ako pero wala akong time makipaglandian.

"Pero kailangang may isang maiwan rito para bantayan ang mga kaklase natin." sagot ko naman at narinig kong nagtatalunan sina Minzy at Margo para makuha ang pwesto na kasama naming maghanap.

"Ako na ang pupunta."

"Hindi! Ako dapat!"

"Ano ba?! Tumigil nga kayo. Wala nang panahon para mag-away." pinagsabihan ko sila dahil ang ingay nila.

"Margo, ikaw na lang ang sasama. Minzy, maiwan ka rito para may magbantay sa kanila." sabi ko at parang nagtampo si Minzy at si Margo naman ay masaya.

Lumabas na kami nina Helen, Zack, at Margo para hanapin si Sunshine at kasabay ng timer na nagstart na. 15 mins left.

Nagsplit kami into partners para may kasama kami kapag naghiwa-hiwalay kami.

Si Zack ang partner ko at sina Helen at Margo naman ang magka-partner.

Pumunta sa direksiyon ng swimming pool sina Helen at Margo at kami naman nina Zack ay tumungo sa Gymnasium.

13 mins na lang at kasisimula lang naming maghanap sa Gymnasium. Mali ang plinano namin, dapat pala ay lahat kami naghanap. Kapag nabiho kami ay dalawa ang mamatay at hinding-hindi ko iyon hahayaang mangyari.

10 mins na lang at buong gymnasium ay nilibot namin at walang Sunshine ang nagpakita.

Lumabas na kami sa gymnasium at pumunta ako sa girls CR at si Zack naman ay sa boys pero lumabas na kami dahil wala pa rin sa bawat cubicles ng CR.

"Pupunta ako sa science lab at ikaw naman sa computer lab para mas mabilis" utos ko kay Zack at sumang-ayon naman siya.

8 mins na lang kaya kumaripas na ako ng takbo papunta sa science lab.

DespairWhere stories live. Discover now