SYDNEY POV
Para akong zombie. Para akong babaeng nanakawan. Para akong namatayan. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. The night after Mika confronted me, hindi na ako makatulog. Kahit anong gawin ko hindi talaga. Patuloy kasing dumadaloy ang luha ko. Ewan ko nga kung may natira pang reserba na luha ko kung sakaling may away na naman, baka wala na akong maipalabas sa mga mata ko.Simula noon ay wala na talaga kaming communications ni Mika. I tried asking Nikki na sabihan si Mika na mag-usap kami pero ayaw talaga ni Mika.
This has been one hell of a year for me. Ilang beses akong umiyak, napahiya at nawalan pa ako ng bestfriend and it's all because of that guy in just a span of two months! Tuwing nagkikita kami o nag ku-krus ang landas namin ay iniiwasan ko ang tingin niya o di kaya ay umiwas nalang. Galit talaga ako sa kanya. Sa kanya naman kasi nagsimula ang lahat ng ito. It all started with him.
No. May kasalan din pala ako dito, kung hindi lang sana ako nakialam, kung sana hinayaan ko nalang sila, hindi na sana ito nangyari.
"Syd, okay ka lang?"Tanong ni Andrei, nandito ako ngayon sa loob ng saskyan nila since sinundo niya ako sa bahay. Instead of answering, I just smiled at him.
Haay! prom night. Dapat nga sa gabing to ay masaya ako, we've had so much plans with my bestfriends. Plano namin na mag check-in sa hotel para sabay na kaming magbihis at magpamake-up. Tapos dito na rin kami mag-o-overnight dahil midnight na rin naman matatapos ang prom, pero wala na. Parang bula na naglaho ang lahat ng aming pinlano.
Noong nakarating na kami sa venue ay madami ng estudyante all dressed in their ball gowns, cocktail and their suits.
"Sydney!Gosh!Ang ganda mo ngayon!Para kang model sa suot mo!Ang sexy sexy mo!"Napangiti ako sa expression na pinapakita ni Nikki.
"You don't look bad yourself either." Ang cute nga niyang tignan eh! She's wearing a black cocktail which fits her skin tone at lalo siyang pumuti dito.
Nagtawanan lang kami ni Nikki then I spotted them at the other end of the room. Pinagkaguluhan agad sila ng mga photographers, ang gandang tignan ni Mika sa silver cocktail niya at pati na rin sa lalaking kasama niya. Kung di lang talaga ako galit sa kanya baka napatili ako sa nakikita ko katulad ng mga babae sa loob nitong venue, ma pa-student, staff ng hotel o magulang ng mga estudyante.
He looked sophisticated and gorgeous in his silver tux matching Mika's cocktail. Para siyang prinsipeng nakalabas sa mga romantic na librong nababasa ko. I looked away when he drove his attention to me. Ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya, nagbabasakaling hindi na siya tumitingin, pero mali ako, he's still looking at me,more like staring.
Hindi siya napansin ni Mika since busy pa rin si ito sa pag pose at smile sa mga photographers, para silang mga artista na pinagkakaguluhan.
What's with that look? I know there's something in the way he's looking at me. Nagkatitigan kami for like forever, but I was the one who looked away. Kahit gaano pa siya ka-gwapo ngayon, galit pa rin ako sa kanya.
"Instant artista na ang bestfriend natin."Bulong ni Nikki.
BINABASA MO ANG
Let Me Be Yours (COMPLETED)
Teen FictionSa isang hindi inaasahang pagkakataon,nakakilala ako ng isang tao na nagpasubok sa aking pasensya.Hindi ko lang inaakala na ang babaeng katulad ko na kung tawagin nga na 'Hopeless Romantic' ng mga kaibigan ko ay magkakagusto sa taong kinamumuhian ko.