Chapter 7

19 2 4
                                    

[Thank you guys sa mga support niyo, dahil dyan rank #375 na ang Black Rose! Yehey, salamuch!]

Chapter  7


“Okay po sir.” sabi nung mga bakla. Grabe, hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Janaio o kukunsintihin siya kase, kung wala siya then ganito ang itsura ko hanggang sa pagbalik ko sa maynila.

“Sorry ah.” sabi ko dun sa bakla. Nginitian niya lang ako, wow, ang bait niya ah, sa dinami dami ng mga nakasama kong bakla, siya lang yung ngumiti sakin.

“Okay lang mam.” sabi niya, tsaka niya ako pinapunta sa isang room. Huh? Ano 'to isusuprise nila si Janaio pagkatapos ng makeover? Pina-upo niya ako, and umupo na rin lang ako.

Huwaw ah, ang laki rin ng room na ito. Puro pink, nakaka-wala tuloy ng stress. “Sam pala.” sabi nung bakla na ang pangalan ay Sam. Sinagot ko naman siya, “Umm, Yhanarra, pwede ring Nara na lang.” masiglang sabi ko sakanya.

“Boyfriend mo ba yun?” natigilan ako sa sinabi ni Sam. Huh? Si Janaio, boyfriend ko? Imposible naman ata na yung lalake na yun magkagusto sakin.

Umiling na lang ako kay Sam. “Ahh, ok, pero bagay kayo.” sabi ni Sam. Ahh? Kame, bagay ni Janaio? Parang imposible naman ata.

“Ewan ko Sayo.” sabi ko kay Sam, tumawa lang siya at ginulo gulo yung buhaghag kong buhok. “Pero teh, pwedeng makipag-friend?” Tanong sakin ni Sam. Sumagot naman ako sakanya. “Oo, naman Sam.” sabi ko sabay ngiti sakanya.

Yinakap niya ako tsaka tuwang tuwa pa siya. Ginulo-gulo ulit niya yung buhok ko.“Salamat ah!” sabi ni Sam. Masiyahin ata siya eh. “Bakit ba sobrang saya mo diyan?” tanong ko kay Sam.

“Kase, ikaw pa lang ang unang girl-besty ko!” sabi niya. Tumango na lang ako, huwaw ah, ang swerte ko naman ata kase ako ang unang girl-besty niya at siya rin kaya yung unang gay-besty ko.

“Halika na, simulan na natin.” sabi niya. Tumango-tango na lang ako sakanya. Tapo, narinig namen na sumigaw si Janaio. “Bilisan niya dyan!” napa-irap na lang ako kahit di niya ako nakikita. Talaga naman, wala talaga siyang Patience.

“Opo Sir.” sagot nameng dalawa ni Sam kay Janaio. “Pogi sana si Kuya, kaso ang sungit!” sambit ni Sam. “Hay nako, sinabi mo pa Sam.” sabi ko rin sakanya. Aba, totoo naman eh.

Pagkatapos ng mga chika namen, nagsimula na siyang ayusan ako. Una, sinuklayan niya ako, halos matanggal niya na nga yung anet ko sa sakit eh.

Pagkatapos nun, inespreyan niya ng kung ano yung buhok ko at ginupitan. Halos maiyak nga ako kase, ang tagal ko yun pinahaba tapos gugupitan niya lang.

“Okay lang yan, Nara. ” pagpapakalma niya sakin. Huminga na lang ako ng malalim, tsaka tumango sakanya. Ginupitan niya ulit yung buhok ko, sabay suklay.

Mga 30 minutes na ang nakalipas at hanggang balikat ko na yung buhok ko. Ang bilis naman nang mga pangyayari. “Okay na ba?” tanong niya tsaka niya niwave yung buhok ko.

“Maganda naman.” pagbibiro ko sakanya. Nanlaki yung mata niya, “Talaga?” nagtatakang tanong niya sakin. Tumango naman ako at nag-thumbs up sakanya.

“Yehey!!” masigla niyang sabi. Cheerful talaga si Sam. Tapos pumunta siya sa isang sulok at kumuha ng mga shampoo ata na nasa kart.

“Anong gagawin mo dyan?” tanong ko sakanya. Nag-blink lang siya sakin at nilapit yun sa pwesto ko. Ang weird talaga niya, baka mag-experiment siya sa buhok ko eh. No, may tiwala ako dito kay Sam. Kaya nga Touch Salon eh, kaso napaka-weird lang nun.

The Black RoseWhere stories live. Discover now