SYDNEY POV
Is this the end of the world?
"Uii,Syd!Nandito ka pala!Hali ka!"Tawag ni Mika.
Kaya naman pala natagalan siya dahil sa lalaking to.Tinignan ko silang dalawa.Tinignan ko si Mika habang kitang-kita sa mukha ang saya.I wonder kung bakit sila magkasama.Nadapo ang tingin ko kay abno na halos hindi maipinta ang mukha....sa gulat?o sa galit?Ang kapal ng mukha niya kung may gana siyang magalit.
"IKAW?!"Ano ba naman tong si abnormal kung makasigaw.
"O bakit?!"Sagot ko ng may angas sa kanya."Magkakilala kayo ni Mika?"Turo niya samin.
"Malamang!Bestfriend ko kaya iyan!"Sagot ko.
"Ahh..Adrienne,bestfriend ko pala si Sydney;Sydney, si Kent Andrienne Thompson"Singit ni Mika samin.
Hinila ko si Mika palayo sa lalaking iyon.
"Teka lang Sydney."
"Hoy!Saan mo dadalhin si Mika?Hoy babae ka!"Iwinaksi ni Mika ang braso niya na hinahawakan ko."Bakit Mika?"Nagtataka kong tanong.
"Kasi Syd.."Inilagay niya ang kamay niya sa braso ni abnormal at nagtinginan silang dalawa
"Teka,ano ba ang nang-"
"Boyfriend ko na siya" / "Girlfriend ko na siya"Sabay nilang sagot.And I was like, what the?!
"Ano?Teka,nabibingi ata ako, ano ulit?" Baka iba lang iyong pagdinig ko.
"Eh, matagal ka namang bingi."Bulong niya.
"Anong sabi mo?May pa bulong bulong ka pa eh dinig na dinig naman kita."Loko tong lalaking to
"Syd,boyfriend ko na si Adrienne."
"Eh, bago pa iyan dito ah!Hindi mo pa nga lubos na kilala ang lalaking iyan."Turo ko sa lalaking ngayon ay nakatitig sakin.Okay,kahit na galit ako,parang nanghihina pa rin ang tuhod ko sa ginagawa niya.His eyes!Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Syd,hindi na uso ang ligaw-ligaw, pwede naman kaming magkakilala along the way diba?"
I CAN'T BELIEVE THIS TO THE MOON AND BACK!BAKIT BA SIYA PUMAPATOL SA LALAKING KAKILALA PA NIYA?IS THIS HOW 'MODERNIZED' TEENS HAVE BECOME NOW? PBB LANG TEH?!
"Besides, we're really not that serious."Sabi nung abno.
"Ano?"Okay,what was that?Mas lalo lang akong naguguluhan.
"Maglinis ka nga ng tenga mo."
"Tumahimik ka."I snapped at him.
"Syd!"Awat ni Mika sakin.Pwede na siyang maging referee.
"Totoo naman Mika ah!Abno iyang lalaking iyan, kebago-bago pa eh na detention na.Mika, maghanap ka nalang ng ibang lalaki.Marami pa naman may gusto sayo diyan ah!Si Andrei, mabait iyon."
BINABASA MO ANG
Let Me Be Yours (COMPLETED)
Teen FictionSa isang hindi inaasahang pagkakataon,nakakilala ako ng isang tao na nagpasubok sa aking pasensya.Hindi ko lang inaakala na ang babaeng katulad ko na kung tawagin nga na 'Hopeless Romantic' ng mga kaibigan ko ay magkakagusto sa taong kinamumuhian ko.