SYDNEY POV
"Tumahimik nga kayo!" Ano ba yan! ba't ba ang ingay-ingay ng mga kaibigan ko? grrr
Ang ganda ganda na ng binabasa ko eh!
"Ay!Sorry nga!Ikaw naman!Bakit ba nagagalit ka?Parang hindi ka naman nasanay samin tss" Sagot ng kaibigan kong si Mika.
"Oo nga. Tampo na kami sa iyo"Sabat ni Nikki.
"Eh pano ba kasi,nagtatapat na iyong guy kay girl na gusto niya ito!Nakakakilig no?"Sorry kinikilig talaga ako sa binabasa ko ngayon eh.
Pagkasabi ko nun ay binigyan lang ako ng bored look nilang dalawa.
"Eh ano ba ang pakialam namin diyan?"Ouch.Ang sakit naman magsalita ni Mika "Puro ka nalang libro.. mabuti pa dito ka nalang samin, may sasabihin kami sa iyo!!"Ano ba naman to, ba't ba sila kinikilig?
"Oh, okay spill it, para matapos na ito."
"Alam mo ba may bagong estudyante!"Sabi ni Nikki enthustiastically.
"oh tapos?"Bored kong tanong,eh ano naman ang meron doon?
"Anong tapos?!Girl, baka boylet iyon at gwapo!Eeeeh"Hay nako!si Mika talaga puro nalang lalaki ang nasa isipan.
"Ahh..Ganun ba? That's great!Now,can you please shut up I'm trying to read here."Iyon, tumahimik din ang dalawa and I was able to continue reading peacefully.
Ako nga pala si Sydney Perez. 16 years of age. 4th year high school. Currently studying here at Hartford high school. Kilalang-kilala ako ng kaibigan ko bilang Hopeless Romantic.Iyon ang tawag nila sa akin.Wanna ask why?Well, it's because ang pinapangarap ko lang naman ay si Niall Horan ng One Direction, at lagi kong sinasabi na meant to be kami.Wala naman sigurong masama mangarap di ba?
Nang uwian na, ang naririnig ko habang naglalakad sa corridors ay yung tungkol sa new student. Ang sikat naman ata niya!Ang ipinagtataka ko lang ba't pa siya nakapasok dito sa school?Hello!January na kaya!Makakagraduate pa kaya iyon?!
Habang naglalakad ako sa hall ay may biglang umakbay sakin.
"AAAAHHHH!"Nagulat ako kaya napasigaw ako ng wala sa oras. Walangya tong mga kaibigan ko!
"Pfft!Hahahhahahha!"Aba,pinagtawanan pa ako "You should've seen the look on your face"Turo sakin ni Nikki.
"Bakit ba kayo biglang nangaakbay?!Tignan niyo pinagtatawanan tuloy ako"
"Fine! sorry! tara naicha tayo!"Sabi ni Mika .
"Hindi!Uuwi na ako,may gagawin pa akong importante eh"Paliwanag ko kahit na hindi naman totoo.
"Wee?Sigurado ka?Baka mag b-blog ka lang 'bout 1D?O magbabasa ng libro?Alin diyan ang sinasabi mong importante??"Nabuking ako
Wala akong nasabi. Nag-iisip lang ako ng palusot para hindi nila ako pilitin pang sumama.Gusto ko lang talagang makauwi!
"Ok na,umuwi ka na, ok lang sa amin"Sabi ni Mika.
"Talaga?!"
"Oo na!Ingat sa pag-uwi!" Pinagtabuyan na nila ako kaya naman nakauwi ako!Yay!
Pagkagising ko ay nagmadali akong maligo,magbihis, at kumain, baka mapagalitan pa ako pag nalate.
Pagdating ko sa school 7:20 pa.Mabuti naman nakaabot pa ako.Malapit lang naman ang bahay namin kaya pwede lang lakarin.
Then again, pagdating ko sa room, yung new student na naman ang pinag-uusapan nila
Gwapo daw
BINABASA MO ANG
Let Me Be Yours (COMPLETED)
Teen FictionSa isang hindi inaasahang pagkakataon,nakakilala ako ng isang tao na nagpasubok sa aking pasensya.Hindi ko lang inaakala na ang babaeng katulad ko na kung tawagin nga na 'Hopeless Romantic' ng mga kaibigan ko ay magkakagusto sa taong kinamumuhian ko.