Chapter 6

17 3 2
                                    

*[A/N: Sorry po kung maikli lang yung Chapter 5. Hahabaan ko po 'to. Salamuch po.]*

Janaio's Point of View

"Bro, kamusta na?" huh? Sino yun? Ako lang mag-isa dito sa kwarto eh. Ano ba yan! Nakikitang may tukog eh, ingay ingay masyado eh, sapakin ko yun. Tss.

"Branden?!" Tumayo lahat ng balahibo sa braso ko. Bro, huwag ganyan duwag ako pagdating sa multo eh. Tatakbo sana ako kaso may humawak sa kamay ko.

Saklolo! Gwapong Janaio needs help!!

"Hoy! Buhay ka pa ba?" ahh? Buhay pa ba ko? Parang di ko maramdaman yung katawan ko. Teka, nasa langit na ba ako? Nope. Bad boy ako kaya imposible naman ata na mapunta ako sa langit.

Ouch! May kumurot sakin, Branden kung buhay ka pa, nasapak na kita eh. Akala mo nakakatawa eh. Ah!! Bakit mo ko tinatarget bro. Kung si Bro Randen ka, muzta na lang pre. Hintayin niyo ko diyan ah, kaso matatagalan lang eh.

"Hoy!!" ay shems. Pagmulat ko ng mata ko. Shems ah, panaginip lang pala. Tss, aga aga panget na mukha yung bubungad sakin. Hay nako, nasira agad araw ko eh. Kainis!

"Tss, napaginipan mo ba si Kuya?" tanong niya. Halata ba? Luh, shems baka sabihin ni panget na duwag ako. Tss, wag siyang magkakamaling gawin yun.

"Oo, sabi nga nila panget ka pa rin daw eh. Tsaka bakit ka daw may mga pasa." natatawang sabi ko. Biglang napalitan ng lungkot yung mukha ni Panget eh. Tss, mas lalo lang niyang pinapanget yung itsura niya.

"Bakit?" ay shems. Bigla na lang lumabas sa bibig ko yun eh, bwiset na bibig to, oa-braces ko na lang to para tumaas pa yung quality nung gwapo kong mukha. Hahahahahah. Ang weird talaga neto ni Panget, para siyang natigilan nung tinanong ko yun eh. Teka, may mali ba sa tinanong ko?

"Kase... Hindi ko alam kung bakit ko to sasabihin kase, ano.. Kaya ako umalis kase.. Ina-abuso ako nung tiya ko.." sabi niya. Hmm, kung alam to ni Branden matagal niya na ata sinapak yung angkan niya. Tss, yun pa.

"Bakit di mo sinapak?" sabi ko, ohh bakit may point ako eh, matuto siyang lumaban nuh. Tss, hindi yun pwede kay Morlen lalo na na magiging Black Rose siya. Tsk. Tsk.

"Eh, masama yun eh. Tsaka nasampal ko naman eh. Haha." sabi niya. Unti unting nagsi-sink in sakin yung mga sinabi niya. Ako pala yung slow dito. Shems! Ahah, sinampal rin naman niya eh. Mana sakin si panget pero di sa itsura. Pero kung mag-makeover siya may magbabago kaya?

"Umm, nag-luto pala ako." sabi ni Panget. Asa siyang titikman ko naman yun, buti kung masarap yun. Teka, ang awkward ni Panget ngayon. Ay shems, yung mga pandesal ko. Tss, nakaka-akit kaya yung mga to. Kaagapay ko to kapag may mga magagandang chix eh. Hahahahahah.

"Hoy! Anong tinitingin mo dyan?" pabiro kong tanong si panget naman sumimangot. Tss, panget na naman niya.

"Wala! Akala mo kung sinong gwapo eh flat naman yung ilong." sabi niya. Tss, siya nga tong flat chested eh haha. Paano kaya siya magkaka-boyfriend kung ganyan yung itsura niya?

Pumunta na ako sa kusina at kumuha ng maliit na bowl, hmm, tikman natin kung masarap magluto si Panget. Naglagay ako ng konting sabaw sa bowl at hinigop. Luh, shems.

Ang sarap.

Pinuno ko na lang yung bowl ko, shems ang sarap nang sabaw. Makaka-tatlong kaldero ako neto eh. Ang sarop nung sabaw.

The Black RoseWhere stories live. Discover now