Ezra's POV"Students, please gather at the function hall. I repeat, students please gather at the function hall. Thank you."
Nagsalitang muli ang speaker.Sino kaya ito!?
Ano ba talagang kasalanan namin sa kanya, eh wala naman kaming maalala.
Nanatiling nakakapit sa akin sina Jessa at Ashley.bPumunta na rin kami sa function hall kahit ayaw namin. Baka kung ano pang gawin ng demonyong killer na iyon sa amin kapag hindi kami pumunta.
Marami nang nandito at iilan na lang ang kulang. Nagsiiyakan ang iba sabay yakap sa mga kaibigan nila dahil masaya silang nakaligtas ang mga ito.
Alam kong dalawa na ang nawala sa amin. Hindi na sana madagdagan.
Nagtataka ako kung bakit ilang minuto na at wala pa rin ang iba at bakas sa mga mukha ng iba kong mga kaklase ang takot at lungkot.
"Hello! Students of Sec-tion-A" masayang wika sa amin ng taong nakahelmet at nakaleather ang suot na nasa stage na pala.
Nakavoice changer pa rin ito para hindi namin siya makilala.
"Oh? Bakit ang lulungkot niyo? Alam kong madami akong napatay sa inyo ngayong gabi pero huwag kayong mag-aalala. Nagpapahinga naman na sila ngayon eh." sambit nito.
"And yes, hindi lang dalawa or iisa ang napatay ko ngayon" kinabahan ako sa kanyang sinabi, hindi kaya... "Kundi, anim! Hahaha." dagdag pa nito.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig iyon. Paano niya nagawa iyon?
Baliw na ata itong taong ito, nawala na sa katinuan. Hindi na siya tao, demonyo na siya.
"Carlo, Ben, Hans, Danny, Renard, and Megan are officially kicked out from the school!" masayang wika niya sa amin.
Tumulo ang luha sa galing sa aking mga mata nang marinig ang mga pangalang iyon.
Lahat sila ay naging kaibigan ko, bakas sa mga mukha ng iba ang lungkot lalo na si Paolo dahil si Danny ang kanyang kasintahan.
Nakita ko naman si Helen na may hiwa sa kanyang braso na may tali ng kneesock na medyas.
"Helen, anong nangyari diyan?" mahinang tanong ko sa kanya ngunit nagkibit balikat lamang ito.
Hindi ko na lang siya ulit pinansin dahil alam kong masasayang lang ang oras ko sa katatanong sa kanya na hindi nasusuklian ng sagot.
Nadapo naman ang tingin ko kay Teacher Lea na nakatulala at pinapawisan.
Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ba siya o hindi dahil hindi ko alam kung bakit niya kami ididismiss ng late kung may bukas pa naman pala.
Pero dito sa loob ng eskwelahan na ito, walang bukas, wala nang kinabukasan.
"Eastern Hope University? Hmm, sounds bad.
From now on, I name this school..." pambibitin nito. "School of Despair" sabay halakhak nito."Hoy! Ano bang problema mo sa amin?! May kasalanan ba kami sayo?! Pabalang na sigaw ni Courtney at agad akong kinabahan sa ginawa ng killer.
Tinutukan niya ng baril si Courtney at ikinasa ito. Ano na bang gagawin ko?
"Please lang, huwag mo siyang patayin." nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
"And the angel speaks." mala-anghel na tono ng boses niya.
"Hindi ka ba naaawa sa amin? Huwag mong ituloy ang binabalak mo. Kung may kasalanan man kami sayo, hindi mo pa rin kailangang pumat-" naputol ang pagsasalita ko nang putukan niya ng baril si Courtney sa kanang paa.
"Argh!" ramdam ko ang sakit sa tono ng boses ni Courtney. Humagulgol ito dahil sa sakit at nilapitan namin siya para talian ng kneesock ang kaniyang sugat, pero si Helen, nanatiling nakatayo sa puwesto niya.
Bigla namang tumayo si Wendy galing kay Courtney at pumunta sa direksiyon ni Helen.
I was shocked when she slapped her very hard but it was just nothing for Helen. Parang manhid si Helen at parang wala man lang siyang naramdaman sa sampal ni Wendy. Nanatili naman ang mukha niyang seryoso at inosente.
"Walang hiya ka Helen! Wala kang konsensiya, sarili mo lang ang iniisip mo! Hindi ka na naawa sa nasaktan. Hindi mo man lang suklian ang pagtulong ni Courtney sayo!" mahabang salita ang isinigaw niya kay Helen na wala pa ring kare-reaksiyon.
Si Whitney naman ay pinipigilan si Wendy na nagwawala at gigil na gigil kay Helen.
Alam kong sina Courtney, Whitney, at Wendy ay pabitch-bitch sa school pero napapansin ko rin ang kabaitan sa loob-loob nila, kagaya ni Courtney na tinulungan si Helen kahit alam niyang weird ito.
Nalaman namin ang pagtulong ni Courtney sa kanya dahil kinwento ito sa amin ng mga nakarinig.
"Ok. Ok. Stop the drama, I'm so bored." walang ganang wika niya sa amin ng killer.
Natahan naman ni Whitney si Wendy nang magsalita ang killer.
"So lagyan natin ng twist, gawin muna natin siyang game, for the mean time. May itatago akong isang student sa inyo. Kailangan niyo siyang hanapin in 15 minutes at kung nabigo kayo, mamatay ang itinago ko at..." pambitin nito. "Siyempre pipili din ako ng isa sa inyong mga naghahanap at papatayin rin iyon noh. Anp kayo sineswerte?" kinabahan ako sa sinabi niya.
"Now!" sigaw niya at bigla kong narinig ang malakas na pagsara ng pinto at maraming usok. Parang gas, gas na pampatulog.
Posible talagang magawa niya ang binabalak niya dahil nagawa niya ito sa limang body guards at sa anim naming kaklase.
Mag-ingat na lang sila.
Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko hanggang tuluyan na akong mawalan ng malay
€€€€€€
G
Ezra
Jessa
Ashley
Helen
Courtney
Whitney
Wendy
Christie
Laysha
Barbie
Minzy
Kanisha
Sunshine
Margo
Megan - deads na
Jennifer
Kyla
Danny - deads na
Teacher LeaB
Zack
Ben - deads na
Paul
Gary
Daniel
Harry
Paolo
Hans - deads na
Terry
Billy
Gabrielle
Carlo - deads na
Jacob
Francis
Kevin
Renard - deads naSurvivors left : 29

YOU ARE READING
Despair
Mystery / ThrillerEzra, The girl that partners with hope to save her teacher and her classmates from a demon, a psycopath. Can she manage to save her friends with no help from the outside world? Sino ang makakaligtas ng buhay?