Chapter 2

47 5 4
                                    

-Hey Readers! Pakihanap po sa table of content yung chapter one at  masisimulan niyo ng makapagbasa. Sorry for the inconvenience.. Thank you po-

"Janaio!!!"

Natigilan kameng lahat sa sumigaw. Napalingon ako ng panandalian sa likod para makito kung sino yun. Nakakita ako ng lalake na hawig na hawig ni Morlen, humarap ako kay Morlen at naka-ngisi siya dun sa lalake.

Pagtingin ko nalang sa gilid naka-bulagta na yung lalake dahil sinapak siya ni Janaio.

Hindi ko na talaga kaya to.

Ganito ba sila mamuhay? Rambol na lang ba ang ikot ng buhay nila? Hindi ba sila natatakot na baka maaksidente sila na baka mamatay sila kapag nabaril sila?

Oo. Takot ako sa ganitong mga pangyayari, dahil nakaranas na ako ng ganito kaya ayoko na yun ulit mangyari.

Flashback

Naglalakad kame papunta ni Kuya at Papa papunta sa park. Nakakita ako ng ice cream shop kaya inaya ko sila kung pwede muna kame kumain ni Kuya ng Ice cream.

Pumayag si Papa pero 'di na siya sumama. Pumunta kame sa ice cream shop ni Kuya at bumili siya ng dalawang chocolate na ice cream. Kumain na kame sa ice cream shop, sandali lang naman iyun.

Paglabas ko, busog na busog ako sa ice cream na kinain ko. Pero nung pumunta ako sa pwesto ni papa nakita ko na lang siyang nakabulagta.

"Kuya!!!"

Sumigaw ako, dahilan para mapag-alala ko si kuya kaya pagpunta niya sa pwesto namen. Kinabahan siya, nakita ko siyang nagpipigil ng galit habang nakatongin sa gilid. Tumingin ako sa gilid at nakita ko ang mga lalake na may maraming tattoo.

May kutob ako na sila ang may kagagawan kung bakit nakabulagta si papa sa lupa. Tumayo si kuya, dahilan para pigilan ko siya.

The Black RoseWhere stories live. Discover now