SYDNEY POV
Habang naglalakad ako paakyat sa hagdan papasok sa classroom ay may nakaupo dito na lalaki.Hindi ko nalang siya pinansin at nilagpasan nalang.
"Teka.."Sabi nito. Napatigil ako sa pagakyat at hinarap siya.
"Oh?"Pataray kong sagot.Good mood ako ngayon.Huwag na huwag niya itong sisiran.
Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo at humarap sakin.
"May araw ka din sakin."Pagbabanta niya sabay alis.
Hindi ko na siya sinagot.Sa halip ay naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko siya nagawang sagutin doon sa banta niya.Sa totoo lang, natakot ako ng kaunti sa sinabi niya.Kahit matapang akong tignan sa labas,babae pa rin naman ako.
NIKKI POV
Nandito ako ngayon sa room namin kasama si Mika na walang ibang bukambibig kundi si Adriennae.Kakainis din minsan dahil puro lang boyfriend niya ang lumalabas sa kanyang bibig.
Ganyan talaga siya ka in love.Ngayon ko lang siya nakitang ganyan umasta sa mga naging ka relasyon niya.Dati kasi,wala siyang pakialam sa mga ito.Yes, when I say walang pakialam, literally, wala siyang pakialam.Kahit nga siguro masagasaan ay okay lang.Ewan ko ba kung bakit nagkakaboyfriend pa siya eh wala naman siyang pakialam sa mga ito.Ngayon lang.
Katulad sa nangyayari ngayon,hindi ako makapag concentrate sa pag re review dahil iniistorbo ako ni Mika.Tanong ng tanong tungkol kay Adrienne.Hindi ko naman alam ang sagot dahil hindi ko naman iyon boyfriend.
"Mika,STOP!Maya na natin siyang pag-usapan.Nag-aral ka na ba sa quiz?"Nagulat naman ito sa tanong ko.
"Quiz?!"Tumango ako"I forgot!Oh no!Kailangan ko pa namang pumasa sa subject na ito."Bumalik na si Mika sa upuan niya at nagsimulang mag-aral.Hay!Mabuti naman at tumahimik na rin.
Nang pumasok si Adrienne sa room, napansin kong tumayo si Mika at tumabi sa tabi ni Adrienne.Walang pakialam si guy kahit na tumabi sa kanya ang girlfriend niya.Parang may malalim na iniisip.
Sa nakikita ko sa kanilang dalawa,ONE-SIDED relationship ang nangyayari dito.
Ang laki ng ngiti ni Mika.Ibang-iba talaga siya pag si Adrienne na, but then, I smell something fishy between him and Sydney.
Nagalit si Sydney sa kanya, pinuntahan ni Adrienne si Sydney para daw mag-sorry, ewan ko lang kung nag sorry nga. Pagkatapos noon,absent silang dalawa sa hapon and all of the sudden nagka LBM?I don't buy that.Alam ko talagang may kakaibang nangyayari dito,maliban nalang kung nagpatayan sila Sydney at Adrienne, mas kakaiba pa doon.
Nung lunch na ay tahimik lang kaming apat na kumakain. Tapos si Adrienne naman, pasulyap-sulyap kay Sydney paminsan-minsan,pero may something sa tingin niya.
Sa aming tatlong magkabarkada, ako ang pinaka-observant.Kaya naman kung minsan, kapag sinasabi ko sa ibang tao ang na o-observe ko ay kadalasang napagkakamalan akong napakajudgemental, eh lahat naman ng sinasabi ko ay totoo.
"Ano naman iyang binabasa mo Syd?" tanong ni Mika sa kanya.
"Will Grayson,Will Grayson ni John Green"
"Ibang libro na naman ba iyan?"
"Obvious naman Mika"Sagot ko sa tanong niya
"Oy! oy! makinig kayo nitong quote" sigaw ni Sydney.Kung maingay si Sydney noon,mas maingay na siya ngayon.Sakit sa ulo! " 'Don't ever cheat on people.Because once you start,it is very hard to stop'kaya naman, mag-ingat kayo sa mga pinipili niyong maging girlfriend o BOYFRIEND baka cheater!Hay nako, iba na talaga ang panahon ngayon. Di ba Mika?"Nabaling ang tingin niya kay Mika na ngayon ay parang sumasang-ayon sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Let Me Be Yours (COMPLETED)
Fiksi RemajaSa isang hindi inaasahang pagkakataon,nakakilala ako ng isang tao na nagpasubok sa aking pasensya.Hindi ko lang inaakala na ang babaeng katulad ko na kung tawagin nga na 'Hopeless Romantic' ng mga kaibigan ko ay magkakagusto sa taong kinamumuhian ko.