Chapter 9

1.2K 35 5
                                    

ADRIENNE POV


Napakaboring kasi kaya dumeretso nalang ako sa bahay niya.Nacurious naman ako kaya pumasok ako sa bahay nila.


Heto ako ngayon,naglalakad papunta sa taas ng bahay nila.Nasa likod ko siya at hinihila ako pababa.


"Huwag ka na kasing pumunta diyan! OFF limits iyan sa guests!"Sigaw niya while pulling me down. Nakakainis na ah! Curious lang naman ako!


"Pwede ba!"Sabay wakli ko sa kamay na nasa braso ko. "Ano? susundan na naman kita?!Pwede bang, kahit ngayon lang, ako na naman ang sundan mo?"Nakita kong nagbago yung ekspresyon niya. Ano ba sinabi ko?


"Ano? susundan na naman kita?! Pwede bang, kahit ngayon lang, ako na naman ang sundan mo?"


Eh,ano bang meron diyan sa sinabi ko?



Binuksan ko yung unang kwarto na nakita ko. Blue ito at puro NBA posters, sa gilid naman ng room ay isang study table.


"Hoy.."Nakasunod pala siya sakin?Ang tahimik kasi "Bawal ka talaga diyan, sa kapatid ko iyan."Sabi niya nang malumanay. Opo, tama po ang basa niyo, malumanay po ang boses niya sa pagkakataon na ito.


"May kapatid ka?"Tanong ko


"Oo."Sinarhan ko na ang room at tumingin sa dalawang pintuan na nasa harapan ko.


"Nasaan siya?"Tinignan ko ang dalawang pintuan sa harap.


"Umalis."Sagot niya.


Alam ko kung nasaan ang kwarto niya, itong color pink na pintuan. Sa tatlong kwarto dito sa taas,ito lang ang nag-iisang pink ang pintuan. Bago ko pa man mahawakan ang door knob, humarang siya dito.


"Bawal ka na talaga dito!"Sigaw niya.


"Ano ba pinoproblema mo?!Patingin lang!"


"Eh ba't sa kwarto ko!" Bakit nga ba?


"A-ano!Napaka-curious ko talagang tao kaya ganon!Feeling mo naman kwarto mo lang eh, bakit, hindi ko rin ba tinignan yung kwarto kanina ng kapatid mo?!"Totoo naman ah!Itinulak ko siya sa gilid and opened it.


"HOLY SHIT."I muttered to myself.


Pumasok ako dito and scanned her room. Ang motif ng kwarto niya ay pink and white. LAHAT PO TALAGA. White chair, pink desk, pink cabinet, yung lamp niya ay may combination na pink, and white yung bed niya tapos yung mga unan at blanket ay white and pink pa rin. Sa study table niya ay laptop na may pink case. Beside her laptop, picture niya at picture ng family at mga kaibigan niya.


Alam niyo ba kung bakit ganon ang reaction ko kanina? Sa isang side ng room niya kasi, puro one direction posters. Isang wall po talaga ito. BALOT NA BALOT NG POSTERS. Alam ko naman na adik siya dito, ang hindi ko alam, ADIK NA ADIK PALA SIYA DITO.

Let Me Be Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon