Ezra's POV
Kinabahan ako dahil baka may nangyari nang masama sa mga estudyanteng nasa function hall. Baka mangyari nanaman ang nangyari sa anim naming kaklase.
Tumakbo agad kami para pumunta sa hall hanggang marating na namin ang harap ng pinto nito at nakarinig ng ilang iyakan kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Pagkabukas ni Zack ng pinto ay nagulat kami sa aming nasaksihan.
Si Jennifer, may saksak sa tagiliran at nakabaon pa ang kutsilyo doon.
"A-anong pang ginagawa niyo?! Ihatid niyo na siya sa clinic!" sigaw ni Teacher Lea at agad naman siyang binuhat ni Daniel at sumunod ang iba pang mga estudyante.
Ang iba naman ay yumakap kay Sunshine at halata sa mga mukha nila ang tuwa na ligtas ang kanilang kaibigan.
"Congratulations students! Nailigtas niyo si Sunshine!" pumapalakpak ito na nasa stage na pala ng hall. Ang killer.
"Pero bakit sinaksak mo pa rin si Jennifer, eh akala ko ba mamatay lang ang isa sa mga students kapag nabigo naming hanapin si Sunshine?" tanong sa kanya ni Minzy.
"Oh, about that? Actually I didn't stab her." nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi kaya, marami pa ang killer?
"Sinungaling! Bakit naman kami maniniwala sa isang serial killer na nakapatay na ng anim na estudyante at limang pulis!" narinig kong sigaw ni Zack. Oo nga naman may point siya. Bakit naman kami maniniwala sa isang demonyo.
"Guys, use your common sense. Kung ako nga ang sumasaksak, di sana umamin na ako, tsaka hindi ako ganoon pumatay noh? Hay nako, ang bobobo niyo pala. Hahahaha!" sagot naman niya at naniwala na ako, kung siya nga ang sumaksak dapat ay aamin na rin siya.
Pero kung ganun, sino kaya?
"Guys! Si Jennifer!" nagulat kami sa biglaang pagpasok ni Daniel sa hall.
Tinakbo na namin ang daan patungo sa clinic dahil doon siya ginagamot. Marunong namang mag gamot si Margo kaya maswerte kami at nandito siya. Ay, hindi pala kami sineswerte. Malas pala dito.
Natungo na namin ang clinic at halos lahat ng nandoon ay nag-iiyakan.
"W-wala na siya." malungkot na sabi ni Margo kaya tumulo na rin ang aking luha.
Nagulat naman ako nang biglang kunin ni Barbie ang kutsilyo sa may lamesa ng clinic at itinutok ito kay Jessa.
"Ikaw! Ikaw ang pumatay kay Jennifer. Kung hindi yung killer ang pumatay ay malamang ang katabi niya!" malakas at naiiyak na sigaw sa kanya ni Barbie.
Mabilis namang kinuha ni teacher Lea ang kutsilyo at itinapon ito sa may gilid.
"Barbie, wag ka munang magsalita kung hindi ka pa sigurado. Hindi pa natin alam kung siya ba talaga." pinagsabihan ko siya dahil hindi dapay siya basta-basta lang nambibintang kung wala pa siyang malaking ebidensya.
Tumahimik na lang si Barbie at humagulgol sa tabi ni Minzy.
Muli nanamang tumunog ang mga speakers.
"Let's play another game. You need to run for your lives and if I caught you running, it's a bye bye to you." kinilabutan ako sa sinabi niya kaya nagtakbuhan nanaman kaming lahat at nakita kong tinakpan ni teacher Lea ng jacket si Jennifer na wala nang buhay. "By the way, Jennifer is officially kicked out of the school." dagdag pa niya.
YOU ARE READING
Despair
Mystery / ThrillerEzra, The girl that partners with hope to save her teacher and her classmates from a demon, a psycopath. Can she manage to save her friends with no help from the outside world? Sino ang makakaligtas ng buhay?