Chapter 3

32 4 3
                                    

Kinabukasan...

Habang naglalakad ako sa hallway, maraming nakatingin sakin na mga pupil. Siguro naisip nila ako dahil napa-ditch ako sa school nang 'di-oras.

Kahit ako naman eh, sino ba naman ang hindi magugulat na bigla bigla ka na lang dukutin nang kung sino-sino dyan diba?

Habang naglalakad ako itinuon ko na lang ang pansin ko sa lalake na pasikot-sikot pa kanina sa gilid nang mga lockers namen.

Nung tumingin ako sakanya, nagkasalubong ang paningin namen. At bigla na lang nanlaki ang mata niya at tumakbo. 'Di ko na lang siya pinansin. May klase pa ako.

Pumunta kaagad ako sa room namen at umupo na lang. Sino kayan 'yung lalake na 'yun? Hindi ko siya namukaan kase nakatakip yung mukha niya. Magbabasa na nga lang ako nang libro.

Maya-maya ay dumating na ang professor namen at tumingin siya sakin at umiling. Aishh!! Kung 'di sana ako dinukot nang mga 'yun edi sana 'di nasira ang figure ko sa paningin nila.

Ako lang kase ang nakapag-ditch o sabihin na natin na 'di sinasadya na dukutin nang mga kung sino-sino. Almost 6 months na rin ata nung nangyari ang ganitong sitwasyon. Masyado kaseng strikto yung school namen. Kapag late ka, detention ang labas mo.

Miss Razon, detention time later.” gaya nang sinabi ko,kapag nag-ditch ka madedetention ka rin for one hour and thirty minutes. Kaya magbaon ka nang mahabang pasensya, lalo na kung mainipin ka.

Tumango na lang ako kay sir, 'di rin naman 'to ang first time ko na madetention. Nadetention na rin kase ako dati nang ma-late ako nang thirty minutes kase ba naman, ginising ako ni kuya nang 6:10 imbis na 5:10 kaya ayun, detention ang kinalabasan ko. 'Di rin kase ako nagamit nang alarm clock dati.

Nagsimula nang mag-lesson ang professor namen. Medyo nahirapan ako sa method na ginamit kase si Sir, ang bilis niya gawin yun tapos onti lang yung explanation niya.

Nagpakuha ulit siya nang notebook namen sa Math at pinasagot yung mga problem dun sa pisara. Sinagot ko na yun agad kase kung tatagalan ko pa, baka 'di ako matapos sa tamang oras.

After mga 20 minutes, nakatapos na rin ako sa pinapagawa ni Si. Pero, 'di ko pa rin maalis yung lalake kanina na pasikot-sikot sa gilid nang mga lockers. Magpaplanta ba siya nang bomba? OMG! This can't be happening! Okay, inhale, exhale. Bawal, ang over reacting.

Okay Class, paki-pasa na lang nang mga notebook niyo. You can now go to your next subject.” Sabi ng Professor namen. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas. Pumunta naman ako sa next subject ko at umupo sa chair ko. Wala pa naman si Ms. Ria, kaya magbabasa na muna ako nang libro.

Sinara ko muna yung libro ko, ang lamig  naman dito sa loob ng room. Napatingin ako sa labas nang bintana. Naka-sandal yung lalake na nakita ko kanina. Tinignan ko ulit siya, huh? Bakit may dala siyang yosi? Alam ba niyang school 'to. At nasa labas pa siya nang room ahh. Ang galing niya, lodi siya ahh. Hmm.. Bakit kaya 'di siya sinisita nang mga teachers dito?

Bigla naman dumating si Ms. Ria, tapos nilapag niya Yung mga dala niya. Tapos umupo siya. “Okay Class, get a lengthwise paper and we will have a quiz” tapos may kinuha si Mam sa envelop niya. Mga questioners pala yun. Kumuha na lang ako nang lengthwise tsaka ballpen. Buti na lang pala nakapag-review ako kahapon.

The Black RoseWhere stories live. Discover now