SYDNEY POV
Lunch na ngayon at wala akong makasama dahil wala si Mika, iba kasi department niya at schedule.Tinext ko siya kung saan kami magkikita pero hindi talaga siya pwede.
Si Lance naman nag text sakin na may klase daw siya. Uii.. nag tetext po kami. Kinikilig nga ako. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko everytime na mag tetext kami, may times kasi na nasosobrahan na ako sa kilig kaya nonsense na yung pinagsasabi/text ko,relate?
Nandito ako sa field ng school kumakain nang biglang may tumabi sakin.
"Adrienne.."Nginitian niya lang ako.Umiwas agad ako ng tingin.Kailangan na talaga siyang mapagsabihan na huwag basta bastang ngumiti.Nakakahipnotismo,lalo na kung tumitig ka sa mga mata niya.Ilang beses ko ng sinasabi ang tungkol sa mata niya,but I couldn't help myself!Worthy naman kasing i compliment ang mga mata niya.
"Akalain mo,makikita kita rito?"Sabi niya na parang di makapaniwala.Pa as if eh obvious naman na trying hard masyado.Hindi siya magaling umacting.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nag-aaral."
"No, I mean,akala ko pupunta ka ng US?"
"Hindi ako natuloy."
"Bakit nga?"
"Kasi na realize ko na ang boring doon. Walang makulit at maldita doon."Sabi niya at tinignan ako.Heto na naman ang puso ko, kung makatitig ang lalaking to..wagas!
"At ako pa ang makulit? Baliw ka ba?"
"Why don't you ask yourself first?"Inirapan ko siya at nagpatuloy nalang ako sa pag kain.
"Free ka ba mamaya?"
"Bakit na naman?"Irita kong sabi.
"Wala lang. Baka gusto mong sumabay umuwi."Napatingin ako sa kanya.Ang lakas pa ng tawa ko.Hindi ko kasi mapigilan.Kada tingin niya ay natatawa ako.Hay!On drugs siguro ang lalaking ito.
Siya? Nago-offer na sumabay ako sa kanya? NAPAKA IMPOSIBLE!Natigil lang ako nung hawakan niya ang kamay ko.
"T-teka... ano ba ang ginagawa mo?"Nginitian niya lang ako.
"You are blushing."Nag iwas ako ng tingin.Tinatraydor ako ng pisngi ko eh!
"Oh ano na?Sasabay kang umuwi mamaya?Hihintayin kita."Sabi niya na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Pilit kong tinatanggal ang hawak niya pero mas lalo niya itong hinihigpitan.
"Bitawan mo nga,Adrienne"
"Ba't ko naman bibitawan?"Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya dahil alam kong mag b-blush na naman ako.
BINABASA MO ANG
Let Me Be Yours (COMPLETED)
Teen FictionSa isang hindi inaasahang pagkakataon,nakakilala ako ng isang tao na nagpasubok sa aking pasensya.Hindi ko lang inaakala na ang babaeng katulad ko na kung tawagin nga na 'Hopeless Romantic' ng mga kaibigan ko ay magkakagusto sa taong kinamumuhian ko.